CHAPTER IV: COMING OUT

2.6K 55 2
                                    


MONDAY

AUGUST 11, 2014

11 am

This is the day! Ngayon na ang auditions for the dance troupe na gusto kong salihan.

So, I'm still here in class. Malapit lapit na din magbreak time then after break time, I will be having my last class till 3 pm. Katabi ko ngayon sina Mia, Ana, Ethan and Alexander.

"Guys, may gagawin ba kayo mamaya after dismissal?" Tanong ko sakanila.

"Wala naman Vin, why?" Sabi sakin ni Mia.

"May auditions kasi ako mamaya ng sayaw. Mga 5pm pa naman, gusto ko sana magpasama. I need moral support hahahaha." Sabi ko sakanila.

"Ay wow! Sumasayaw ka pala Vin." Sabi ni Ana.

"Anong klaseng sayaw naman yung gagawin mo mamaya?" Tanong ni Ethan.

"Uy uy, pwede ba magrecord? Hahaha. Record ko yung sayaw mo mamaya ha?" Dugtong ni Alexander.

"Hahahaha chill lang guys. Mamaya, abangan niyo ko. Basta ha? 5pm punta kayo sa Plaza Mayor ng University." Sabi ko sakanila.

"Plaza Mayor? San nga ba ulit yun?" Tanong nila sakin.

"Yun yung malaking area sa likod ng Main building ng campus. Yun yung open na area lang na madaming tumatambay." Sabi ko sakanila.

"Oh, edi dami palang makakakita mamaya? Omgggg nakaka excite! Sige sige, pupunta ako Vin." Sabi ni Mia.

"Syempre sasama ako hahaha." Sabi ni Ana.

"Kami din uy!" Sabi nina Ethan and Alexander.

Then bumalik na yung attention namin sa discussion ng professor.

....

*bell rings*

BREAK TIME

"Guys, san niyo balak kumain ngayon?" Tanong ko sakanila.

"Not sure pa. Parang gusto ata ng iba nating kaklase na sama sama yung buong block na kumain ngayong lunch." Sabi sakin ni Mia.

"Huh? Ang dami natin hahahaha. More than 30 tayo dito sa klase. San naman tayo kakain?" Tanong ni Ethan.

"Madaming kainan sa labas ng university. Kahit dun nalang tayo sa mura." Sabi ni Ana.

"Oo nga, sumama na tayo. Para naman makilala natin lahat ng mga blockmates natin." Sabi ni Alexander.

Naririnig kong nagbubulungan yung mga katropa ni Michael habang yung iba sa mga katropa niya ay nakatingin sakin. Or baka nagaassume lang ako? Hahahaha. Baka kay Mia sila naka tingin haha.

Anyway, lumabas na kaming buong block sa building. Siguro ganito talaga pag mga unang weeks sa college, para makilala naming ang isa't isa. Naghanap na kami ng makakainan sa labas. Dun lang kami sa simpleng kainan, yung magkakasya kaming lahat. Buti nalang merong malaking karinderya malapit sa university.

"Uy, tulungan ko lang sila sa pagayos ng mga tables para mag tabi tabi tayo." Sabi samin ni Ethan. Sumunod na din sakanya si Alexander.

"Ah sige, kami na nina Mia at Ana ang magdadala ng orders niyo." Sabi ko kina Ethan at Alexander.

"Sige, kung ano nalang yung ioorder niyo yun nalang din siguro yung amin." Sabi samin ni Ethan at tumango nalang din si Alexander sa sinabi ni Ethan.

Nagpunta na kami nina Ana at Mia sa mga naka display na ulam para mamili ng kakainin.

Uy! May pinakbet, yung favorite ko hahahaha.

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon