CHAPTER XXIII: JUST FRIENDS?

110 4 0
                                    


SATURDAY MORNING

MIA'S POV

"Excited nako!!! Bilisan lang natin yung project natin para makapag gala tayo after ha?" Sabi ko sa mga friends ko.

"Nakahanda na ba yung mga cameras niyo?" Tanong sakin ni Ana.

"Yep, nandito na lahat." Sabi ni Ethan.

Complete na kaming magtotropa. Nandito na sina Ana, Ethan, Alexander and Vin.

Hinihintay nalang nami na dumating yung sasakyan ni Michael para sabay sabay na kami magpunta sa Pangasinan.

"Uy, yun na ata si Michael eh. Kotse na ata niya yon." Sigaw ni Alexander habang kumakaway sa sasakyan na paparating samin.

Bumaba na si Michael ng sasakyan para pagbuksan kami ng pinto at tulungan na ipasok yung mga gamit namin sa sasakyan niya.

"Ana, tabi tayo ha? Pagusapan natin yung gagawin natin mamaya." Sabi ko kay Ana since siya naman partner ko and she agreed.

"Pre, tabi din tayo. Ako nalang taga video mo mamaya." Sabi ni Ethan kay Alexander habang pinaguusapan nila yung mga gagawin sa project.

"Guys, apat lang yung makakaupo sa likod ha? Sinong katabi ko mamaya?" Tanong samin ni Michael.

"Edi si Vin. Siya partner mo dito sa project natin eh." Sabi ko kay Michael and tinignan ko agad si Vin.

Pero bakit di pa pala niya nalalagay yung mga gamit niya sa trunk ng kotse. Parang ang lalim na naman ng iniisip neto.

"Huy! Alam mo na ba kung saan ka uupo?" Pagulat na tanong ko kay Vin.

"Ha? Ah, oo sa ano... sa harap. Michael, ikaw nalang yung taga video ko mamaya ha?" Sabi ni Vin kay Michael.

Nauna na kami ni Ana pumasok sa likod ng kotse at sunod sina Ethan and Alexander.

Umupo na din si Vin sa harap ng kotse katabi si Michael.

"Medyo matagal tagal byahe natin ah. More or less abutin tayo ng three hours kaya matulog muna kayo sa kotse or kung may gusto kayong snacks na bilhin, bumili na kayo and mag cr na din kayo kasi wala na akong matitigilan na convenience store mamaya." Sabi sakin ni Michael.

"Guys, may bibilhin ba kayo or mag cr ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ako ako. Mag cr muna ako." Sabi ni Ethan.

"Sige, ako na din." Sabi ni Alexander.

"Bili tayo snacks." Sabi ko kay Ana.

Nagdrive na si Michael at pumunta kami sa pinakamalapit na gas station. May cr at may katabing convenience store dito.

"Dito lang muna ako sa kotse. Saka nako mag cr kapag nakabalik na isa sainyo." Sabi samin ni Michael.

"Uy, sama ako sainyo." Sabi samin ni Vin pagbaba namin ng kotse.

"Oh Vin, napagusapan niyo na ba ni Michael yung gagawin niyo sa project?" Tanong ni Ana sakanya.

"Ah, maya maya. Madali lang naman yon at nagchat na din kami about don last week." Sabi samin ni Vin.

"Ano nga pala bibilhin niyo?" Tanong ko kina Ana and Vin.

"Kahit potato chips lang and drinks na din." Sabi ni Vin.

Pumasok na kami sa convenience store para maghanap ng mga snacks na gusto namin kunin.

OMG! Nakalimutan ko pala magdala ng toothbrush hahahahaha.

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon