With him 5- Start

52 1 0
                                    

Biglang bumagal ang paligid...... bakit nag slow motion ang lahat. Nawala bigla ang kaba ko nung hinila nya ako. Parang wala mang problema.

"Nasaan na ba yung babaeng yun? Nandito lang sya kanina ha" narinig kong sabi ni Byun na may halong pagtataka.

Ako tumingin ako kay Izaac na ngayon ay pinapakinggan kung anong sasabihin ni Byun.

Kumakalas ako sa hawak nya. Pero nagulat ako nung yakapin nya ako ng mahigpit dahilan para di na ako makakalas.

"Ano bang ginagawa mo?!" Inis na bulong ko sa kanya

Tinignan nya lang ako ng masama at tinakpan nya ang bibig ko.

"Hmmmmpajsbjsnsja......." kumakalas parin ako pero ayaw nya akong bitiwan. Akala nya ba lahat ng babae ay gugustuhin ng yakap nya!? Kapal naman nya!

Habang pumipiglas ako binigyan nya ako ng shut-up-look

"Hoy! Reporter Byun anong ginagawa mo dyan?" Rinig kong sabi ng boses lalaki

"Uh-uh? Wala"

"Narinig mo na ba yung chismis dun sa babaeng nasa picture? Merong chismis na kaya nya ginawa yun para sa pera"

Napatigil ako sa pagkalas at parang nanghina ako sa narinig ko. Hindi ko akalain na ganyan ang magiging tingin nila sakin

"Pera?"

"Pasok na tayo dun mayamaya magsisimula na atsaka dun nalang natin sagutin ang tanong mo"

"Osige"

At narinig kong umalis na sila.

Kaya agad akong pinakawalan ni Izaac

"Huy ano yung mga pinagsasasabe nila!? Uy! Ano!?" Imbis na sagutin nya ako hinawakan nya ang pulsuhan ko at kinaladkad papunta sa rooftop.







Nung nasa rooftop na kami tinignan nya ako ng masama

"Nababaliw ka na ba?! Alam mo namang nandito lahat ng reporters tapos pumunta ka pa dito?!"

"PANO BA NAMAN AKO HINDI PUPUNTA EH DI AKO MAPAKALI DAHIL MAY NAKAKAINIS NA PICTURE TAYONG MAGKASAMA! " pinakalma ko ang sarili ko "teka................. totoo ba yung mga naririnig ko? Na pinalabas nyong pera ang habol ko?"

"HINDI!" Defensive ka pa ha?!"HINDI NAMAN POSIBLE NA GANUN ANG ISIPIN NILA!" Pinagmuka pa sakin mga besh "SASABIHIN KO NALANG NA HINDI GANUN!" Kala ba nya ganun lang kadali yun!?

Nagcross arm ako at tinaasan ko sya ng kilay"ahhh...... so sinabi mo nga? Tama?!"

"Ms. Sasha, makinig ka. Pakinggan mo ang mga sasabihin k-"

"Iba ka rin eh no!? Pagka nakatutok sayo yung mga camera ay umaakto ka na mabuti, mapagbigay, at maunawain sa kapwa! Tapos ngayon sasabihin nyong pera ang habol ko dahil ginawa ko yun?!"

"Ano?"

"Sabi nga nila. Don't judge the book by it's cover. Ano nga ulit yung sinabi mo sa akin nung minsan? Mababa? Mababa lang ako!? Tinatawag mo akong mababang tao?!" Bulaslas ko sa kanya "Ngayon ibabalik ko naman sayo!" Tinignan ko sya ng mabuti sa mata "Izaac, napaka baba mong tao!" Giit na sabi ko sa kanya

"Tapos ka na ba?"

"HINDI PA! Marami pa akong gustong sabihin! Wag mo nang ituloy ang pagiging CEO mo para sa kapakanan ko at sayo rin! Kung magiging CEO ka lang din naman baka hindi maging mabuti ang pamamalakad mo sa kumpanya!"

Six Months With Him(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon