Yana.
"Hay, ang gwapo talaga nila no. Tsaka, ang ganda ng boses," komento ni Alice habang ulit-ulit na pinapanood ang mga nakuha niyang fancams kanina.
I sighed. "Patingin nga," saad ko. Agad naman niyang binigay sa akin ang phone niya. Mga unang segundo pa lang ng video, bumalik na lahat ng mga emosyon na naramdaman ko kanina.
Di pa man nagsisimula ang concert pero sobrang sigla na ng crowd. Mas naging intense lalo nung opening na, right when Trickshot already appeared before the audience.
Nung nakita ko si Seol Geun, hindi na lang ako nakapagsalita di tulad ng mga katabi namin na sobra kung maka-sigaw. Ewan ko ba, natameme na lang ako pagkakita ko sa kanya.
Ang dami nang pinagbago kay Seol Geun sa loob ng dalawang taon. Masasabi kong lumevel-up na talaga siya. I have to agree with Alice. Never ko inexpect na sobrang talented nilang dalawa ni Jun Ha. Habang pinapanood silang mag-perform sa stage kanina, mahahalata mo yung love and passion nila with what they are doing. Every now and then, I would all see them smile at their fans lalo na kapag nakikita nilang napapasaya din nila ang mga 'to.
That includes me. Sobrang happy ako for them. As a fan and friend na rin, I'm really proud of who they have become.
All throughout the concert nga lang, hiniling ko na sana kahit isang beses man lang mapatingin siya sa gawi namin, makita at makilala niya ako. Napapatingin naman siya sa kung nasaan kami pero mukhang hindi niya ako napansin, which is naiintindihan ko naman. Sa dami ba naman ng pumunta sa concert nila eh syempre ma-ooverwhelm din sila.
"Ang cute cute talaga ni Jun Ha, feeling ko siya na yung bias ko," saad ni Alice kaya nabalik na ako sa realidad. We are currently inside a cafe malapit doon sa venue ng concert kanina. We already had our dinner right after the concert kaya pumunta kami dito for dessert. Para makapag-chill na rin muna bago bumalik ng Myeongdong.
"Kung alam mo lang kung gaano kakulit si Jun Ha in real life. Cute talaga siya tapos makulit din," sabi ko sa kanya.
Memories from last year came flashing back. Kaming tatlo, on our mini Seoul trip, at bigla-bigla na lamang magbibiro si Jun Ha at matatawa kaming dalawa ni Seol Geun. Ang kulit talaga.
Uminom si Alice sa kape niya at tinignan ako. Napataas ang isang kilay niya. She said, "Alam mo, tuwing sinasabi mo 'yan, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakilala mo yung dalawa even before their debut. Sa dinami-dami ng oppa dito sa Seoul, sa kanila ka talaga bumagsak. Aren't you amazed?"
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang mga ala-ala naming tatlo. At some point, masasabi kong napakaswerte ko nga since for sure, kung malalaman ng mga ibang fans ang nangyari sa akin hihilingin din nilang mangyari rin 'to sa kanila. Kumbaga, sana all.
Halos maghahating-gabi na nang mapagdesisyunan naming dalawa ni Alice na umalis na. Buti na nga lang at nakasakay pa kami ng tren. Balita kasi namin, it closes at midnight. Kung gusto naming makarating ng mabilis, we'll have to take a train going back at kung nasaraduhan kami ng train station, we'll have no choice but to ride a bus or a taxi. Late na kami makakauwi kung mag-bubus kami at sobrang mahal kung mag-tataxi naman.
"Yana," tawag ni Alice sa akin nung naglalakad na kami malapit sa apartment ni Kuya.
"Oh?"
Napabuntong-hininga siya kaya napatingin ako. Ang seryoso ng mukha niya, pagod na siguro 'to. "Di mo ba sila namimiss? Syempre, naging kaibigan mo na rin sila at some point," sabi niya saka siya tumingin sa akin. I bet she's talking about Jun Ha and Seol Geun.
Kung di lang talaga seryoso 'tong babaeng 'to ngayon, kanina ko pa siya tinawanan. Instead na sagutin yung tanong niya, I also asked her, "Ayos ka lang? Bakit naman biglang sumagi sa isip mo 'yan?"
She sighed. "Ewan ko ba, midnight thoughts lang siguro. Sagutin mo na lang kasi," pagpupumilit niya sa akin.
"Syempre, namimiss ko sila no. Pero nakita ko na rin naman sila kanina after a long time kaya ayos na 'yon. Tsaka, pinanghahawakan ko na lang din yung sinabi ni Seol Geun na hihintayin niya ako. Alam kong magkikita pa kami," I said with full of hope pero habang tumatagal, parang pati ako mismo nawawala na rin yung paniniwala kong magkikita pa kami. Posible naman, pero parang malabo na. Unreachable na siya, kaya hindi na ganoon kadali yung pagtupad sa hiling ko.
Bigla akong nalungkot. Miss na miss ko na sila. Sana kahit isang araw man lang, makita ko ulit sila, makapag-bonding man lang ulit kami. Naiiyak na tuloy ako. Lecheng midnight thoughts na 'yan, minsan paiiyakin ka na lang talaga.
Bigla akong inakbayan ni Alice. "Huy, ano ba! Wag ka na ngang malungkot, di ako sanay eh. Nakita mo nga siya kanina, edi the more possibility na makita mo siya ulit. Cheer up!" Right, right. Tinignan ko si Alice at ngiting-ngiti siya. Sinubukan kong ngumiti sa kanya. I had to replace my thoughts with good ones para mag-work.
Nagsalita ulit siya. "Tsaka isa pa, nasa Seoul na tayo, oh. Malay mo, andyan lang siya sa tabi-tabi. Kumbaga, compared sa Pilipinas, mas lumiit na distansya niyo. Mahirap talaga ang LDR, pero kakayanin!"
"Gaga! Anong LDR, hindi kami!" sumbat ko sa kanya kaya natawa siya.
"Weh?" panunukso niya.
"Tumigil-tigil ka Alice, hindi nga. Baka mamaya, may makarinig sa atin ma-issue pa tayo dito," sabi ko.
Natawa siya. "Sus, as if naman naiintindihan nila kung anong pinag-uusapan natin."
And the teasing went on. Minsan talaga, paiiyakin ako nitong si Alice pero minsan naman, patatawanin niya ako. Hindi ko na rin maintindihan. Basta ang alam ko, thankful ako for I have this person.
Thankful ako sa friendship na meron kami.
🍂🍃🍂
"Yana, gising na! May sasabihin ako!" Nagising na lang ako sa malakas na boses ni Alice na ginigising ako. Today is Day 2 namin sa Seoul.
"Alice naman eh, ang aga-aga pa," binuksan ko ang phone ko na nasa tabi ko lang at nakita ang oras. 9:23 am.
"Anong maaga? Dali, may sasabihin ako."
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at inaantok akong tinignan siya. "Ano ba 'yon? Masyado ata tayong excited," I said.
Pinakita niya sa akin ang phone niya kaya kinuha ko iyon at tinignan. "Ano ba 'to?" tanong ko ulit.
"Chineck ko yung schedule ng Trickshot ngayong araw at girl, may photoshoot and interview sila sa Sole Arts building! Di ba may cafe doon? Gusto mo bang pumunta? Malay mo swertehin tayo at makita natin sila doon," pagpapaliwanag niya.
Tinanong niya ba ako kung gusto kong pumunta? Of course, I want to!"Ano, game? Nakabihis na ako oh, ikaw na lang ang hinihintay ko," sabi niya.
Tumayo na ako. "Teka lang, magbibihis lang ako then we'll go."
"Suuure, siguraduhin mong maganda ka today ah? Baka magkita kayo, kailangan maging handa ka." Tignan mo 'to nang-aasar na naman, kinindatan pa talaga ako? Ewan ko rin sa babaeng 'to. Ang hilig mang-asar pagdating kay Seol Geun.
Mahigit isang oras na pag-aayos at pagkatapos, umalis na kami. Dating gawi, sumakay kami ng tren papuntang Sole Arts Building para mabilis. Ilang minuto lang, nandoon na kami.
Umaasa ba akong makikita ko siya ngayon? Definitely. Please, universe, ibigay mo na 'to sakin this time.
BINABASA MO ANG
Heart and Seoul [Completed]
Short StoryYana has a dream like any other kdrama and kpop fan- to go to South Korea. And on her 18th birthday, this came true. A week is surely a great time for her to explore not until she gets lost on her first day. . Will someone be able to help her find...