Yana.
Contrary to what Seol Geun said, hindi kami nagkita the next day.
Kanina pa ako pasilip-silip sa labas ng bintana dahil baka sakaling lumabas siya sa apartment nila. And then I even tried to knock on their gate pero wala talaga eh.
It's already afternoon and the apartment's all empty. Walang Seol Geun or Jun Ha sa loob.
Did they even go home last night? Ha, I don't know. At hindi ko rin alam kung bakit ako nabobother dahil sa hindi ko pa siya nakikita.
Is it because he somehow promised me na magkita kami the next day which is today? Or dahil sa possibility na namimiss ko siya...ng slight?
Ugh, I really don't know.
"Nga pala, nakita ko na 'yong mga pictures na sinend mo sa akin through email," said Alice on the line. She's on video call right now. "Infairness, ang gwapo nung dalawa. Ano nga name nila ulit?"
I casually answered, "Seol Geun and Jun Ha."
"Right. Hindi ba talaga sila K-idols? Ang gagwapo eh," she joked.
"K-idols? I don't think so," sabi ko. Never pumasok sa isip ko na K-idols silang dalawa no. If ever na ganoon nga sila, I doubt na they would easily go out and be with someone like me.
"Pero, seryoso, posibleng ma-cast sila ng mga sikat na mga agencies diyan sa Korea, ha. Hindi basta-basta yung looks nila. Ang gwapo talaga."
Agreed. Hindi biro ang genes nung dalawa. If part lang ako ng staff ng isang agency, I would easily cast them and train na kaagad!
"Oh, speaking of," biglang sabi ni Alice kaya nabalik ulit ang atensyon ko sa kanya. "Alam mo ba na may bagong boy group na ilalabas ang Sole Arts Entertainment?"
"Totoo?"
"Yeah, I even found out na magpeperform sila on stage ngayon for the first time. I informed you kasi sakto, baka makita mo pa sila diyan!"
I suddenly have an idea. Right on my first day here in South Korea, I really wanted to meet idols sooo bad. Kung hindi sila magpapakita sa akin, ako na lang maghahanap. Hehehe.
"Alice, where in Seoul?"
I can see from the screen na nag-sscroll siya sa phone niya. She's done her research. Mapagkakatiwalaan mo talaga siya when it comes to updates.
"Wait, sabi dito, inside Sole Arts Entertainment's auditorium. Free lang yung ticket kaso limited daw."
Right, I'm going.
"They are going to perform for a mini showcase. Girl, sayang! I think you should go," said Alice.
Yep, I'm really going. Kahit clueless ako sa kung sinong dadatnan ko, pupunta pa rin ako. Sayang nga naman 'yon! Besides, I can use this day to explore other parts of Seoul. Pwede akong maglibot around entertainment buildings and K-drama sites.
"Pupunta ako," sabi ko sa kanya as if it's an announcement.
"Well then, let's end the video chat here kasi limited lang yung tickets and the clock is ticking," sabi niya. Full support talaga siya sa gagawin ko.
So, we've said our goodbyes to each other tsaka na ako nagbihis. Before umalis, tinanong ko muna si Kuya kung paano makapuntang Sole Arts Entertainment.
He advised me to take the train para daw mabilis akong makapunta doon. Tsaka, oo nga naman, madaling mag-travel sa Seoul through the train station. Hindi ko na afford na maligaw this time.
BINABASA MO ANG
Heart and Seoul [Completed]
NouvellesYana has a dream like any other kdrama and kpop fan- to go to South Korea. And on her 18th birthday, this came true. A week is surely a great time for her to explore not until she gets lost on her first day. . Will someone be able to help her find...