PROLOGUE

7.9K 106 8
                                    

Kung ikukumpara natin ang panahon sa kasalukuyan at sa nakaraan, madami na ang nagbago. Isa na dito ang pananaw ng mga tao sa LGBTQ+ community. Magiging mahirap ang mga haharapin mo kung isa ka dito. Many people will judge you. Some will underestimate you. May mga oras na hindi alam kung sino ang dapat mong kausapin dahil natatakot ka na baka di sila makinig sayo.

"Pretty Boy" is a story of a young man who belongs to the LGBTQ+ community. Tawag ng karamihan sakanya ay Vin. Isang batang gustong umasenso sa buhay. But aside from pursuing for a good career, marerealize niya na hindi lang pala ito ang hahanapin niya sa kanyang buhay. May mga makikilala siyang mga tao na magpapatunay sakanya na ang pag-ibig ay walang kinikilalang sexual orientation. Love knows no gender ika nga ng iba pero may mga hahadlang sakanya para mapadama sakanya that this is something forbidden.

Sa kabila ng lahat ng ito, susubukan niya maging matatag at papatunayan niya sa lahat na maling tapakan ang isang tao dahil lamang siya ay gay, bisexual, transgender or lesbian. Mas lalong lalawak ang kanyang kaalaman ukol sa kanyang "community". Bilang isang college student ay mas matututunan niya kung paano maging independent at umintindi ng nararamdaman ng ibang tao. Magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan na makakaintindi sakanya at hindi din maiiwasang magkaroon ng mga makakaaway who would try to bring him down.

Grade school pa lang, alam na niya kung ano talaga siya. Nang siya ay tumungtong ng High School, he was able to gain enough confidence to tell to his bestfriend that he likes guys. Now that he is in college, he will find out ways on how he can come out to his parents about his preference. Siya ay lumaki sa Quezon City at ito ang kwento ng buhay niya.

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon