CHAPTER VII: SECRET ADMIRER

2.5K 46 4
                                    


I now have to go to my training. Sana makapasok ako para sa dance competition pati na din sa pageant. If hindi man ako makapasok sa dalawa, sana kahit isa man lang sa kanila. It's already 6 pm at papunta nako ulit sa Plaza Mayor dahil dito na kami usually mag ttrain ng sayaw namin. Open area lang siya pero presko naman yung place and malaki kaya nakakasayaw kami ng maayos.

Pero wait! Si Andrew nga pala ka-dance troupe ko na din. Jusko, makikita ko siya every training huhuhu.

"Vin!" Tinawag ako ni Mia habang naglalakad ako papunta sa Plaza Mayor ng University.

"Uy, bakit?" Tanong ko sakanya.

"Busy ka na ba starting today?" Tanong ni Mia sakin.

"Ah, actually may training na kasi ako ng sayaw everyday after class eh." Sabi ko sakanya.

"Ask ko kasi sana kung pwede ba tayo magpractice together para sa pageant. Di ko kasi kaya magpractice ng walang kasamang friends eh." Sabi ko sakanya.

"Ay sige sige. Sabihan ko si Kuya Ivan. Baka naman pwede tayo magpractice together kahit one day lang. Screening pa lang naman eh, wag muna tayo masyado mapressure haha." Sabi ko sakanya.

"Thank youuu besh! Onga pala, san kayo magttraining ngayon? Pwede ba ako manood don? Nakakabagot kasi sa dorm eh haha." Sabi niya sakin.

"Oh yea sure. Sa Plaza Mayor lang kami kaya pwede ka naman tumambay don habang nagttraining kami." Sabi ko sakanya.

"Omg, sige besh. Try ko pagaralan mga moves mo hahahaha charot!" Sabi sakin ni Mia.

"Aabangan ko yung moves mo kapag napagaral mo na! Hahahaha." Sabi ko sakanya.

Nagpunta na kami sa Plaza Mayor at nakita kong nakaupo lahat ng mga members ng dance troupe.

Nakatayo si Kuya Jason. Inaabangan nalang ata niya na makumpleto yung mga members bago siya magsalita.

"Uy Mia, upo ka nalang muna don sa bench." Sabi ko kay Mia at pinuntahan ko na yung Dance Troupe ko.

Pagkaupo ko with the members of the dance troupe, nagsalita na si Kuya Jason.

"Ok, so nandito na lahat ng mga members ng dance troupe. Nasabihan naman kayo ni Andrew about sa competition right? About that, may napili na kaming 25 members who made it in the first round which was yesterday. The next thing that these 25 members will do is to perform a choreography na may 3 genres. Pwedeng waacking, krumping, breakdancing, jazz, etc. Kayo na bahala basta it should be at least 2 mins. After that, pipili na kami ng 13 members para sumali sa competition. The 14th member is Andrew. But if he wouldn't be able to train well or kahit sino man sainyo ang hindi makapag train ng maayos, may papalit sakanya and that will be the 15th member na pipiliin namin. So, all in all there will be 15 members in the list pero the 15th member is for back up just in case magkaroon tayo ng problems. Gets?" Sabi samin ni Kuya Jason.

Habang nagsasalita si Kuya Jason, hinanap ko si Andrew pero wala pa siya. Buti nalang wala siya, walang awkwardness haha. Kinuha na ni Kuya Jason yung list ng members na nakapasok sa first round.

"Guys, listen. I will now announce the 25 members." Sabi ni Kuya Jason.

Una niyang tinawag si Jasmine.

Hanggang sa umabot na siya sa 10th member, di pa din ako natatawag pati yung dalawa ko pang nakagroup yesterday na sina Ashley and Rafael.

Nasa 14th member na siya and wala pa din...

"For the 15th member, we have Marvin Kent Soriano." Sabi ni Kuya Jason.

Ayun! Sana eto na talaga yung magiging way ko para makabalik sa pagsasayaw for good. Ilang months din akong nagpahinga from dancing. I don't want to waste this chance.

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon