Sobrang aga pa lang sa umaga nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Tulog pa si Alice sa tabi ko so I suppose si Kuya yon.
Nasa South Korea pa rin kami. It's our fifth day.
"Yana, buksan mo 'tong pinto," sabi ni Kuya habang kumakatok pa rin. Umupo ako mula sa pagkakahiga at kinusot-kusot ang mga mata ko. Nagising ng konti si Alice pero umikot lang siya sa kama at natulog ulit.
"Sandali lang," sabi ko at tumigil siya sa pagkatok. Alam na niyang gising na ako.
Dahan-dahan akong tumayo at buti na lang, hindi nagising si Alice. Dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Kuya na may dala-dalang kahon na mukhang kagigising lang din.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya. Tinuro ko 'yong dala-dala niyang parang package.
"Nakita ko sa labas ng gate kanina. Akala ko nung una naligaw lang pero nakita kong may address eh, dito talaga pinadala," aniya.
Binigay niya sa akin yung package at tinignan ito ng maigi. Katamtaman lang yung laki ng package at may address nga ng apartment ni Kuya. Para sa akin ba 'to?
"Tignan mo, baka sa 'yo yan," sabi niya at naglakad na pabalik sa kwarto niya. Pipigilan ko sana siya pero nakapasok na siya sa loob.
Eh? Paano kung sa kanya pala 'to?
Pumasok na lang din ako sa kwarto namin at nilapag ang package sa mesa, sa tabi ng kama. Tulog pa rin si Alice kaya ako na lang ang magbubukas nito.
Sino kaya ang nagpadala nito? Nakalimutan ba nilang lagyan ng pangalan kung kanino?
Humiram ako ng cutter sandali kay Kuya at pagkatapos, binuksan ko na 'to ng dahan-dahan. Ayaw kong sirain ng bongga, baka mamaya sa ibang tao pala ibibigay.
Nabuksan ko na yung kahon pero may isang kahon pa sa loob nito. Ngayon naman, light blue ang kulay nito na may puting ribbon.
Ang cute naman nito. Regalo ba 'to para sa akin?
Inalis ko yung pagkakatali at inangat ko ang takip nito only to confirm na para sa akin nga.
Dear Yana, says a note.
I forgot to give it to you last time! Mian!! - Jun Ha
Merong isa pa.
For Yana,
I hope you like them. - J. Seol GeunNa-curious ako sa "them" kaya agad kong tinignan kung ano 'tong mga pinadala nila.
Ooh!
Inside are pictures!
At ito yung mga pictures ng first trip namin together two years ago! Are you kidding me? I don't like them, I LOVE them!
Kumuha ako ng isa at bumalik kaagad sa akin ang mga memories. This one is a captured picture of Jun Ha sa Namsan Tower, sa may mga lovelocks. He's smiling habang ginagawa ang finger heart sign. Ang cute cute niya.
Yung susunod na nakuha ko ay litrato namin ni Seol Geun. Ito yung nakasakay kami sa cable car. Remember? Actually, this is my first picture in that South Korea trip!
Seol Geun and I are smiling to the camera at nakakatawa dahil may maliit na space sa pagitan naming dalawa kaya mahahalata mo pa ang awkwardness noong mga panahong iyon. Base din sa mukha ko dito, mukha din akong kinakabahan. Although, nakangiti naman ako. Hahaha!
Yung susunod na nakuha ko ay side-view, stolen picture ni Seol Geun. Naka-lean siya sa may railings, sa Namsan Tower din, at yung magandang view ng city ang nagsisilbing background niya. Ang gwapo talaga niya ever. Madaya. Although, hindi pa masyadong pang-idol ang vibe niya dito since trainee pa lang siya 'non, pero still, ang lakas na ng dating.
Yung susunod na picture is probably one my favorites so far. Hindi dahil sa hindi ko masyadong gusto yung iba pero this one kasi made me feel nostalgic the most. It's a picture of the three of us. Ang naalala ko dito, kakatapos lang namin kumain non sa isang Korean restaurant when Jun Ha decided na magpapicture kaming tatlo. The resto had a wooden wall na siyang ginawa naming background at ayun, kinuhanan kami ng litrato ng isang staff doon.
Ako yung nasa gitna and the two giants are surrounding me. Obviously, matatangkad silang dalawa. Then we did our poses. Jun Ha with his finger heart, Seol Geun with the peace sign at ako naman, as if I'm introducing them both dahil nakaturo ako sa kanilang dalawa. We look like those cool squads here.
The rest of the pictures are just the same. Picture ni Seol Geun, tapos ni Jun Ha tapos ako, alternately arranged. May nahahalo ring pictures ng view ng lahat ng pinuntahan namin. Sa galing ng kumuha ng mga litrato, most of them looked like postcards.
Photos really make me happy for some reasons.
Halos nakita ko na lahat and now I'm left with one. Kinuha ko 'yon kaagad at nang tignan ko, natigilan na lang ako sa sobrang ganda ng pagkakuha nito.
It's a view of Han River at sunset time. Makikita mo yung mixed sunset colors and the lit Seoul skyline. This picture is taken from afar, yun yung sigurado ako. The subject is us, Seol Geun and I, habang nakasakay kami sa bangka noong araw na 'yon.
Ang ganda nito.
I give credits to Jun Ha dahil napaka-talented nga naman talaga ng isang 'yon.
I remember how this memory felt like. It was calming. Kaming dalawa lang ni Seol Geun sa bangka and that what made it special for the both of us dahil nabigyan kami ng opportunity para makilala ang isa't isa. Isa 'yon sa mga highlights ng tour. If allowed ng universe, gusto kong ulitin.
I was just looking through the pictures nang magising si Alice. "What's that?" tanong niya.
Bumangon siya at lumapit sa akin. Pinakita ko ang mga ito sa kanya.
"Wooow, these are nice! Binigay nila sa 'yo?"
Tumango ako.
Alice is just looking at them at nakangiti lang siya buong proseso. Parang yung reaksyon ko lang kanina.
"Ang cute cute niya dito," sabi ni Alice at pinakita sa akin yung picture ni Jun Ha sa Namsan Tower.
"May isa pa siyang picture diyan. Sige, sa 'yo na yun," sabi ko.
"Talaga? Hihi, salamat! Alam mo namang crush ko 'to."
"Oooh. Kapag nagkita kami, sasabihin ko sa kanya," panunukso ko.
Pero naki-ride lang din siya and she offered me a thumbs up instead. "Call."
Habang busy siya sa pagtitingin pa rin ng mga 'yon, kinuha ko ang phone ko at pumunta sa instagram. I clicked on Seol Geun's private account and typed a message.
@yyana_
Got your pictures! Thank you!
Say my thanks to Jun Ha too 🙂
Sent 7:41 amThese two never failed to surprise me. As of this moment, feeling ko may nabuo na talagang special bond sa aming tatlo. They are one of the many reasons kung bakit gugustuhin ko nang magpabalik-balik sa South Korea.
And I, definitely, will go back whenever I'm blessed with the opportunity.
I've considered Seoul as a special place for me all this time.
Aside from my country, I think it is where a part of my heart truly belongs.
🍃🍂🍃🍂🍃
Author's Note
And now I'm officially ending Heart and Seoul! ♡ Yehey!
Omggg. For some reasons, napaka-special talaga nitong kwento na 'to para sa akin. Thank you so much for reading it!
I'm still in the process of learning and I appreciate it if you will leave some messages below. Let me know your thoughts! Hehe. You can vote and share this to your friends too! 😉
Kansahamnida, chingus!!
Lovelots,
tara ♥
BINABASA MO ANG
Heart and Seoul [Completed]
KurzgeschichtenYana has a dream like any other kdrama and kpop fan- to go to South Korea. And on her 18th birthday, this came true. A week is surely a great time for her to explore not until she gets lost on her first day. . Will someone be able to help her find...