GLAIZA POV
Habang nasa langit ako, este sa eroplano, tinitingnan ko ang mga photos namin ni mine.
Miss na miss ko na kaagad sya.
Matagal din bago kami magkikitang muli. Pero pag nagkita ulit kami, sisiguraduhin kong hindi na ulit ako aalis.
Since nasa may bintana ako, nakikita ko ang mga dinadaanan namin, where on the sky.
Ang sarap sigurong hawakan ang clouds no? Siguro fluffy sila.
Then after a couple of hours, nakaramdaman ako ng antok. Sino ba naman ang di aantukin sa boring ng byahe na ito. Wala akong kasama, walang kausap. Kaya matutulog nalang ako.
I don't know kung gano ako katagal nakatulog dahil paggising ko, nasa eroplano pa rin ako, pero gabi na. Nasan na kaya kami? Hay ewan! Hindi ako magtatanong dahil baka magmukha akong tanga.
Matagal pa ang byahe na ito kaya natulog nalang ulit muna ako. Sana paggising ko nasa L.A. na ako. Pero pag gising ko, nasa taas pa rin kami.
Hay, buti nalang may pagkain dito, kaya kumain na muna ako. Tapos yon, tulog ulit. Wala manlang akong magawa.
Finally! Nagising ako, dahil nagsalita na nakarating na kami sa L.A. at maglalanding na ang airplane.
I'm so excited! This is it! My new life. I can do it! Kaya nagready na ako at inayos ang sarili ko, then naramdaman ko huminto na ang eroplano. Ibig sabihin, nakalanding na kami, at bababa na kami.
Wohoh! Excited na ako sa first step ko sa sahig ng L.A.
Sana kasama ko si Rhian. Mas masaya sana ako ngayon. Di bale, mag seselfie nalang ako para masend ko sa kanya at makita nya ang mga pinupuntahan ko.
Masaya akong bumaba sa eroplano at dinamdam ang unang yapak ko sa lugar na ito. I took some selfies and then naglakad na ako.
Later on, dala dala ko na ang bagahi ko at palabas na ako ng airport.
Sumakay ako sa sasakyan, at nagpahatid sa magiging tirahan ko.
Hindi naman pala kalayuan ang titirhan ko mula sa airport eh. Sana naglakad nalang ako, kaso lang yong mga gamit ko din, kaya okay na.
Matapos kong magbayad, nagpaalam na ako sa may ari ng bahay, at yon, masaya akong pumasok sa magiging kwarto ko. Cute lang sya. Pero ojay na ito para sa katulad kong nag iisa.
Nahiga ako sa maliit kong kama, at nagmuni muni.
Nag open ako ng messenger, at nagvideo call kay mine. Buti nalang sinagot nya kaagad ito.
Me: "Hi mine, nandito na ako."
Rhian: "Patingin nga, umikot ka."
So ayon, pinakita ko sa kanya ang kwarto ko.
Rhian: "Ang liit naman ng kwarto mo."
Me: "Okay lang mine. Mag isa lang naman ako eh."
Rhian: "Mag iingat ka dyan palagi ha? Pano, I have to go na. Papunta na ako ng University. I love you."
Me: "Okay, I love you too."
At tinapos na namin ang video call.
Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Bukas pa naman ako pupunta sa pagtatrabahuan ko. For now, may oras ako para maggala.
Hay, L.A be good to me!
*****************************************
RHIAN POV
Nagising ako ng maaga, dahil back to work na naman ako. Enrollment na kasi.
Hanggang ngayon, hindi pa nagtetext o tumatawag manlang si Glaiza. Siguro hindi pa sya nakarating sa L.A. kaya naligo na muna ako at kumain ng breakfast with my parents.
Dito na muna kasi ako, kasi wala pa akong makakasama sa bahay. Wala pa kasi akong mahanap.
Himala ngayon, na nandito ang parents ko. Ewan ko ba sa kanila kung bakit umuwi ngayon. Parang ngayon nga lang ulit kami nagsalu salo, after how many years.
Pero sandali lang din naman, dahil nagmamadaling umalis din silang dalawa. Oh diba? Hindi talaga kami magkakaroon ng two hours na magkakasama. Palaging minutes lang. Pero okay lang, sanay na rin naman ako.
Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto para mag ayos na para sa pagpunta ko sa University.
When suddemly tumutunog yong phone ko, excited ako habang kinukuha ito sa bag ko. At nang makita ko na kung sino ang tumatawag, sobrang happy ako. Si mine kasi tumatawag sakin. Kaya sinagot ko na kaagad.
Siguradong nakarating na ito sa L.A.
Glaiza: "Hi mine. Nandito na ako."
Me: "Patingin nga, Umikot ka."
So ayon, pinakita nya sakin ang kwarto nya.
Me: "Ang liit naman ng kwarto mo."
Glaiza: "Okay lang mine. Mag isa lang naman ako eh."
Nakakasad naman, pero mas mabuti ang mag isa, kaysa naman may kasama sya, baka magkaroon pa ako ng kaagaw sa kanya.
Tiningnan ko ang relo ko, I'm running late na pala.
Me: "Mag iingat ka dyan palagi ha? Pano, I have to go na. Pupunta na ako sa University. I love you."
Glaiza: "Okay, I love you too."
At we ended the video call.
Gusto ko pa sana syang kausap, kaso kailangan ko ng pumunta sa University.
Hay, kawawa naman ang mine ko. Mag isa lang sya, di bale, pag end ng classes next year, isusurprise visit ko sya. Two months din yon, kaya sulit na sulit.
Lumabas na ako ng bahay, at nagpunta sa kotse ko. Bago ako nag drive, I send her my selfie para naman makita nya ang OOTD ko ngayon.
Then yon, nagdrive na ako papunta sa University. At pagdating ko, ang dami ng estudyante.
L.A. please be good to my Glaiza ha? Sabi ko sa isip ko. Kinakabahan din kasi ako sa first day nya bukas. Sana successful ang effort nya.
Anyway, pumasok na ako sa faculty office at yon na nga, nagsimula na magsilapitan ang mga estudyante sakin.
Kaya nagsimula na ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..
FanfictionRhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza and Rhian. Nagawa ko ang story ko through my imagination and love for Rastro. I hope you enjoy readi...