MAY FRIENDLY match ang basketball team ng Evangeline Academy laban sa Leighton Academy. Dahil sa event na 'yon, walang klase at himbis na uniform, pinayagan ang mga estudyante na isuot ang school shirt nila (pero mahigpit na binilin na mapababae man o lalaki ay pantalon ang ipapares bilang pang-ibaba) bilang suporta sa team nila.
Dahil do'n, napadali rin ang plano ni Twila.
Suot naman niya ang school shirt nila kung saan nakatatak ang crest ng Evangeline Academy pero nang makapasok siya sa loob, sinuot naman niya ang hoodie niya para takpan ang mukha niya.
Simple lang naman ang plano niya: pumasok sa gym, ipatak ang gamot na bitbit niya sa water jog ng mga player, saka tumakas. Hindi naman lason ang gamot na 'yon. Magkaka-LBM lang ang mga players na magiging dahilan para hindi matapos ng mga ito ang basketball game.
Kapag gano'ng magsisimula pa lang ang game, sigurado siyang nasa barracks pa ang team habang nagbibigay ng pep talk si Sir Ramos (na Coach Ramos ngayon) para palakasin ang loob ng mga player.
Sa loob naman ng gym, sigurado siyang inaayos na ng water boy sa gilid ng court ang tubig na iinumin ng team.
Alam niya 'yon dahil siya ang dating manager ng basketball club.
Natigilan si Twila sa paglalakad nang manikip ang dibdib niya. Mukhang bumibigay na ang katawan niya dahil sa mga pinaggagagawa niyang nakakapagod na "activities" nitong nakaraan. May asthma kasi siya kaya kapag napapagod ang katawan niya, inaatake siya.
Konti na lang, please. Promise, pagkatapos nito, magpapahinga na ko.
"I knew it. Alam kong darating ka para sirain ang game ng team."
Nalingunan ni Twila si Alicia, ang bagong manager ng basketball club. Kasama nito ang dalawa nitong "minions." Sa totoo lang, halos magkamukha na ang tatlo dahil pare-parehong makakapal ang make-up ng mga ito at pare-pareho ring kulot ang dulo ng mga buhok. "I don't know what you're talking about."
Tinangka ni Twila na lagpasan si Alicia para makapasok sa loob ng gym, pero hinawakan siya nito sa braso. Sinubukan niyang bawiin ang braso niya, pero mas humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Hindi mo sisirain ang game ng team ko," mariing banta ni Alicia, nanlalaki pa ang mga mata. Pagkatapos ay nilingon nito ang dalawa nitong minions. "Girls, help me."
Sinubukan ni Twila manlaban pero mahigpit ang pagkakahawak nina Alicia at ng mga minion nito sa mga braso niya. Kahit may ibang estudyante ang nakakakita sa nangyayari, nag-iiwas lang ng tingin ang mga ito.
Si Alicia ang female version ni Sky pagdating sa pagiging bully. Halos lahat ng estudyante, takot sa babaeng ito. Isa kasi ito sa pinakamayaman sa school nila kaya natatapalan ng donations ng mga magulang nito ang lahat ng problemang ginagawa nito.
That was why this bitch was acting like a queen bee.
"Bitawan niyo nga ako!" reklamo ni Twila habang nanlalaban. Pero kumpara sa mahina niyang katawan, halatang batak na sa pakikipag-away ang mga babaeng ito.
Nanlaki ang mga mata ni Twila nang makita kung saan siya balak ikulong ni Alicia: sa lumang banyo sa nasunog na dating storage ng gym equipments.
Hindi naman siya takot sa dilim, pero hindi niya kaya ang mapanghing amoy sa loob. Masikip din do'n at tanging maliit na bintana lang ang daluyan ng hangin do'n. Duda niya kung makakahinga siya sa loob niyon.
Wala siyang nagawa nang itulak siya ni Alicia papasok ng banyo at bago pa siya makapihit paharap, naisara at na-i-lock na ang pinto.
Kinalampag ni Twila ang pinto gamit ang isang kamay. Nakatakip kasi ang isa sa ilong niya. Napakapanghi talaga! Palibhasa, dito umiihi ang mga lalaki sa school nila na walang magawang matino sa buhay!"Buksan niyo 'to! Alicia, you bitch!"
BINABASA MO ANG
Vanilla Twilight
ParanormalAko si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kung bakit hiningi ko ang tulong ng spirit medium na si Light. Transfer student siya sa school kung saa...