Chapter 2: Nice meeting you, stranger

72 6 1
                                    

Yana.

Kung iisipin palang mabuti, meron pa akong dalawang options bukod sa Plan A and Plan B na naisip ko kanina. It's either:

a.) hihintayin ko si Kuya na matapos ang trabaho niya at magpasundo na lang para makabalik sa kanyang apartment

b.) magpasama sa lalaking hindi ko kilala (yep, he's a total stranger to me) para makabalik ako sa apartment ng aking kuya

I had two options and yet, I chose option B!

Don't talk to strangers pala ha, Yana?

Ni hindi man pumasok sa isip ko kaagad na pwedeng masama pala siyang tao. Alam kong gwapo siya at mukhang idol, pero iba na ang mga tao sa ngayon! Paano pala kung miyembro 'to ng isang gang or something? Pano kung ipa-murder niya ako bigla?

Yikes! 'Wag naman po sana.

Pero hindi naman siguro siya ganoon, hindi ba? Baka ako lang talaga 'tong paranoid. Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero wala naman siyang ginagawang masama. Deretso lang ang lakad niya at medyo mabilis pa. Nakakainsulto nga eh! Mas na-eemphasize yung pagiging maliit ko dahil sa matangkad siya't mabilis pang maglakad.

So ayun, wala naman siyang balak na masama...siguro.

"Excuse me..." medyo binilisan ko ang paglalakad para makahabol sa kanya saka ko siya kinalabit.

Sa unang beses, hindi niya ko pinansin kaya inulit ko.

"Mwo?" What?

Buti na lang alam ko yung word na sinabi niya lang! I asked him kaagad. "Uhm, are we going to walk until later?"

Walang kaano-ano, sumagot kaagad siya. "Ne." Yes.

"Up to where?"

"Up to the address that you just showed me," casual niyang pagkakasabi.

What?! Maglalakad lang kami? Sagaran na ba talaga 'to hanggang sa apartment ni Kuya? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero...kasi naman eh. Masakit na talaga yung mga paa ko kakalakad pa lang around Myeongdong kanina.

"Why? Are you tired?"

"To be honest, yes! My brother's apartment is so far from here, well I think." Halos fifteen minutes ang tinagal ko sa tren kanina papuntang Myeongdong so baka malayo talaga yung apartment ni Kuya. Naiisip ko pa lang yung haba ng lalakarin namin, parang gusto ko na lang gumapang pabalik.

"It's not that far," sabi niya then he smiled as if assuring me. 'Nak ng tokwa! Yung dimples niya, nakita ko. Ang gwapo niya lalo kapag nakangiti. Bwisit. May nakilala lang naman akong gwapong Koreano, sinong di matutuwa?

"How can you say so?" I'm so surprised nagawa ko pang tanungin siya in the calmest way possible.

"I know a shortcut," pagkasabi niya noon, we turned right. Hindi na ako nagtanong pa, sumunod na lang kaagad ako.

🍂🍃🍂

Hindi ko na alam kung nasaan na kami pero napadpad kami dito sa isang eskinita. Walang katao-tao, kami lang.

Hindi ko alam pero masama 'tong kutob ko. Helloo? Isang madilim na eskinita 'to tapos kami lang dalawa ang naglalakad dito sa ngayon.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Medyo nagulat ako nang tanungin niya ako. Ang tahimik kasi naming dalawa eh.

"Huh?"

"I asked if you were okay because you look nervous." He looked at me.

"Ah, ne. I'm okay," sagot ko sa kanya. Nakakahiya naman, napansin niya pa 'yon. Halata ba talaga ako kapag kinakabahan?

Heart and Seoul [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon