Chapter 9: Another Chance

44 3 0
                                    

Yana.

For dinner, Kuya and I went for some Korean barbeque. Kuya knows how much I love Korean barbeque but I'm just not really feeling it today. Kung dati, baka makailan pa akong plato pero ngayon isa pa lang eh puno na ako.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Earl sa akin. Napansin din kasi niya na tahimik din ako buong dinner namin.

Sumubo ako ng isang maliit na piraso ng karne. "Medyo," sagot ko sa kanya.

Kumunot yung noo niya. Alam kong hindi niya ako maintindihan sa ngayon at gulong-gulo siya. Maski ako, gulong-gulo na din ako.

Kahit anong pilit ko, hindi ko lang kasi basta matanggal sa isipan ko si Seol Geun. Naiinis na nga ako eh. Panira ng appetite.

Come on, Yana! Think of other things aside from him! Mahirap ba 'yon?

"Anong medyo? May problema ba?"

At this point, I've decided na hindi na lang sabihin sa kanya yung gumugulo sa akin. Tsaka, hindi naman siguro 'yon ganoon ka-big deal sa kanya.

"Nothing," sagot ko.

"Nothing? I'm sure there's something." He's really pushing me to say it, huh? But, no.

I frowned. "Last full day ko na bukas. I don't want to leave yet," pag-eexplain ko. Alam niyo namang hindi 'yon ang tunay na dahilan pero isa din 'yon sa kung bakit ako malungkot. Ayaw ko pang umalis. Ang dami ko pang di na-eexplore sa Seoul. Ang dami ko pang gustong puntahan na hindi ko napuntahan.

And when I leave Seoul, parang yun na din ang finale sa amin ni Seol Geun. I know wala namang "something" sa aming dalawa pero mamimiss ko siya. Both of them, actually. We're gonna have different worlds at makakalimutan niya din ako eventually. And I know that someday, on the news, or in social media, mababalitaan ko na lang na he's dating someone else already.

Or not. Baka sa sobrang busy niya, malayo pa mangyari 'yon. Pero, I doubt. Malabo.

"You know you can always come back here after a year or two," advised Kuya Earl.

Sa totoo lang, nagpaplano na rin ako ng next visit ko dito sa Seoul. Mag-iipon na ako. Next time, sisiguraduhin ko na kasama ko na si Alice.

Although I know na may mag-iiba na sa tuwing bibisita ako ng South Korea.  I will always be reminded of Seol Geun. The pain will always be there but time heals. Magiging okay rin ako soon.

"Yeah, babalik ako," I announced to him.

He just nodded. But then he chuckled, "Gusto mo ng soju?"

I scoffed. "As if naman papayagan mo kong uminom," puna ko.

"But you're 18 already," sabi niya sa akin.

There goes the sudden realization na eighteen na nga pala ako. Nasa legal na edad na ako kaya pwede ko nang gawin yung mga ganitong bagay. Okay, push. Nandiyan naman si Kuya if things get worse.

"Can I try one bottle?" pasimple kong request sa kanya. "With ramyun na din please," dagdag ko.

Walang anu-ano, he called for ahjumma and ordered two bottles of soju and a bowl of ramyun. And after a few minutes din, binigay na yung order namin.

Unti-unti nang bumabalik yung appetite ko, buti na lang. This bowl of ramyun looks so good. Finally, I can enjoy the Korean barbeque as well. 

Di ko na muna pinansin yung ramyun at kinuha yung isang bote ng soju. May binigay din si ahjumma na kasamang isang maliit na shot glass kaya naman binuhos ko ang soju doon hanggang sa mapuno 'yon. Ganoon din ang ginawa ni Kuya.

Heart and Seoul [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon