Sasha's POV
"BITIWAN NYO AKO!!! BAKIT BA HA!? NASASAKTAN AKO!!"
Eh paano ba naman eh kinakaladkad ako ng mga guards palabas dito sa company.
Huhuhu nag suot na nga ako ng janitress uniform para makaupdate ulit. Huli pa rin ako
Nang nandun na kami sa mga maraming reporters tinulak nila ako dun dahilan para madapa ako.
Dahil sa galit ko tumayo ako atsaka humarap sa kanila
"Wag mong kalilimutan to. Simula sa araw na ito ay pinagbabawal ng makapasok dito ang sino mang nagtatrabaho sa Day News"
"Bakit!? Bakit nyo gagawin yun?!"
"Under the belt naman kasi ang pagiging reporter mo sumosobra ka na. Kaya ang bilin ng CEO nominee bawal na kayong makaasok dito"
"Nakakahiya ka naman. Hindi ba nahihiya si Marco sa mga pinaggagagawa ng tauhan nya!?"
Para namang tae na humarang sa pinauusapan to
"Sinuka ba?"
Ngumisi sya at lumapit sa akin
"Ako si Leebyun Chulyz galing sa Everyday news"
Yabang naman nito nadagdagan lang ng every yung day namin. Mukha namang aso
"Hindi mo man lang ako kilala at pupunta ka nalang kung saan saan para makahanap ng chismis. Tumigil ka na sa pagiging disgrace mo sa harap ng mga reporters and get lost" walang hiya to mukha lang aso tapos sasabihan ang isang dyosa ng ganyan!?
"Ano!?" Tinaas ko yung map malapit sa mukha nya "TAPOS KA NA BANG MAGSALITA!!?" sabay pinagpupunas ko sa mukha nya yung mop na pinangkuskos ko kanina sa banyo. Alright!
Hinila naman ako ng mga guards para palabasin
"ANO MAY SASABIHIN KA PA!? HUH?!"
"HOY MISS TUMIGIL KA NA!"
"WAG NYO AKONG KALADKARIN LALABAS NAMAN TALAGA AKO EH! MGA MUKHANG BAKULAW P*T*NG *N* NY*!"
Izaac's POV
Pagkapasok ko sa company nakita kong kinakaladkad na ngayon yung Sasha palabas dito sa company habang nagpapaulan ng mga mura.
Sakto namang dumating si Sec. Aly
"Bakit nagkakagulo dito?"
"Yung pong reporter sa Day News ay nangingielam na nanaman kaya pinalabas namin sya"
"Tsk! She's so persistent! What on earth does she wants!?"
Habang sinasabe ko yun ay nakita kong lumapit dito si Franklin
"Long time no see" nakangising sabi nya
Tumingin sya kay Alyson
"Aly. Hindi ka man tumanda. Yung itsura mo ng college ay ganun parin ngayun"
"Pakikinggan lang kita kung tatawagin mo akong Secratary. Sir Franklin Velasco"
Natawa naman si Franklin sa mga sinabi ni Alyson
"Matagal na kayong magkasama. Wala bang nangyayaring iba?"
Para ipag patuloy ang usapan namin ay dumiretso kami sa office ko
"Ganyan ka na ba talaga magsalita?" Tanong ko kay Franklin "Iwan mo muna kami Sec. Aly" Ako
Nagbow sya tsaka umalis na. Ngayun kaming dalawa nalang ang nandito.
BINABASA MO ANG
Six Months With Him(On Going)
Genç KurguAno nalang ang gagawin mo kung ang nag iisang taong natitira nalamang sayo ay magpapaalam na rin balang araw. Gusto mo syang maging masaya sa huling pagkakataon. Meron syang hiling na makakabuti rin sayo. Pero labag sa damdamin mong mangyari yun. Ma...