Chapter 1: Myeongdong

139 5 0
                                    

When Yana goes to Seoul, a love story unfolds...

Yana.

Ready na ang itinerary ko for the day.

1. Go to Myeongdong
2. Go to Namsan Tower
3. Go to Han River

It's my official first full day dito sa South Korea.

FINALLY!

At dahil one week lang ang itatagal ko dito, sasagarin ko na ang pagtotour ko. Buti na lang napapayag ko si Daddy na dalhin na lang ako sa South Korea as a gift for my 18th birthday. Wish ko na 'to since maging fan ako ng K-drama and Kpop kaya naman sobrang thankful ako't malalagyan ko na ng isang check ang bucketlist ko.

Teka lang, pwedeng mag-fangirl saglet?

I'm breathing in the sacred land!

GHAD.

"Sure ka na kaya mong mag-isa?" asked my brother. Siya ang kasama ko dito for a week. Dito na rin naman siya nagtatrabaho for 2 years na kaya ayos lang. Luckily, nakatira siya sa isang apartment kaya less gastos sa tirahan ang peg ko. Ang mahal kaya kapag sa hotel.

"Oo naman. Kaya ko 'to. May pasok ka ngayon kaya hindi mo ako masasamahan no." I assured him habang sinusuot ko na ang mga sapatos ko.

"Talaga? Mahina ka sa directions eh. Pwede naman akong umabsent ng isang araw."

"Wag na, kuya! Don't worry, if ever na maligaw ako, tatawagan na lang kita. Maghahanap ako ng mga telephone booths, alam ko na rin naman yung number mo eh." Sabi ko sa kanya. Wala na rin naman siyang magagawa kaya pumayag na lang din. Alam ko namang worried lang siya sa akin kaya ganyan siya. Sa bagay, first day at first time ko nga naman kasi dito.

Eh wala tayong magagawa, I have a brave soul. I want adventures. Bahala na kung maligaw man. May dala naman akong mapa and travel guide eh.

"Aalis na ako!" sabi ko sa kanya.

"Okay sige, ingat!"

"Bye Kuya!"

Lumabas na ako ng kanyang apartment. It's already 12 noon. Pero di tulad sa Pinas, malamig kapag ganitong oras. Bago pa ako tuluyang lumarga, kinuha ko muna ang mapa at travel guide sa loob ng bag ko at tinignan ang location ng una kong pupuntahan.

Myeongdong.

Ang sabi nila, Myeongdong is perfect for shopping daw. Alam niyo naman ako, sobrang mahilig ako sa Kpop kaya gusto ko ng mga merchandise! Plus, may balak din kasi akong bumili ng album. Dito lang yata sa Korea mabibili 'yon kasi wala sa Pilipinas nung gusto ko. Kaya, let's go to Myeongdong!

Sinunod ko na lang ang sabi sa travel guide on how to get there. Surprisingly, medyo madali lang palang puntahan. Isang sakay lang sa station mula sa kung saan ako papuntang Myeongdong at tadaaa! In less than 15 minutes, nasa Myeongdong na ako!

Guess what?

Ang ganda.

Maraming tao pero hindi yung tipong sobrang crowded. Maraming nagtitinda sa mga gilid-gilid but still, ang organized pa rin tignan. May mga nagbebenta din ng various street foods. Ang gara ng tiangge nila dito, omg.

Naglalakad-lakad lang ako hanggang sa makakita na ako ng isang store kung saan nagbebenta sila ng Kpop stuff and albums of certain groups. May mga posters na makikita mula sa labas kaya baka ito na yung store na hinahanap ko.

With no hesitations, I went inside. Pagkapasok ko pa lang, na-confirm na ito na nga 'yon sa dami pa lang ng mga nakahilerang albums.

I asked the saleslady kaagad kung meron sila noong album na hinahanap ko. Unfortunately, hindi siya sigurado kung meron pang natira since sobrang naging mabenta daw ng album na iyon. Buti na lang medyo kaya niyang magsalita in English kaya nagkaintindihan kami. Sobrang bait niya dahil pinaghanap niya ako. Lucky me, tinuro niya rin kung saan sila nakalagay at nakita ko na meron pang isang natitira.

Heart and Seoul [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon