14th Constellation

1.2K 47 0
                                    

HINDI alam ni Twila kung paano haharapin si Light ng araw na 'yon.

Well, alam naman niyang si Adam ang nasa katawan nito nang halikan siya nito. Pero ang mga labi pa rin ni Light ang naramdaman niya. Ibig sabihin lang, ang grumpy spirit medium na 'yon ang first kiss niya!

Habang nakaharap sa vanity mirror, kinapa niya ng mga daliri niya ang mga labi niya. Corny man sabihin, pero parang nararamdaman pa rin niya ang mga lips ni Light. Pero may isa pang gumugulo sa isip niya: si Adam.

Bakit mo ko hinalikan, Adam? Was that a goodbye kiss? Pero bakit kailangan mong gawin 'yon? Best friend kita, eh. And friends don't kiss each other.

Ang daming tanong ni Twila para kay Adam. Pero dahil wala na ang kaluluwa nito, hindi na siguro masasagot ang mga tanong niya. Ipinagpalagay na lang niya na goodbye kiss iyon kaya ginawa 'yon ng best friend niya.

Wala namang iba pang puwedeng maging dahilan si Adam para gawin 'yon. Baka nadala lang ito ng emosyon nito dahil iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila. Kung 'yon nga ang dahilan ng best friend niya, mapapatawad niya ito.

Napansin naman niya ang mga mata niya. Namumugto pa rin ang mga 'yon dahil sa pag-iyak niya kagabi. Iniyakan niya siyempre ang tuluyang pagkawala ni Adam, pero iniyakan niya rin ang magulo niyang feelings.

Dahil sa kiss na 'yon ni Light, na-realize niyang may feelings na siya para sa spirit medium.

Siguro nga, talagang magulo ang feelings ng isang eighteen-year-old girl na tulad ni Twila.Dahil kagabi, nagawa niyang iyakan ang pagkawala ni Adam at iyakan din ang pagkanakaw ni Light ng first kiss niya.

Ang lungkot-lungkot ng pakiramdam niya kagabi. Wala na si Adam, wala pa siyang mapagsabihan ng nararamdaman niya.

At si Light... bakit naman kasi sa lahat ng lalaki, sa grumpy na 'yon pa siya nagkagusto?

Hindi naman siya umiyak dahil lang nanakaw ang kiss niya. Umiyak siya kasi first time niyang nagkagusto sa isang lalaki at hindi niya alam ang gagawin. Ang mas nakakatakot pa, mukhang hindi lang simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Light.

Her feelings were so complicated. She wanted to mourn for her best friend, but she also couldn't get Light out of her mind.

Pumasok ka na nga sa school, Twila. Baka mabaliw ka pa d'yan kakaisip sa kanila.

Tumayo na si Twila at kinuha ang backpack niya na kasabit sa dingding, saka siya lumabas ng kuwarto niya. Matapos niya 'yong i-lock, saka siya bumaba. Nagulat pa siya nang makita niya si Light sa lobby ng dormitory building nila.

Inirapan niya lang si Light na tumayo nang makita siya. Kahit ang totoo, nagpa-panic na siya.

Anong ginagawa niya rito?!

"Ate, anong ginagawa ng lalaking 'yon dito?" bulong ni Twila kay Ate Beatrice, ang receptionist sa building nila habang nagsusulat siya sa log book.

"Eh susunduin ka raw niya," pabulong na sagot din ni Ate Beatrice. "Saka nakita ko kayo kahapon na magkayakap sa tapat ng building natin. So I assumed na boyfriend mo siya."

Pinanlakihan ni Twila ng mga mata si Ate Beatrice. "Hindi ko pa siya boyfriend, Ate."

Bumungisngis si Ate Beatrice. "Hindi pa? Pero malapit na?"

Nag-init ang mga pisngi ni Twila. Himbis na sagutin ang panunukso ni Ate Beatrice ay nagpaalam lang siya rito. Tiningnan lang niya si Light saka siya nagmamadaling lumabas ng building. Sumunod naman agad sa kanya ang lalaki.

Vanilla TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon