WISH 5.
Aya’s POV
Yawn.
As usual, ang aga ko nanaman pumasok. Hay. Wala namang sense mag-stay sa bahay eh. Lagi namang wala si Papa. Puro maids lang ang kasama ko. Simula kasi ng mamatay si Mama, nagpakalunod na sa trabaho si Papa. He’s a doctor.
I hate him for neglecting me. Puro siya trabaho. May anak pa kaya siya! Kainis!
Since sobrang aga ko nga pumasok ay wala pa ganong estudyante. Nandito ako ngayon sa bench na nasa ilalim ng puno ng mangga.
“Do you know what day is today?” Tanong ng isang babaeng bigla nalang umupo sa tabi ko.
Si Chloe.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Err. It’s Wednesday..”
“And?” She said as she looked intently at me.
“And what? Cut it off, Chloe.” Inis na sabi ko sa kanya.
Asar kasi ako sa babaeng ‘to eh. Ang yabang, ang taray at sobrang maldita niya sa lahat ng tao! Hindi naman kami close kaya hindi ko siya gaanong kilala.
“What a stupid daughter.” Mahinang sabi niya.
“WHAT?!” Kairita ‘tong babaeng ‘to ah! Nananahimik ako eh!
“I said you’re a stupid daughter.” She plainly said.
“Pwede ba Chloe? Ano bang problema mo?!” Sobrang inis na talaga ako sa babaeng ‘to! Badtrip na nga ako, dinadagdagan pa niya.
“I think you’re the one with problem here.” Then she smiled.
Habang siya ay mahinahon, ako naman ay naiinis na.
“Get lost Chloe!”
“It’s his birthday today.” Sabi niya habang nakatingin sa langit.
Huh?
“What?”
“Birthday ng Papa mo ngayon.” Sabi niya, nakatingin parin sa langit.
“…”
“…”
“Pa-pano mo nalaman?” Sobrang nagulat ako ng marealize kong tama siya. Bakit siya alam niya, ako hindi?
“Hindi mo ba alam na ikaw ang laging bukambibig niya?”
What the hell is she saying?
“Lagi niyang sinasabi kung gaano ka niya kamahal.”
Paano niya ba nalalaman ang mga bagay na ito? Nagkakausap ba sila? Kailan? Saan?
“Lagi ka niyang kinukumusta.”
Maraming akong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.
This time, tinignan niya ako. “I have a wish.”
Dahil sa shock parin ako at pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak para kalimutan ang kaarawan ng tatay ko, di ako nakapagsalita.
“Don’t let your pride and selfishness get the best of you.” She said then she walked away, leaving me dumbfounded.
“Don’t let your pride and selfishness get the best of you.”
“Don’t let your pride and selfishness get the best of you.
“Don’t let your pride and selfishness get the best of you.”
Nagpaulit-ulit sa utak ko ung mga sinabi niya.
Then it struck me.
Sobrang nainis, nagalit at nasaktan ako sa mga sinabi niya.
Kasi totoo lahat.
Ngayon ko lang narealize na all this time, naging masyado akong selfish at ma-pride. Inisip ko lang ung sarili ko. Ni hindi ko inalala ung kalagayan ni Papa nung namatay si Mama. Inisip ko lang ung nararamdaman kong kalungkutan. At ngayon, nakalimutan ko ang birthday niya dahil sa pagiging makasarili ko.
Ang sama ko. Habang mahal na mahal pala ako ni Papa ay heto naman ako’t patuloy na nagagalit sa kanya at iniisip na pinabayaan na niya ako.
Ang sama mo, Aya. Walang kang kwentang anak.
Tulala akong naglakad papuntang classroom namin since start na ng klase namin.
Si Ms. Raine ang unang prof namin. Dalawang oras din ung klase niya kaya naman may panahon pa ako para makapag-isip kung ano ang dapat kong gawin.
“Don’t let your pride and selfishness get the best of you.”
Naalala ko ulit ung sinabi ni Chloe sa akin at bigla akong napatayo.
“Aya, is there a problem?” Tanong sa ‘kin ni Ms. Raine na mukhang nagulat sa biglang pagtayo ko.
“Ms. Raine. I need to go out. Please, I really need to see someone.” I asked her with pleading eyes.
Kelangan kong makita si Papa. Kelangan kong bumawi sa mga panahong naging makasarili ako.
Kelangan kong sabihin na mahal na mahal ko siya.
Tumakbo ako palabas ng university at nag-taxi papuntang ospital kung saan nagtatrabaho si Papa.
Papa. I’m sorry. I’m so sorry.
Naluluha na ako pero takbo parin ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa office ni Papa.
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.
Gulp.
Kumatok ako at agad kong narinig ang boses ni Papa.
“Come in.”
Binuksan ko ung pinto at nakita ko ang gulat sa mukha ni Papa.
“Aya, anak.” Napatayo si Papa sa swiveling chair niya.
Naiyak na talaga ako nun. Sobrang na-miss ko si Papa. Sobrang na-miss ko yung pagtawag niya sa ‘kin ng anak. Inilayo ko kasi ang sarili ko sa kanya.
“Pa, so-sorry po!” My voice cracked as I ran to hug him.
“Anak…” Sabi niya habang hinihimas niya ung ulo ko.
“Pa… Happy birthday.”
BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Short StoryMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...