NAGHIKAB si Twila matapos iligpit ang Tupperware ng pinagkainan niya. Gaya ng nangyari kahapon, do'n sa likod ng abandoned building sila nag-lunch ni Light. Nagising lang ang diwa niya nang may sumulpot na chocolate bar sa harap niya.
Nilingon niya si Light na nakaupo sa katabing gulong ng kinauupuan niyang gulong. Ito ang may hawak ng chocolate bar pero hindi ito nakatingin sa kanya. Abala na kasi ito sa pagnguya sa sarili nitong tsokolate.
"Bayad sa pagpapakain mo sa'kin ng masarap na lunch," sabi ni Light. "I suck at expressing myself with words so... just take this as a token of gratitude."
Ngumiti si Twila. Napapadalas na ang pagngiti niya simula nang naging close sila ni Light. Hindi niya maintindihan kung bakit pero ang gaang ng pakiramdam niya. "Salamat."
Tumango lang si Light, saka siya nilingon. "Oo nga pala, Twi. May problema ka ba? Kanina kasi sa klase, halatang antok na antok ka. Napuyat ka ba kagabi?"
Bumuntong-hininga si Twila nang maalala ang dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. "Kasalanan mo 'to, Light."
Halatang nagulat si Light. Itinuro pa nito ang sarili. "Ako? Bakit ako? Ano bang ginawa ko?"
Niyakap ni Twila ang mga binti at lumabi muna bago sumagot. "Dahil sa mga sinabi mo sa'kin kahapon, naisip ko tuloy na puwedeng may ibang kaluluwa o mga kaluluwa sa dorm ko, maliban kay Adam. I was so scared last night kaya hindi ako nakatulog ng maayos. 'Tapos ang bilis-bilis ko ring naligo. Pa'no, naisip ko na baka may multong naninilip sa'kin sa tuwing naliligo ako."
May nilingon si Light sa tabi nito na parang may iba itong kausap bago siya muling binalingan. "Huwag ka raw mag-alala, sabi ni Adam. Sinisiguro raw niya parati na walang ibang multo sa dorm mo at walang namboboso sa'yo 'pag naliligo ka. Tinataboy daw niya ang ibang multo sa paligid mo para masigurong safe ka."
Napaderetso ng upo si Twila. "Kasama natin si Adam ngayon?"
Tumango si Light. "Yep. He's right beside me."
Tinapunan ni Twila ng masamang tingin ang espasyo sa tabi ni Light. Hindi niya nakikita si Adam, pero gusto niyang ipakita dito ang inis niya para maging honest ito. "Adam, binobosohan mo ba ko kapag naliligo ako?"
Tinakpan ni Light ang mga tainga nito gamit ang mga kamay nito at tumingin din ng masama sa katabi nito. "Huwag ka ngang sumigaw. Alam mo namang sensitive ang pandinig ko pagdating sa inyong mga multo."
"Anong sabi ni Adam?" curious na tanong naman ni Twila.
"Hinding-hindi ka raw niya binosohan dahil hindi niya magagawa 'yon sa'yo," sabi ni Light habang pinipisil-pisil ang kanang tainga nito. "Hindi daw siya pervert."
Nakahinga ng maluwag si Twila. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya mapakali. "That's nice to know. Pero sa tingin ko, hindi na ko magiging komportable ngayong alam ko nang totoo ang mga multo at pakalat-kalat lang sila sa paligid ko."
Pumalataktak si Light. "Ito ang dahilan kung bakit ayokong may ordinaryong tao na tulad mo ang nakakaalam sa mundo namin. Hindi niyo kinakaya."
"How do you do it, Light? Pa'no ka nagiging okay eh nakikita mo ang mga patay na parang mga nabubuhay na tao rin?"
Nagkibit-balikat si Light. "Sinabi ko naman sa'yo. Simula pagkabata, nakakakita na ko ng multo. Hindi ako nagkaro'n ng normal na buhay kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng mabuhay nang hindi nakakakita ng multo."
Tinitigan ni Twila si Light. Para itong indifferent at poker-face kapag nagkukuwento tungkol sa mundo nito. Pero may uncertainty pa rin siyang nakikita sa mga mata nito. "Pero may mga oras na natatakot ka rin sa mundo mo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Vanilla Twilight
ParanormalAko si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi ko ang tulong ng spirit medium na si Light. Transfer student siya sa school kung saa...