CHAPTER VI: KNIGHT IN SHINING ARMOR

2.3K 50 1
                                    



"Ok guys, mag form kayo ng 4 members per group. Magpeperform each group after ko magturo ng choreography. Kunin ko lang yung speakers para makapagsimula na tayo." Sabi ni Andrew.

Eto na ata yung magandang timing para makaalis ako syet.

Makatayo na nga dito.

Pagkatayo ko, may isang babae na kumalabit sa akin who is also from the new dancers na part ng dance troupe. Namumukhaan ko si ate, kasabayan ko siya sa auditions.

"Are you Marvin?" Tanong niya sa akin.

"Oh, yes I am. Marvin Soriano." Sabi ko sakanya.

"Nice to meet you! Ang galing mo nung auditions grabe haha. I'm Jasmine nga pala. Pwede ka ba maka-group?" Tanong niya ulit sakin.

Patay na. Di ako makakalusot nito. Bawal ko naman siya tanggihan huhuhuhu. Makikita ako ni Andrew bwiset naman. Why is this happening???


"Yea, sure. It's nice to meet you too. Tara, hanap tayo ng iba pang pwede makagroup." Sabi ko sakanya.

No choice nako. Push nalang huhuhu.

Nakabuo na kami ng group namin. May groups na lahat ng mga new dancers. Nakabalik na si Andrew.

"Sige guys, pwede kayo sa kahit anong spot as long as makakagalaw kayo ng maayos." Sabi niya sa amin.

Mukhang di pa ata niya ako napapansin kaya nagpunta ako sa pinakalikod hahaha.

Nagstart na yung music at tinuro na niya yung mga steps.

"Guys, eto yung step 1. Swabe lang yung movements natin, wag masyado matigas yung galaw." Sabi niya samin habang tinuturo yung sayaw.

I have to admit, hanggang ngayon nandon pa din talaga yung magandang sex appeal sakanya habang sumasayaw. And yung way ng pagtuturo niya samin, di nakaka pressure kaya talagang masusundan mo lahat ng mga tinuturo niya. Pero no no no, I won't fall for someone like him anymore. Yes, he is attractive but that's just it. Naka move on nako sakanya.

Nung natapos na yung pagtuturo niya ng sayaw niya samin, saka na kami nagprepare para makapag perform ng choreography niya.

"Ok guys bago kayo magperform, I want you to give me the list of the members per group. Pwede niyo isulat kahit saan then I will assess kung sino ang pwedeng makapasok sa nalalapit natin competition. Saka ko na ieexplain kapag may napili nako." Sabi samin ni Andrew.

"Uy Jasmine, ok lang ba kung ikaw na magbigay ng list of members sa group natin?" Tanong ko kay Jasmine.

"Sure Marvin. Ako na bahala." Sabi niya sa akin.

Sa group ko, 2 guys at 2 girls. Inabot na ng mga ibang groups yung listahan nila. Kami ang huli.

Nagstart na magperform ang ibang groups. Everyone did well naman. Kahit ako, di ko alam kung sino magiging qualified sa competition, lahat naman kasi magagaling.

It's our turn. Kami ang last na tinawag.

"For our last group, we have Jasmine Gonzales." Sabi ni Andrew.

"Next member is Rafael Dizon then Ashley Gomez." Tuloy na binasa ni Andrew ang listahan.

"And the last member is Marvin Ken---" Natigil siya saglit.

Napatingin siya bigla sa group ko, at nakita niya ako. He paused for a few seconds.

Jusko po, pano ako sasayaw ng maayos nito? Bakit ba kasi siya pa yung nagturo? First training na first training tapos eto maabutan ko huhuhu. Anuna???

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon