CHAPTER III: MOVED ON

3K 57 0
                                    


NOTE: Maraming salamat sa mga nakapagbasa, nagbabasa at nakaabang sa story ko! Konti palang yung reads ko pero sobrang na-aappreciate ko yun. Sana ma-share niyo din 'to sa mga part ng LGBT community at sa mga supporters din ng mga ganitong klaseng story. Reminder lang po pala, hindi maiiwasan ang mga intimate scenes sa ganitong klaseng story pero I will lessen words na masyadong explicit hahaha but still, read at your own risk pag nadaanan niyo yung mga ganong parts. Enjoy Chapter 3!

-----------------------

SATURDAY

AUGUST 9, 2014

Nandito nako sa mall waiting for my bestfriend, Abby.

1:30pm na pero wala pa siya jusko. Kala ko pa naman siya yung mauuna haha.

...

"Besh! Sorry I'm late. Kanina ka pa ba naghihintay?" Biglaang pagsabi ni Abby na halatang nagmadali hahahaha.

"Sus, ok lang yon. Bumili nako ng snacks natin for the movie." Sabi ko sakanya.

"Aaaaw, sweet sweet mo talaga besh. Kung naging lalake ka lang talaga sana char hahahaha." Sabi sakin ni Abby.

"Ay bruha ka hahahaha. Sorry pero di talaga tayo talo hahahaha." Sabi ko kay Abby.

"Ok fiiiiine. Eto na pala yung gift mo oh. Something you can use every day hahahahahaha." Sabi ni Abby with a slightly annoying laugh. Ano kaya laman ng gift na 'to? Nasa loob pa ng maliit na paper bag. Maya ko nalang buksan paguwi.

"Tara na, let's watch the movie." Sabi ko sakanya.

...

Naglakad na kami papunta ng cinema ng biglang...

"Vin?" Huh, sino kaya 'to.

Lumingon ako and omggg, si kuya Ivan nandito din. Destiny ba 'to char, kay Michael pa din ako hahaha. Siya lang ba magisa?

"Uy, Kuya Ivan!" Sabi ko nung nakita ko si Kuya Ivan after niya akong tawagin.

"Manonood ka din ng sine?" Tanong niya sakin.

"Ah yes po, dito po kami sa may Cinema 5." Sabi ko kay Ivan.

"What a coincidence hahaha. Yan din kasi yung papanoorin ko eh." Sabi sakin ni Ivan.

"Nako, ito kasing kasama ko biglang nagaya hahaha. Si Abby nga po pala. From UST din siya and she's taking up a Med course." Sabi ko kay Ivan.

"Oh hi! Highschool friends ba kayo?" Tanong samin ni Ivan.

"Hi po kuya. Yes po hahahaha. He's my forever fabulous friend. Pag may gusto kayong malaman sakanya, wag kayong mahiyang magtanong sakin hahahahaha chos lang!" Sabi ni Abby kay Ivan.

Impakta 'to. Lahat nalang ata ng mga lalake na may itsura, irereto sa akin. If I knew, baka may gf na 'tong Ivan na 'to.

"Ano ka ba Abby? Tigilan mo yan." Pabulong ko sakanya.

Natatawa nalang si Ivan sakanya. Nakakahiya talagang 'tong si Abby minsan oh. Buti nalang love ko 'tong impakta na 'to kahit lokaret siya hahahaha.

"So, kayong dalawa lang ba?" Tanong samin ni Ivan.

"Ah yes po. Early birthday celebration today ni Vin haha. Kayo po ba? May kasama po kayo?" Tanong ni Abby sakanya. Ang daldal talaga ng babae na 'to. Baka kung ano pang masabi niya kay Ivan.

"Ah, yea. Actually kasama ko si..." Naputol yung sinabi ni Ivan ng biglang...

"Oh babyyy. Magsstart na yung movie!" May babaeng lumapit kay Ivan.

Pretty Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon