GLAIZA POV
Ang bilis talaga ng mga araw. Weekend na bukas. Kasalukuyan kaming nagkaklase kay Miss Rhian, syempre, napaka active ko sa klase nya. Gusto ko syang teacher eh. Favorite kunbaga.
Mayroon kaming pagsusulit ngayon, at syempre ako na naman ang unang natapos.
Pagpasa ko ng test paper sa kanya, nagsalita sya.
Rhian: "Well, well, well. My favorite student, tapos ka na agad, as usual. You can wait in your sit, while I check your paper. Para malaman natin kaagad ang score mo."
Me: "Okay maam."
Bumalik ako sa upuan ko, at hinintay na matapos sya sa pagchicheck ng papel ko.
Nakaramdam ako ng siko. Kaya napatingin ako kay Chynna.
Me: "Bakit ba?"
Chynna: "Wow! Biglang nakalimutan, paempress ka talaga kay Miss beautiful no? Share mo naman sakin mga sagot mo, baka mabokya ako nito eh."
Me: "Hindi ka na naman ba nakinig?"
Chynna: "Asa ka pa. Dali na kasi!"
Me: "Okay. Okay."
Pasimple ko syang tinuruan at sya na nagturo kay kat. Nako! Pag naboking talaga kami, lagot ako nito! Pero hindi ko naman pwede silang pabayaan. Bestfriends ko yan eh.
Maya maya, tinawag na rin ako ni Ma'am Rhian. She's smiling widely.
Rhian: "Perfect."
Me: "Talaga po?" Napangiti naman ako.
Rhian: "Okay, have a nice weekend."
Me: "Ikaw din ma'am."
Lumabas na ako ng room para doon nalang hintayin sila Chynna at Kat. Maya maya lumabas na rin naman sila at nag aper pa kaming tatlo.
Kat: "Naks! Perfect mo yong quiz. Ang galing mo talaga. Inspired ka no?"
Chynna: "Oo, inspired yan pero hindi nagkikwento satin kung sino. Nakakatampo na tuloy."
Tiningnan ko sila, mukhang seryoso ah? Ano naman ikikwento ko, eh wala naman.
Me: "Hala, wala naman akong dapat ikwento kasi wala naman eh."
Chynna: "Wala daw. Pero parang close na sila ni Miss Rhian."
Me: "Hindi naman. Friends lang."
Katrina: "Friends? Friends lang ba yong nakikita namin?"
Me: "Ewan ko sainyo. Kasi ang hilig nyong maglagay ng malisya sa wala naman dapat."
Chynna: "Basta tol ha? Easy ka lang. Napansin ko din yong reaction mo ng makita mo si Miss Solenn. Haha wag kang maging salawahan."
Me: "Bahala nga kayo. Papasok na ako."
Naglakad na ako palayo sa kanila. Pero humabol din naman sila. Ang mga utak ng mga ito, palaging may malisya.
Pagdating namin sa klase ni Miss Solenn, syempre, katulad ng ginawa ko kanina sa klase ni Miss Rhian, bida din ako. Pati sa quiz, oh diba? Magaling kasi talaga ako.
Pagkatapos ng klase namin, sabay sabay kaming naglakad ng mga kaibigan ko para tumambay sa field.
Chynna: "Tol, hanggang ngayon ba wala ka pa ring balak magkalovelife?"
Aba'y nakakagulat naman talaga ang tanong nito. Out of the blue yong tanong nya eh.
Me: "Anong klaseng tanong yan? Syempre wala no. Pag aaral muna ang aatupagin ko."
Chynna: "Ang boring ng buhay mo. Buti pa ako may lovelife na."
Kat: "Wag mo kasing itulad si Glaiza sayo."
Me: "Sinong lovelife mo tol?"
Chynna: "Si Ma'am Solenn."
Walang ganang pagkakasabi niya.
Me: "Joke ba yan?"
Chynna: "Hindi, in love talaga ako sa kanya, pero alam kong bawal. Kaya sakin nalang ito."
Kat: "Patay tayo dyan."
Me: "Okay lang yan. Pag tapos ka na sa pag aaral mo, pwede mo na syang ligawan."
Chynna: "Eh pano yan? Matagal pa pala akong mangangarap kasi first year palang tayo."
Me: "Ay oo nga. Pero mabilis lang naman ang panahon. Tyaga tyaga ka muna."
Kat: "Buti pa ako. Wala akong iniisip na mga ganyan."
Tumingin nalang kami kay Kat at hindu na nagsalita. Pagkatapos ng dalawang oras na pagtambay namin, nagpasya na rin kaming umuwi.
Sa wakas, weekend na. Madami na naman akong time dito sa bahay.
********************************
RHIAN POV
Parang kailan lang first day ko palang, tapos ngayon, friday na pala. Ang bilis ng mga araw.
Nag enjoy talaga ako sobra sa pagtuturo ko. Hindi ako nagsisisi na pinili kong gawin ito.
My day went good. Lahat ng studyante ko ay present at puro mababait sila.
Pagkatapos ng araw na ito. I can finally go home. Pero naisip kong maglibot libot muna sa University na ito. Total wala naman akong iisipin bukas.
Lumabas ako ng faculty room, at nagsimulang bumaba sa hagdan nang tawagin ako ni Solenn.
Lumingon ako sa kanya.
Me: "Yes Solenn?"
Solenn: "Weekend na bukas. Wala ka bang lakad?"
Me: "Wala naman. Hindi kasi ako sanay gumala eh."
Solenn: "Magbibeach ako bukas. Gusto mo bang sumama sakin?"
Me: "Ayoko sana. Okay lang ba?"
Solenn: "Hmm, sayang. Wala pa naman akong kasama."
Ano ba yan? Parang namimilit siya. Nahiya naman ako kasi nagyaya siya tapos aayawan ko lang.
Me: "Hmm, sige. Sasama ako."
Solenn: "Sige, text ko sayo bukas kung saan. Thank you. You made me happy."
Me: "Ano ka ba? Okay lang yon. I'll go ahead."
Sabi ko sa kanya at naglakad na ako papalayo sa kanya. Siguro oras ko na ito para makapag enjoy naman na may kasamang ibang tao. Sanay kasi akong sa bahay lang palagi. Tsaka instructor na ako, hindi na ako taong bahay lang. Kaya mabuti na siguro na magkaroon ako ng ganitong moment na mag lakwatsa at mag enjoy sa labas.
Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa field. Umupo sa lane, at nag enjoy sa preskong hangin.
Then, out of nowhere, nakita ko si Glaiza, Chynna at Katrina. Napakaseryoso ng mga mukha nila. Masisinsinang pag uusap siguro ang topic nila. Bakit ko nasabi yon? Ano bang pakialam ko sa kanila?
Pero ang ganda nilang panoorin. Lalo pa't halatang close sila. Sarap sigurong kasama si Glaiza. Este sila. Pero hindi naman pwede. Awkward naman tingnan naka uniform akong pang teacher tas sila pang estudyante. Baka maissue pa sila.
Sa sobrang pagkabusy ko sa panonoos sa kanila, hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa kanila. Doon ko lang napansin na tumayo na sila at naglakad papalayo. Ano ba tong ginagawa ko? Napapahiya tuloy ako.
Naglakad ako papunta sa parking lot, at sumakay sa kotse at nagdrive pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..
FanfictionRhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza and Rhian. Nagawa ko ang story ko through my imagination and love for Rastro. I hope you enjoy readi...