With him 3- Article

38 2 0
                                    

Takot. Yan ang nararamdaman ko ngayun.

Humarap ako sa kanya lumapit naman sya sakin at ngumiti nalang ako kahit na kinakabahan

"Izaac....... i-i think you've misunderstand" panimula ako "hindi mo naman siguro iniisip na kinidnap ko si Warren d-diba?"

"Ms. Sasha Grace. Alam kong smart ka pero ang foolish naman kung mangingidnap ka ng anak ko diba?"

"Syempre! Alam ko yun! Ang totoong nangyari-"

"Hanggang kailan ka ba mabubuhay ng ganyan?"

"Ano?"

"Ginagamit mo ang bata para lang makapag sulat ng article!? Kahit na pang third rate reporter ka lang!? Hindi ka ba nagiisip?!"

"Izaac...... hindi naman ganu-"

"Ano bang napala mo sa ginawa mo sa bata? What on the world did you ask him!? Sinong kapwa actor or actress kong iniidolo!? Anong paborito kong kulay?! "

Napabuntong hininga ako "hayaan mo muna kasi akong magsalita! Bakit di mo muna pakinggan ang sasabihin k-"

"SO KUNG HINDI YUN ANG MGA TINANONG MO, ANONG GUSTO MONG MALAMAN!? GUSTO MO BANG MALAMAN KUNG MAGPAPAKASAL BA AKO!? O KUNG GUSTO NYANG MAGKAROON NG BAGONG INA?! KUNG HINDI ULIT YUN! TINANONG MO BA KUNG NAMIMISS NYA NA ANG MOMMY NYA!? SA ISANG 5 YEARS OLD NA BATANG NABUHAY NA WALANG INA, TINANONG MO BA SA KANYA YUN!? GANUN KA BA KABABA?!"

Namumuo na ang mga luha ko sa mga mata ko. Under the belt naman pala sya magsalita. Parang tinutusok puso ko sa sinabi nya. Hindi nya lang alam na lumaki rin akong walang ina.

"OH! FORGET IT! COMMUNICATION IS NOT WORKING!" sabi ko. Pero aalis na sana ako nung hawakan nya yung magkabilang balikat ko at tinulak at sinandal nya ako sa isang poste.

"HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA!"

"BITIWAN MO AKO! ANO BA!?"

"MAKINIG KANG MABUTI!" pinakalapit nya ang mukha nya sakin "ITO NA ANG HULING BABALA KO SAYO! PAGNAKITA KO PANG NANGINGIELAM KA ULIT! HINDI LANG ITO ANG MANGYAYARI! KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY NA MAGING ISANG REPORTER WAG NA WAG KA NG MAGPAPAKITA KAILANMAN SAKIN!" pagkatapos nyang magsalita tuloy tuloy ng bumuhos ang luha ko.




Izaac's POV

Umaga. Nasa harap ko silang tatalo ngayun at nakayuko sa sila. Kasama ko si Lester

"Gaya nga ng sinasabi ko lagi sa inyo. Wag kayong pagala gala at manahimik nalang. Maraming mga reporters na kayang kidnapin kayo at magtanong ng kung ano ano. Magingat kayo sa kanila" tumungin ako kay Warren "lalo na ikaw Warren!"

"Wala naman po akong sinabi eh. Kumain lang po ako ng tinapay"

"Tinapay?!" Uto utong bata "tsk!ibang klase talaga yung babaeng yun. Gagamitin nya ang bata sa ganung paraan" bulong ko sa sarili ko

"Hindi! Lalake yung nagbigay sa akin ng tinapay"

"Ano?" Eh bakit yung Ms. Aliyah yung kasama nya kagabi? "Kung ganun, bakit mo kasama yung babaeng reporter kahapon?"

Lumiwalas ang mukha nya at ngumiti

"Ahhhhhh. Si ate sya yung naglayo sakin dun sa masamang lalake. Sabi nya pa nga sakin masama daw talaga yung lalaking yun at wag daw akong magsasalita ng kahit ano"

Ngayon alam ko na.......






Marco's POV

Pagkapasok na pagkapasok ni Sasha dito sa office.

Six Months With Him(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon