With him 4- Rumors

36 2 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Day news station sinalubong ako ni Richard dala ang mga ngiti nya

"SASHA! SASHA!" tapos hinila nya ako dun sa may loptop "TIGNAN MO TO!" Tinignan ko yung loptop "ANG GALING MO! YUNG ARTICLE MO UMABOT NG 500,000 VIEWS!" sabay turo nya dun sa mga views. Tama nga! 500,000 views sya! Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya

"T-TALAGA?!"

"OO! TIGNAN MO NO. 1 SYA SA TOP 10 NEWS ABOUT KAY IZAAC"

"AHHHH!!! RICHARD! TOTOO BA TALAGA TO?!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya

"SASHA GRACE!!!" Lumingon ako sa likod ko nakita ko si boss Marco na may hawak na maraming perang papel

"BOSS!" Binitiwan ko ang loptop at lumalit sya sakin

"Mali ang naging pagtingin ko sayo. Tignan mo ang dami nating pera 100 percent ang itinaas natin!" Habang pinapakita nya sakin ang mga pera. Napatakip nalang ako ng bibig hindi ako makpaniwala "PLEASE MAG STAY KA NALANG SA DAY NEWS HABANG BUHAY!" pagmamakaawa nya

Mayamaya ay napalingon ako sa may entrance ng station at nanalaki ang mga mata ko ng nandun si Lester

"MS. ALIYAH!" Tawag nya with his cool voice. Lumapit sya sakin at yinakap ako "NAPAKA GALING MO TALAGA" papuri nya sakin

Bumitaw na sya sa pagkakayakap

"T-talaga!?"

Bago pa man nya sagutin yun....

"SASHA GRACE ALIYAH!" Rinig kong sigaw. Kaya agad akong napalingon sa sumigaw at nakita kong may hawak syang boquet na rose at nakasuot ng taxedo ang gwapong gwapo na si..........

...........Izaac.

Literal akong napanganga sa sobrang gwapo nya. Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit sya sakin. At kita ko naman na naka cross arm lang sina Richard at Lester na naka ngisi na parang alam nila na darating dito ang actor na si Izaac at si Boss Marco naman ay nakanganga katulad ko.

Binigay sakin ni Izaac ang boquet at hinawakan ang kamay ko

"Patawarin mo ako sa mga sinabi ko sayo" pumikit sya at tumingin ng diretso sa mga mata ko "pwede ba kitang maging girl friend?"

WUT!? ang sikat na sikat na poging pogi na si Izaac Andrew Lanzon ay gustong maging girlfriend ang isang katulad kong nerd?! Ihhhhh

Naistatwa lang ako at napanganga habang nakatingin parin sa kanya

"I-izaac"

Saka sya kumindat sakin. Isang kindat na nagpapalusaw ng kaluluwa at siguradong maiinlove ka sa kanya

"SASHA! SASHA!" ano ba yun parang may kumakalabog

Binuksan ko ang mga mata ko hindi ko alam na tumatawa na pala ako.

WUT!? PANAGINIP LANG ANG LAHAT?!

Yun na yun eh! Sasagutin ko na si Izaac eh! Kainis naman tong istorbo na to

"SINO BA YAN HA!?" naiinis na sabi ko

Bumaba na ako sa kama ko

"SASHA! SASHA!" kalabog parin sya ng kalabog.

"AYAN NA! busit naman o di makapaghintay!"

"SASHA! ANO BA!? GRACE! BUKSAN MO ANG PINTO!"

"OO NGA ANG KULET! ugh! Ang aga aga pa eh"

Binuksan ko na yung pinto tapos tumambad sa harap ko si Richard na kala mo nakakita ng multo. At eto ako naka poker face lang. Ugh inaantok pa ako eh!

Six Months With Him(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon