With him 6- Fake

52 1 0
                                    

Izaac's POV

Pagkapasok ko sa office ko lalo lang akong na istress sa nakita ko. Natutulog lang naman ang curly hair na to sa sofa ko habang nakanganga na tumutulo pa ang laway......... Tsk! Bakit hindi nya ba kayang maging isang matiwasay na babae!?

Lumapit ako sa kanya at nag cross arm habang pinapanood syang matulog

Sasha's POV

OUCH!

Ugh! Inaantok pa ako eh......... sino ba naman kasing tao ang hindi magigising ng mahulog sa sofa! Hay! Nakakainis!

Unti unti kong minulat ang mga mata ko

"Ahh hi Izaac matutu- AY! IZAAC!" Wut!? Nandito tong kumog na to?!

Pagkagising na pagkagising ko nakakita agad ako ng isang pangit na tao! Paano ba naman kase naka cross arm na nakakunot pa ang noo sa akin! Sino ba naman na hindi aakalaing tong isang bangungot?!

Tumayo ako at tinignan sya

"Tsk! Kadiri!" Arte naman nito makatitig para naman syang nakakita ng tae!

Kinuha nya yung kumot na ginamit ko at tinupi yun "Lahat ng mga tao alam na ikaw ang girlfriend ko pero hindi nila alam na ganito kumilos ang girlfriend ko! Hays nakakahiya!" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ibig sabihin.........

Hinawakan ko sya sa braso "ibig bang sabihin nito......"

"Oo!" Sabay harap nya sakin na parang ayaw nya talagang mangyari to "kahit na labag sa kalooban ko ang sitwasyon na to tinanggap ko na! Pero sinusumoa ko na pagkatapos ng break up news yun na ang huli nating pagkikita! Ok ba?!"

Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kanya. "Oo sige" sabi ko nalang. Hmp! Kung hindi lang sya gwapo baka nagmuka na tong isang matandang ewan sa sobrang sungit! "Hay...... talagang tama lang ang naging desisyon mo Izaac" sabi ko nalang.

Ay! Oo nga pala diba dapat pagka gamitong sitwasyon dapat nagpapractise kami? Para mapaniwala talaga ang mga tao?

Hays mapagtripan nga to

Lumapit ako sa kanya at ipinalupot ko ang braso ko sa braso nya

"Honey...." malambing na sabi ko

Nagulat naman sya at agad nya akong tinulak ng mahina palayo. Tsk! Kala mo naman dumapo ying ipis sa kanya

"A-anong ginagawa mo naman ngayon?!" Actor ba talaga to o ano!?

"Syempre kailangan nating magpractice. Diba nagmamahalan tayo" pang aasar ko pa

"Wag ka na ngang magpractice! Nakakabaliw! Pero kung gusto mo talagang gawin yan gawin mong mag isa mo! Hindi yung dinadamay mo ako sa kalokohan mo!"

"Oo na"

Tapos pinanood ko nalang sya na pinapagpg ng mga unan na ginamit ko. Kung makapagpag naman to kala mo may kuto ako!

Humarap sya sakin na nakakunot ang noo

"Ano pang ginagawa mo dyan? Magsisimula ng magtrabaho nyan ang mga employees dito. Kaya umalis ka na dali!" Sabay nguso nya dun sa may pintuan ng office nya

"Ok" para namang nagpapalayas ng aso to.

Kinuha ko na yung bag ko. Pero bago pa yun may naalala ako

"Ah Izaac!" Agad naman ayang lumingon sakin "Dapat nyan bigyan mo ako ng exclusive interview mula sayo Izaac" tapos linapit ko ang mukha ko sa kanya "kasi girlfriend mo naman ako diba!" Pang aasar ko pa.

Six Months With Him(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon