Andito na ako sa Hospital. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang door knob baka kasi mahimatay lang ako sa makikita ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko parang guguho naman ang mundo ko sa nakikita ko hindi ako makagalaw nakatulala lang.
Nakahiga ang bangkay ni papa sa may kama na nakatakip ng puting tela.
Hindi.........
"Papa!" Lumapit ako saka ko inalog alog ang higaan "papa! Papa!" Sigaw ko
Mayamaya habang umiiyak ako binaba nya ang puting tela na nakatakip sa kanya saka nya munulat ang mga mata nya. WUT!?
"Nandito ka na pala" sabi nya. Tumayo sya saka tumawa ng tumawa. Anong nakakatawa sa ginawa nya?!
"Papa..... PAANO NYO NAGAGAWANG MAGBIRO NG GANYAN?! MUNTIK NA AKONG ATAKIHIN SA INYO EH!" naiiyak na sabi ko
"Geee bobita ka talaga! Ginawa ko to para puntahan mo ko dito no!" Tapos lumingon lingon sya sa likod ko na parang may hinahanap "nasaan si manugang?"
"Ano?" Ano ba tong tinatanong nya?!
"Si Izaac! ang CEO at actor na manugang ko!" Nagagalak na sabi nya. Saka sya bumuntong hininga saka tumingin sa malayo "hay sa wakas alam ko na rin kung sino ang magiging manugang ko"
Tss habang ako naman dito ay pilit pinapakalma ang sarili ko sa inis. Paano nya na kayanang magbiro ng ganun?! Kala nya ba nakakatawa ang biro nya!? Tapos tinatanong nya pa kung nasaan ang high tempered na yun!?
Tapos muli syang lumingon lingon sa likod ko. Alam ko na hinahanap nya si Izaac. Tss asa ka pa! Napaka strick ng sched nun no!
"Di ba kayo sabay pumunta dito?" Tsk! Alangan namang magaaksaya sya ng oras para lang sakin no! "Hayy hindi nya ba bibisitahin ang byenan nya na ngayon ay alam nyang nagcollapse!? Hays ang hirap namang manghiram ng oras kay Izaac!" Inis na sabi nya
Teka ibig sabihin ba joke din ang pagcollapse nya?!
Tumawag kasi kanina ang nurse ang sabi nung nurse nagcollapse si papa kaya pumunta ako dito at yun nga inakala ko na mawawala na sya sakin pero nagbibiro lang pala sya.
"Papa, yung pagkacollapse mo ay biro din ba?!" Iyak na tanong ko.
"Ano?"
"Talagang! Hindi ako mabubuhay kung ganyan ka pa! Alam mo namang busy akong tao! Tapos ikaw nagbibiro lang ng ganyan na hindi naman nakakatuwa!? Aalis na ako!" Sabay walk out ko.
Hindi na mapigilan ng mga luha ko ang pagbaksak. Si papa nalang ang meron ako tapos may sakit pa sya tapos magbibiro biro sya ng ganyan!? Mahal ko si papa hindi ko kakayanin kung mawala sya! Kung mawawala man sya ako nalang ang natitira! Ayokong maging magisa!
Pagkalabas ko ng room nya nakasalubong ko si Dra.
"Oh! Ms. Sasha dumating ka pala"
"Ahh opo.... si papa kasi nagbibiro ng hindi naman nakakatawa!" Pagsusumbong ko
"Hindi yun biro" seryosong tugon nya. Saka naman ako napatitig ng mariin kay Dra. Ano? Hindi biro yun?
"Po?"
Naglalakad ako ngayon pauwi. Nakatulala ako habang naglalakad. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Dra. Hindi ko tanggap. Bakit? Sana bangungot nalang to sana magising nalang ako.
BINABASA MO ANG
Six Months With Him(On Going)
Teen FictionAno nalang ang gagawin mo kung ang nag iisang taong natitira nalamang sayo ay magpapaalam na rin balang araw. Gusto mo syang maging masaya sa huling pagkakataon. Meron syang hiling na makakabuti rin sayo. Pero labag sa damdamin mong mangyari yun. Ma...