NABIGLA si Twila nang sabihin ni Light na aalis na ito matapos nilang mag-agahan. Pero siyempre, hindi na siya tumutol dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Isa pa, sigurado siyang hindi na matutuwa si Sky kung mag-i-stay pa ng isang gabi ang binata sa bahay nila lalo't pauwi na mamayang gabi ang mga magulang nila.
"Sky, ihatid naman natin si Light," pakiusap ni Twila kay Sky na nakahiga sa kama nito habang nagbabasa ng magazine.
"Sayang sa gas," masungit na sabi ni Sky. "Mag-taxi na lang siya."
"Ako na lang ang magbabayad ng gas mo."
Sinara ni Sky ang binabasa nito at bumangon. Binigyan siya nito ng kakaibang tingin. "Bakit ba masyado kang mabait sa Light na 'yon? Do you like him?"
"Eh ikaw? Bakit ba ang sungit mo kay Light? Do you hate him?"
Mabilis na tumango si Sky. "I hate Light because you like him. Hindi mo ba alam kung ga'no nakakadiring makita ang little sister mo na nagba-blush kapag kasama niya ang crush niya?"
Nag-init ang mga pisngi ni Twila. Binigyan niya ng masamang tingin si Sky. "H-hindi ako nagba-blush kapag kasama ko si Light."
"Huli ka!" sabi ni Sky, saka siya tinuro. "Hindi ako nag-name drop nang sabihin kong nagba-blush ka kapag kasama mo ang "crush" mo. Meaning, crush mo nga ang emo kid na 'yon."
Gustong tumanggi ni Twila, pero hindi niya 'yon nagawa. Sa halip ay nag-walk out na lang siya at pinagsarhan ng pinto si Sky. Pero bago pa tuluyang sumara ang pinto ay narinig niya ang malakas at nakakairitang pagtawa ng kakambal niya.
I hate you, Sky!
Sapo-sapo niya ang mga pisngi niya nang bumaba siya ng hagdan. Naabutan naman niya si Light na nakaluhod sa sala habang may kausap. Huminto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang binata. Bumubulong ito. At mayamaya, tumingala na parang may nakikitang hindi niya nakikita.
"Light?" untag ni Twila dito nang tumayo na ito.
Pumihit paharap sa kanya si Light. "Hey."
"Don't tell me... may multo kang kausap?" Napalunok si Twila at niyakap ang sarili nang kilabutan siya. "May multo dito sa bahay namin? Ilan? Marami ba sila?"
Marahang umiling si Light. "Wala na. Isa lang ang multong namamahay sa inyo. 'Yong batang kausap ko kanina. Pero huwag kang mag-alala. Tumawid na siya sa liwanag."
"Paano mo siya na-convince?"
"He was just a child. Sinabi ko lang sa kanya na hinihintay siya ng mommy niya sa kabilang panig ng liwanag. Ngayon lang naman may spirit medium na kumausap sa kanya kaya ngayon lang din niya nalaman kung ano ang dapat gagawin."
"Matagal na kaya siyang nandito sa'min dati? Bagong patayo naman ang bahay namin na 'to at na-bless naman ito."
"Well, nandito na sa lupa na 'to ang kaluluwa niya bago pa ipatayo ang bahay niyo. Hindi mapapaalis ng simpleng house blessing ang multo niya dahil masyado siyang naka-attach sa lugar na 'to. Hangga't hindi kusang loob na umaalis ang isang kaluluwa, talagang mag-i-stay siya kung saan siya attached."
Nakagat ni Twila ang ibabang labi. "Pero ang sabi mo naman, gusto nang tumawid ni Adam sa liwanag. Kaya bakit nandito pa siya?"
"Because he has an unfinished business. Kahit subukan niyang tumawid sa liwanag, hinding-hindi pa rin siya maglalaho dahil hindi matatahimik ang kalooban niya. Kailangan na niyang maalala kung ano ang gusto niyang gawin kung gusto na talaga niyang matahimik."
"Is Adam here?"
Umiling si Light. "Hindi pa siya bumabalik simula nang umalis siya kagabi. Pero huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya para sa'yo kapag nagpakita na siya sa'kin."
BINABASA MO ANG
Vanilla Twilight
ParanormalAko si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi ko ang tulong ng spirit medium na si Light. Transfer student siya sa school kung saa...