PAKIRAMDAM ni Light ay nalunod siya at may kung sino lang humila sa kanya pataas para makahinga siya. Pero kumunot ang noo niya nang maramdamang hindi pa rin siya makahinga ng maayos dahil may kung anong nakatakip sa bibig niya. Kung ano man 'yon, ang lambot-lambot niyon at ang bago ng naaamoy niya. Amoy bulaklak.
Nang magmulat siya ng mga mata, nagulat siya nang makitang nakadikit ang mga labi niya sa mga labi ni Twila na nanalalaki ang mga mata sa gulat.
Gusto niyang lumayo... pero ayaw sumunod ng katawan niya.
Si Twila ang unang nakawala sa "spell" dahil tinulak siya nito ng malakas, sapat para mapaatras siya. Pagkatapos ay umangat ang mga kamay nito sa mga labi nito habang pulang-pula ang buong mukha.
"Why did you kiss me, Adam?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Twila.
Napahawak si Light sa batok niya. Sa pagkakataong iyon ay nag-iinit na rin ang mga pisngi niya. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo..."
Napakurap-kurap si Twila. "Light?"
Tumango si Light. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. "Kababalik lang ng diwa ko. Nang nagising ako... magkadikit na ang lips natin..."
Impit na tumili si Twila at saka siya tinalikuran. Nang bumukas ang gondola, agad-agad itong lumabas at tumakbo.
"Twila, wait!" sigaw ni Light, saka hinabol si Twila.
Kahit ilang beses tinawag ni Light si Twila, hindi siya nito pinansin. Huminto lang ito sa pagtakbo no'ng nasa car space na sila at pasakay na ito ng sasakyan. Pumihit ito paharap sa kanya, masama ang tingin sa kanya.
"Pasensiya ka na, Light. Pero puwede bang umuwi ka na lang mag-isa? Malapit lang ang bus terminal dito," sabi ni Twila, saka mabilis na sumakay sa loob ng kotse.
Wala nang nagawa si Light kundi ang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. Maging siya, naguguluhan sa mga nangyari. Napahawak siya sa mga labi niya. But the kiss felt good. Really good.
"Twila..."
Napapiksi si Light sa gulat nang lumitaw bigla si Adam sa tabi niya. Malungkot ang mukha nito habang sinusundan din ng tingin ang sasakyan ni Twila. "You're still here? Hindi ang first kiss ni Twila ang unfinished business mo?"
Binigyan siya ni Adam ng naiinis na tingin. "Obviously, it's not."
"Woah! Careful with your tone, buddy. I can kick your ghost butt, remember?" banta naman ni Light dito. Hindi talaga niya gusto na pinag-iinitan siya ng mga multo. "Ano bang nangyari sa inyo ni Twila? Bakit nagalit siya?"
"Ayoko munang pag-usapan ang nangyari," iritadong sabi ni Adam, saka ito biglang naglaho.
Pumadyak sa inis si Light dahil sa pagwo-walk out sa kanya nina Twila at Adam. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang ipahiram ang katawan niya sa multong 'yon. Siya tuloy itong naiwan na clueless sa nangyari samantalang katawan niya ang ginamit.
Nag-squat siya habang sinasabunutan ang sarili. Mababaliw na yata siya sa sobrang gulo ng isip niya ng mga sandaling iyon.
Lalong-lalo na ang halik na 'yon. Lalaki siya kaya hindi siya dapat nag-iinarte ng gano'n.
But it was his first kiss...
Napahawak si Light sa mga labi niya. "Si Twila ang first kiss ko..." Unti-unti siyang napangiti sa realisasyon na 'yon. "First kiss ko ang first crush ko."
BINABASA MO ANG
Vanilla Twilight
ParanormalAko si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi ko ang tulong ng spirit medium na si Light. Transfer student siya sa school kung saa...