Sembreak

2.4K 82 4
                                    

GLAIZA POV

Nakahanap din ako ng work, sa restaurant sa labas ng University. Buti nalang sembreak na ngayon! Part time job lang naman ito pero ayos na rin dahil kumikita na ako ng pera.

So yon, every out ko sa University, diretso kaagad ako sa restaurant para magtrabaho.

Si Chynna at Katrina, dito na palaging kumakain, para daw masuportahan ako.

Pati na rin si Ma'am Rhian. At madalas kasama niya si Ma'am Solenn, at pag magkasama sila, sinasadya ko talaga na sa iba lang mag serve, para hindi naman awkward sakin masyado.

Tungkol sa friendship namin, ayon, mabuting mabuti. Mas okay na kasi hindi na kami nagdededmahan. At saka, okay na kami. Sweet nga nya sakin eh.

Si papa, magaling na sya. Nagwowork na ulit sya pero hindi katulad ng dati na sobra sobra, dahil nandito naman ako para tumulong sa gastusin sa bahay.

Maaga akong pumasok ngayon sa trabaho ko, wala din naman kasing eskwela, kaya madadagdagan ang sahod ko nito.

Me: "Good morning Sir." Sabi ko sa boss namin. Ngumiti lang ito, kaya nagbihis n ako ng uniform ko at pumunta na sa kitchen para gawin ang trabaho ko.

Agad akong binigyan ng tray na iseserve sa table #7 daw.

I put on my sweet smile para good vibes and then lumabas na ako para iserve ang food.

As I made my way to table #7, ay ayan, mas lalong lumapad ang ngiti ko. Dahil nakita ko ang princesa ng buhay ko. Sino? Edi si ma'am Rhian.

Hindi pa rin naman sumusuko ang puso ko sa kanya, pero hindi ko pa rin inamin sa kanya. Okay na ako na friends kami, atleast palagi ko syang nakakasama.

Me: "Good morning beautiful." I said as I lay her food on the table.

Rhian: "Good morning too, Glaiza." She said, tas nakangiti pa.

Me: "Enjoy your food." At tumalikod na ako.

Rhian: "I will." She said and wink at me.

Yong wink na yan talaga eh. Gusto ng lumabas ng puso ko eh.

Another food to serve. Paglabas ko, si Katrina at Chynna na naman. Araw araw itong customers namin. Sweet nilang friends diba? Palagi silang nandito dahil hindi na kami nagkakasama palagi.

Then my day went well. Hindi manlang ako nakaramdam ng pagod, I love my work kasi. So after my duty, nagsahod na ako, at nagpasalamat sa boss ko. Tapos lumabas na ako ng restaurant.

Since madilim na, mabilis akong naglakad pauwi sa bahay, at pagdating ko, binigay lp kaagad kay mama ang sahod ko at ang dala kong ulam.

Tapos kumain na kami. I was happy to see my parents eating well tapos sabay sabay pa kami. Mabuti nalang, mabait yong boss ko kaya araw araw ang sahod ko.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin at hinugasan ko ito. Tapos nag goodnight na ako sa parents ko at pumasok na sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko, at doon ko palang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Kaya tumayo ulit ako at nag halfbath, tapos saka ako humiga ulit at natulog kaagad.

*****************************************

RHIAN POV

I was really happy knowing that my dear friend Glaiza had found a job but still I'm worried about her. Hindi biro ang magkaroon ng dalawang buhay, buhay estudyante at buhay may trabaho. Mahirap pagsabayin yan. Sana lang talaga maging healthy sya parati.

Actually may gusto sana akong ipagawa sa kanya para makatulong nalang rin ako sa kanya. Pero sembreak pa naman kaya pag may pasukan na ko nalang sasabihin sa kanya at sana pumayag sya.

Since sembreak ngayon, I have a lot of tim to go anywhere I want, at nakasanayan ko na rin na pumunta sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Glaiza. Doon ako palaging kumakain dahil masarap ang food at gusto kong makita si glaiza parati.

May times nga lang na kasama ko si Solenn kasi siya yong nagyaya. Hindi ko naman sya pwedeng i-down kasi kawawa naman sya. Until now, hindi pa rin sya sumusuko sakin, at until now, wala pa rin akong maramdamang kakaiba sa kanya. She's just a friend lang talaga sa puso ko.

Maaga akong nagising ngayon at dahil ako nalang ang tao sa bahay, kasi nga busy yong parents ko sa business namin, nagpasya akong kumain sa labas. Doon sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Glaiza.

Pagkapasok ko, umorder kaagad ako and I was hoping na sya ang magserve sakin para makita ko sya.

Luckily, sya nga. She's smiling at nakakagoodvibes talaga ang smile nya, kaya napangiti din ako. Nang makalapit n sya sakin, ayan na naman yong mga sweet words nya, kaya ang lakas ng pintig ng puso ko. Sa sobrang lakas baka marinig na nya.

Sandaling pag uusap lang ang nangyari samin dahil bawal syang magtagal, syempre madami pa syang gagawin. Kontento na ako na ganito kami palagi, atleast sa ngayon, I can wink at her, I can tell her sweet words, without feeling awkward kasi friends naman kami.

Mas close pa nga kami kaysa samin ni Solenn eh. I don't know why, basta feel na feel ko talaga si Glaiza. She's so sweet and caring. Kaya I like her.

I still have feelings for her pero secret pa rin iton. Okay na rin kasi na magkaibigan kami kaya hindi nalang ako aamin dahil baka masira pa friendship namin.

So yon, habang kumakain ako, dumating yong barkada nya. Supportive friends, just like me. Dito rin sila palaging kumakain para kay Glaiza. See? Dahil mabait si Glaiza kaya lahat kami sumusuporta sa kanya.

Pagkatapos kong kumain, gusto ko sanang magpaalam sa kanya, kaso hindi ko sya makita, baka busy na sya sa kitchen, kaya umalis nalang ako.

Pagkalabas ko ng restaurant, I went to my car, then my phone start ringing. Tiningnan ko kung sino ang caller, si Solenn pala. Kaya sinagot ko kaagad ito.

Me: "Hello Solenn."

Her: "Hello, where are you?"

Me: "I'm on my way home. Why?"

Her: "Oh, do you want to watch movie with me?"

Me: "Yeah sure."

Her: "Okay, let's meet in my place."

Me: "Okay, I'll be there."

Tapos binaba ko na ang phone ko. Napabuntong hininga nalang ako at nagdrive papunta sa kanila.

Araw araw talaga kaming nagkikita, pero walang pinagbago ang pagtingin ko sa kanya. Sana isang araw marealize nya na hindi kami para sa isa't isa.

Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon