MATINDI ang konsentrasyon ni Light habang nakaharap sa salamin at pilit na pinapatayo ang buhok niya gamit ang hari wax nang bigla na lang sumulpot sa likuran niya ang multo ni Adam. Napamura siya sa gulat at binigyan ito ng masamang tingin. "Anong ginagawa mo rito sa dorm ko? Wala ka man lang pasabi na dadalaw ka."
Napangiwi si Adam habang hinahawi ang kamay sa tapat ng ilong nito. "Naligo ka ba ng pabango, Light? Ang tindi ng kapit ng cologne mo!"
Binigyan lang ni Light ng naiinis na tingin si Adam bago siya bumalik sa pagpapatayo ng buhok niya. "Parati kang wala nitong nakaraan."
"Umupo" si Adam sa kama niya at tinitigan siya mula sa salamin. "May na-miss ba ko sa tuwing sinosolo mo si Twila?"
"Hindi ko siya sinosolo," kaila naman ni Light sa iritadong boses. "Pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa unfinished business mo. Ayoko lang na kasama ka namin kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na 'yon."
"Bakit naman?"
"Most ghosts don't like it when their loved ones talk about them using past tense," sagot ni Light. Sa totoo lang, bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. "Saka ayokong isipin mo na nagmamadali si Twila na paalisin ka sa mundong 'to. Alam mo namang hindi ka puwedeng mag-stay dito ng matagal, 'di ba?"
Tumango lang si Adam na parang hinihintay pa ang susunod niyang sasabihin.
"Ipinaliwanag ko rin kay Twila na hindi ka puwedeng pagala-gala lang dito sa mundong 'to," pagpapatuloy ni Light. "Na kailangan mo ng matupad ang huling purpose mo para makatawid ka na sa kabilang mundo. Sa tingin namin, alam na namin kung ano ang unfinished business mo."
"And that is...?" halatang walang interes na tanong ni Adam.
Bumuga ng hangin si Light, saka siya pumihit paharap kay Adam. May mga multo na ayaw pinag-uusapan ang tungkol sa unfinished business ng mga ito dahil ayaw pang umalis ng mga ito sa mundong ibabaw. Pero mukhang hindi naman magiging bayolente ang isang 'to dahil kalmado pa rin ang anyo nito. "Iniisip ni Twila na matatahimik ka kung makakasakay ka sa ferris wheel sa amusement park ng pamilya nila gaya ng deal niyo dati."
Iyon ang dahilan kung bakit pumoporma ng husto si Light ngayon. Nagkasundo kasi sila ni Twila na ngayong weekend pumunta ng amusement park para sorpresahin si Adam. Pero sira na ang plano nang nagpakita sa kanya ang multo ngayon kaya sinabi na niya ang totoo.
Naglaho bigla si Adam sa kinauupuan nito pero mabilis din itong sumulpot sa harapan niya. Magka-eye level na sila ngayong nakalutang ito sa ere. "Naalala ko na kung ano ang unfinished business ko, Light."
Tumaas ang kilay ni Light. "Really? At ano naman 'yon?"
"To be Twila's first kiss."
Muntik nang masamid si Light sa sariling laway. He didn't know why but the mention of "kiss" made him feel embarrassed. "Kiss? Akala ko ba, hindi ka in love kay Twila? Kaya bakit ngayon, sinasabi mong ang last wish mo ay ang mahalikan siya?"
"I may not have thought of Twila that way, but I was still a guy," katwiran ni Adam. "Alam mo naman kung gaano ka-wild ang hormones nating mga teenager. Baka curious ako sa feeling ng may hinahalikan, so I wanted to experience it with Twila. Because she was the closest girl to me."
Nakagat ni Light ang dila. Gusto sana niyang sabihin kay Adam na kung iniisip nitong halikan si Twila, malaman ay may romantic feelings ito para sa best friend nito. Pero mukhang clueless pa ito sa nararamdaman nito.
Pero hindi na rin dapat malaman ni Adam na posibleng higit pa sa kaibigan ang turing nito kay Twila no'ng nabubuhay pa ito. O puwede ring hanggang ngayon ay may damdamin pa rin ang multo sa kaibigan nito. Hindi nito puwedeng ma-realize na in love pala ito sa best friend nito.
BINABASA MO ANG
Vanilla Twilight
ParanormalAko si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi ko ang tulong ng spirit medium na si Light. Transfer student siya sa school kung saa...