WISH 10. The Last Wish
Laureen’s POV
Ang daming tao…
Nandito yata halos lahat ng kakilala kong schoolmate and classmate.
Ang Dad at kapatid niyang si Chelsea, nandito. Pati na rin ung iba pa nilang kamag-anak.
Si Ms. Raine at Ma’am Loren, pati na rin ang ibang prof namin. Nandito silang lahat.
Si Aya nandito rin at kasama ang Papa niyang doctor.
Naramdaman ko ang pahigpit ng kamay ni Jin sa kamay ko.
“Kaya natin ‘to.” Mahinang sabi niya habang naglalakad kami papasok.
Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya, isa-isa nang pumapatak ang mga luha ko na pinahid ko naman agad.
Hindi ba galit ako sa kanya?
Sabi ng isip ko pero hinding-hindi ng puso ko.
Sinalubong agad kami ni Lola Elisa.
“Kayo sina Laureen at Jin hindi ba?” Nakangiti niyang tanong sa ‘min pero makikita sa mga mata niya ang labis na kalungkutan.
Tumango kaming sabay ni Jin,
“Kayo pala ang mga matalik niyang kaibigan na madalas niyang ikuwento sa ‘kin.”
Napapikit ako sa sinabi niya. Matalik na kaibigan.
“Sige, maiwan ko muna kayo ah.” Sabi niya sa mahina at tila paos na tinig.
Tinuloy na namin ang paglalakad papunta sa kanya.
Parang sobrang bilis. Nakita ko lang siya kahapon, graduation. Pero bakit ngayon….nandiyan na siya?
Bumagsak nanaman ang mga luha ko nang makita ko siya. Napakaganda at napaka-peaceful ng mukha niya.
“Chloe…” Narinig kong binanggit ni Jin ang pangalan niya kaya tinignan ko siya. Tulad ko, lumuluha na rin siya.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Bakit biglaan ang lahat? Wala man lang siyang pasabi? Ganun-ganun na lang yun? Ano bang nangyayari? Gusto kong tanungin lahat ng tao sa lugar na iyon pero parang natuyo ang labi ko at nawala ang tinig ko.
Isang bagay lang ang nauunawaan ko ngayon. Ang sakit. Sobra.
Iyak lang ako ng iyak doon hanggang sa iupo na ako ni Jin sa upuan malapit sa harap.
Halos lahat ng nandoon, tahimik lang. Malungkot.
Ang daya. Ang daya-daya mo. Bakit di ka manlang nagpaalam sa ‘min? Hindi ba…..hindi ba.. bestfriends mo kami? Bakit?
Nakita ko ang si Tito John, ang Dad ni Chloe. Umiiyak din siya tulad ni Chelsea. Pati rin ba sila, hindi nila alam? Walang may alam?
“Shhh… Laureen…” Sinusubukan akong patahanin ni Jin kahit maging siya ay hindi niya kayang patahanin ang sarili.
“Ummm… Excuse po?” Halos lahat ng tao sa loob ay napalingon sa nagsalita, medyo malaks kasi. May isang lalaking nakatayo malapit sa may pintuan. Teka, siya ung guard sa university namin ah.
Lumakad siya papasok at sinalubong naman siya ng Lola ni Chloe.
“May ipinapabigay po si Ms. Chloe. Binilin po niya sa ‘kin ito last week.” May iniabot siyang brown envelope. “Sabi po niya ibigay ko daw iyan pag…..may nangyari sa kanya…”
“Halika, maupo ka na muna.” Alok ni Lola Elisa kay manong guard.
Mga ilang sandali ang lumipas at tumayo si Lola Elisa sa harap naming lahat.

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Historia CortaMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...