16th Constellation

1.1K 49 1
                                    

ABALA si Twila sa pagba-browse niya sa phone niya tungkol sa mga multo na bigla na lang nakakahawak ng mga materyal na bagay. Sa kaka-research niya, nakarating siya sa site na tinatawag na "Nightmare's Crib." Panay paranormal activites ang naka-feature do'n. Na-a-absorb pa lang siya sa binabasa niya nang biglang huminto sa pagmamaneho si Sky.

No'n niya lang napansin na maraming passer-by ang nakaharang sa daan. Halata naman ang aksidenteng nangyari dahil nasa gitna ng kalsada ang nagsalpukang jeep at truck kung saan tinutulungan na ng mga rescuer ang mga naipit na pasahero.

Kinilabutan siya nang ma-realize na karamihan sa mga pasaherong inilalabas ng mga rescuer mula sa mga naipit na sasakyan ay wala nang buhay.

Bigla niyang naalala si Light. Nabanggit nito dati na kapag maraming namamatay sa harap nito, nanghihina ito. Lalo na't madalas itong lapitan ng mga multo at hingin ang tulong nito. Kung bayolente naman ang multo, may posibilidad na angkinin ang katawan nito.

"Mag-iba na lang tayo ng daan," sabi ni Sky habang iiling-iling.

"Wait lang," pigil naman ni Twila sa kakambal, saka sumilip sa side mirror. Nakita niya si Light na nakatayo malapit sa tabi ng gate ng school nila. Nakatayo ito habang nakatakip ang mga kamay sa mga tainga. Bakas din sa mukha nito ang takot at sakit. Nag-alala siya. "Light..."

"What did you say?" kunot-noong tanong ni Sky.

Himbis na sumagot, bumaba lang ng kotse si Twila at tumakbo papunta kay Light habang inaalis ang bracelet na suot niya. Mas kailangan 'yon ng binata ngayon kaysa sa kanya.

Alam niyang nakikita ni Light ang mga kaluluwa ng mga pasaherong namatay sa aksidente. Sigurado rin siyang nanghihina ito ngayon at natatakot. Hindi naman gano'n katigas ang puso niya para hindi maawa rito, sa kabila ng sama ng loob niya.

Nang makalapit siya kay Light ay mabilis niyang isinuot sa pupulsuhan nito ang bracelet. Napatingin sa kamay nito ang binata, pagkatapos ay unti-unting nag-angat ng tingin sa kanya.

Nakita ni Twila sa mga mata ni Light ang relief nang makita siya. Para itong batang nakulong sa closet na takot na takot, at nawala lang 'yon nang may magbukas ng pinto. Nadurog ang puso niya sa reaksyong 'yon ng binata.

Ilang beses na ba nitong naranasan iyon? May dumating ba para iligtas ito sa bawat pagkakataong nilalamon ito ng matinding takot? Ga'no ito kabata no'ng unang beses 'yong mangyari dito?

Now it fully registered to her that Light's world was strange and scary indeed.

"Okay na ba, Light?" nag-aalalang tanong ni Twila. "Hindi mo na ba sila nakikita o naririnig ngayon?"

Kumislap ang pagkaaliw sa mga mata ni Light."Hey, Twila. Remember when I said that you're the only "strange thing" in the room because you're as pale as a ghost during my first day at school?"

Kumunot ang noo ni Twila, pero tumango rin siya. "Yes, I do. Bakit mo naman naitanong?"

Ngumiti si Light, saka marahang hinaplos ang pisngi niya. "I lied. Ang gusto ko talagang sabihin no'n, ikaw lang ang kakaibang nilalang sa classroom dahil ikaw lang ang kaisa-isang babaeng nagparamdam sa'kin na mas gusto ko pa rin palang makasalamuha ang buhay na mga tao kaysa sa mga kaluluwa. Because you're alive... and you make me want to stay by your side."

Nag-init ang mga pisngi ni Twila. "Nagdedeliryo ka na yata."

Humugot ng malalim na hininga si Light. "I think so."

Kumunot ang noo ni Twila. Maiinsulto na sana siya sa sinabi ni Light pero nang mapatingin siya sa mukha ng binata, nag-alala siya nang makitang namumutla pala ito. Parang unti-unti ring umiinit ang braso nito na hawak niya. Nang salatin niya ang noo nito, nagulat pa siya nang maramdamang napakainit na ng balat nito. "You're burning hot, Light!"

Vanilla TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon