With him 1- Just meet him

156 3 0
                                    

Oo siya si Izaac Andrew Lanzon A.K.A Izaac nalang ang asawa ko. Oo asawa ko sya. Isang sikat na lalaking nagpapatibok sa puso ng mga babae.

Habang nakapalupot ang aking braso sa braso nya ngumiti kami sa isa't isa kahit alam kong fake yun. Pinapakita namin na happy couple kami sa harap ng mga camera at sa mga tao.

Hindi ko namamalayang kanina pa ako nakangiti sa kanya. Sa sobrang akward nun tinignan nya ako ng masama at sinuri ako mula paa hanggang ulo. Binigyan nya ako ng feeling-mo-naman-look saka sya ngumisi at umiwas ng tingin. Dahil dun sumimangot narin ako at tumingin ng masama sa kanya.

Isang cold, masungit, workaholic na tulad nya ang napangasawa ko. Si Izaac Andrew Lanzon ang asawa ko.

At ako naman itong laging nagpapangiti sa kanya, gumagawa ng effort, at laging kaaway nya sa bahay. Oo ang misis nya ako si Sasha Grace Aliyah- Lanzon. Tsk!

Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kasama sya- sila.

Urghh! Ganito kasi nagsimula ang chakang kontratang to!........

3 months ago..............

Nandito ako ngayon sa isang chinese restourant. Sabi kasi nila sa chismis nandito daw yung sikat na actor na si Izaac? Whatever! Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Isa akong reporter ng Day News. Ewan ko ba kay boss Marco bakit ito ang binigay na project sakin.

Nandito ako ngayun sa locker ng mga chef. Nangheram muna ako ng uniform ng mga waiter para magkungwaring isa akong waiter nila Isaac para marinig ko ang pinaguusapan nila nung direktor para bago pa iannounce yun naunahan ko na sila! Diba!?

Isang dalawang tray na may takip ang dala ko. Yung isa pagkain yung isa naman ay yung camera ko para di nila ako mahuli. Umakyat na ako sa VIP dinning rooms bawat daanan kong room ay nakasara kasi baka mga artista ang nandito kaya nga VIP diba? Pero bago pa man ako makapunta sa room nila Izaac ay nakita kong bukas ang room na katabi ng room nila. Kaya bilang chismosa ay sumilip ako dun. Nakita ko ang isang sikat na model ba yun ay may ka date. Gotcha! Siguradong magandang report to.

Kaya nung may makita akong waiter na lumabas ay kinausap ko sya

"Pwedeng pa serve nalang to sa room nila Sir Izaac. Iseserve ko pa kasi to sa model na si Francene eh. Tutal wala ka na ring ginagawa"

"Osige nasan na" binigay ko sa kanya yung tray na nakatakpan na pagkain.

"Salamat" saka na sya umalis tapos ako naman ay pasikretong kumukuha ng anggulo nila ng boyffie ni Francene.

Nakita kong tumayo yung lalaki at parang aalis na. Agad naman akong tumakbo para makapagtago sa isang sulok. Tama nga ako lumabas na silang dalawa. Pero parang hindi sila magkakilala siguro para walang makakilala sa kanila. Kaya sinundan ko sila. Nang nandun na sila sa tagong lugar sa harap ng itim na van ay nagtago ako. At nagulat nalang ako ng maghalikan sila. Kaya agad akong kumuha ng letrato.

CLICK!

CLICK!

CLICK!

"Ihhhh! Siguradong tataas na naman ang sweldo ko nito!" Exited na sabi ko

Pinagpatuloy ko ang pagpindot. Salbahe naman tong camera na to ang ingay pag mag ciclick

CLICK!

CLICK!

CLI--

Nagulat nalang ako ng may humarang.

"Sino ka?" Madilim kasi kaya di ko masyadong makita ang mukha nya.

Nung luminaw na ang mukha nya napastatwa nalang ako sa kagwapuhan nya. Pero parang pamilyar sya.Nagulat ako nung inagaw nya sakin yung camera ko

Six Months With Him(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon