MARVIN'S POV
"Uy guys! Matagal pa ba kayo diyan? Nagugutom nako." Biglang sumigaw si Mia sa labas pero di niya kami nakikita dahil nasa nasa loob pa kami.
"Malapit na! Saglit nalang!" Sigaw ko para marinig nila ako sa labas.
"Tara, kukuha nako ng mga plato para makapaghanda na tayo ng pagkain." Sabi sakin ni Michael at kumuha na siya ng mga plato para mailipat na yung mga inihaw niya.
Tinulungan ko na siya sa pagbitbit ng mga plato. Tig dalawa kami ng plato na puno ng mga pagkain at lumabas na kami para puntahan sina Mia, Ana, Ethan at Alexander.
"Woooow! Ang bangoooo!" Sabi ni Ethan at kitang kita ko na takam na takam na sila sa pagkain.
"Ay, wait wait wait! Yung beer pa pala! Nasaan na?" Tanong ni Mia.
"Naiwan ata sa sasakyan." Sabi ni Ana.
"Ay, kunin ko muna." Sabi ni Mia.
"Ako na ako na. Chill lang muna kayo diyan." Sabi ko sakanila.
Nagpunta na ako ng kotse para kunin yung mga beer. Halos madilim na din since 6pm na.
Then my phone suddenly vibrated...
*Ivan sent you a message*
-Nag dinner ka na ba?
*types*
-We're about to have dinner palang hehe. Ikaw ba?
*Ivan sent you a message*
-Alright! Katatapos ko lang. Enjoy your dinner!
*types*
-Thank you. I'll eat na with my friends.
*Ivan sent you a message*
-Sige, talk to you later! (kiss emoji)
*types*
- (kiss emoji)
....
...
I opened the car to grab the bottles of beer and went back to my friends.
"Oh, bakit ngumingiti ngiti ka diyan?" Tanong sakin ni Alexander.
I didn't notice that I was smiling pala na parang kinikilig habang inaabot ko sakanila yung beer.
"Hay nako, katext siguro niya si Ivan kanina. Ano pa nga ba?" Asar sakin ni Ethan.
"Kumain na nga tayo. Nagugutom nako." Sabi ni Mia.
Tahimik lang muna kumain habang nilalasap yung masarap na luto ni Michael.
MICHAEL'S POV
Musta na kaya sina Vin and Ivan?
Ughhh... mali 'to... I should stop thinking about him na.
*phone vibrates*
*Kim is calling*
"Guys, wait lang ah. May tumatawag eh." Sabi ko kina Vin at sa mga friends niya at umalis muna ako sa table namin and walked a few meters away from them para sagutin yung tawag ni Kim.
.....
....
...
"Hello? Kim?" I started to talk over the phone.
"Michael!! Busy ka ba?" Tanong sakin ni Kim and I can hear the excitement in her voice.
"I just finished doing my project with Vin eh. We're having dinner now. Bakit?" I replied.
![](https://img.wattpad.com/cover/128741017-288-k613292.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretty Boy (BoyxBoy)
RomansaA story of a Civil Engineering student who never had an interest in relationship because he is afraid to be judged by the society. This young man would meet people who would make him realize how magical love could be. But there would be barriers tha...