Yana.
"Wala ka na bang nakalimutan?"
I looked at all my stuff one last time. This is it, I'm leaving today.
"Sa tingin ko, wala na. Ito na lahat 'yon," sagot ko kay Kuya.
Nag-leave siya sa work ngayong araw para tulungan akong mag-impake at para maihatid na rin ako sa airport. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko mauuwi lahat sa Pilipinas 'tong mga gamit ko. Ang hassle magbitbit ng isang malaking bag at dalawang maleta.
Tapos ibang klase pa yung dadalhin kong emotional baggage pauwi. In a span of a week, naging attached na ako sa Seoul. Is it possible na ma-attach nga ba sa isang lugar? Yes, especially if the place made you feel a lot of things and those feelings will transform into memories eventually.
"Ah, bago ko makalimutan, may ibibigay nga pala ako sa 'yo,"
Kuya went inside his room and the second he went out, may dala-dala siyang paper bag. Inabot niya iyon sa akin. Curiously, I opened it at nagulat ako nang makita ang laman nito.
It is the album I'm looking for! Wait lang, binilhan ba ako ng kuya ko ng isang album? For all I know eh sobrang limited lang mga alam niya sa Kpop.
"Binili mo 'to?"
He shooked his head. "Eh kanino galing?" tanong ko ulit.
"Pinapabigay nung—Jung Ha ba 'yon?"
Napangiti ako.
Awww. May iniwan siyang memories naming dalawa. Hindi ko alam kung paano niya nalamang gustong-gusto ko 'tong album na 'to and the fact na binigay niya lang sa akin is making me happy.
I will treasure this so much.
Dahan-dahan ko 'tong nilagay kasama ng mga gamit ko at tuluyan ko nang sinara yung maleta. Natapos rin ako sa pag-iimpake.
If I am to leave Seoul today, parang ganoon din sina Seol Geun and Jun Ha. Napagdesisyunan na ng agency nila na tuluyan na silang ilipat ng apartment. Probably, magsasama-sama na sila as a whole group. For better monitoring and safety na din siguro.
Magmula kaninang umaga, may mga taong nagsasakay ng mga gamit sa trucks sa tapat na ng "dating" apartment nila. Lumabas ako saglit para tumingin. Medyo umaasa akong makita ko sila pero parang di talaga sila darating.
Sayang, gusto ko pa naman silang makita. I want to say my goodbyes before I leave. Babalik pa naman ako pero it will surely take me years before I come back. Tsaka, maraming pwedeng mangyari sa mahabang panahon na 'yon. Sabi ni Seol Geun hihintayin niya daw ako, pero minsan iniisip ko, will he still be waiting for me after a long time?
Hindi ko namamalayan na matagal na pala akong nakatayo sa labas ng apartment nila nang umalis na yung truck kung saan nandoon yung mga gamit. And now, I am left alone and the apartment's empty. I guess, dito na lang din ako magsasabi ng mga farewells ko since naging witness na rin ang lugar na 'to sa mga iilang memories naming tatlo nina Seol Geun and Jung Ha.
Memories that I know I will surely miss.
🍂🍃🍂
My flight is at 11 in the evening. Halos two hours early kaming nasa airport ni Kuya. Currently, naghihintay na lang ako dito sa labas kung saan naroroon din yung ibang passengers. Baka nga yung iba kasabay ko pa pauwi.
Mag-iisang oras na rin yung lumipas at alam kong kailangan ko nang pumasok anytime. Kasama ko pa si Kuya sa ngayon.
"Gusto mo nang umalis?" tanong niya sa akin.
Napasimangot ako. "Can I stay?"
"No, but you know you can come back," sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. "Pumasok ka na sa loob. Kailangan mo pang asikasuhin mga gamit mo so you can board on time."
"Right," tumayo na ako at kinuha sa kanya yung dalawang maleta ko. Kuya helped me with my other big backpack.
"Okay, this is it. I'm leaving," sabi ko sa kanya.
"Tumawag ka kapag nakarating ka na sa Pilipinas."
I nodded. "Okay... Ah oo nga pala! Thank you for letting me stay in your apartment for a week. Sana open pa din yung apartment mo pag bumalik ako dito kasama si Alice," I slightly joked. Pero you know how the saying goes, jokes are half meant.
He just smiled. Nagsalita ulit ako, "Sige na, aalis na ako. Bye Kuya!"
I turned around at nagsimula nang maglakad patungong departure area. Narinig kong nagpaalam na rin si Kuya sa akin. I waved back at him pero nakatalikod pa rin ako sa kanya.
Baka kapag lumingon ako ulit, hindi na talaga ako umalis. Baka umasa pa akong pumunta ngayon si Seol Geun to see me kahit last minute man lang. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon.
I'll just hold on to the possibility na magkikita ulit kami. Not now, but soon.
Noong nasa loob na ako, I took care of my things. Yung isang hand-carry na backpack na lang yung dala ko. Mga ilang minuto pa akong naghintay bago sumakay ng eroplano. Nakaupo na ako sa seat ko by the window when a message arrived.
Umaasa akong galing 'to kay Seol Geun pero galing pala kay Alice.
Alice
Ingat ka pauwi, see 'ya later!
Seen 10:43 pm.I just messaged her back with my current status na nakasakay na ako ng eroplano and it's about to leave soon. Afterwards, pinatay ko na ang phone ko.
Minutes later, we departed.
And just like that, I left South Korea.
BINABASA MO ANG
Heart and Seoul [Completed]
Short StoryYana has a dream like any other kdrama and kpop fan- to go to South Korea. And on her 18th birthday, this came true. A week is surely a great time for her to explore not until she gets lost on her first day. . Will someone be able to help her find...