WISH 6.
Doctor Erick’s POV
Napatingin ako sa wall clock ng opisina ko. Hinihintay ko ngayon ang isang espesyal na pasyente.
Ang pasyenteng itinuring ko nang parang anak.
May narinig akong kumatok. Siya na yan.
“Pasok.”
“Good morning, doc!” Masayang bati niya sa ‘kin habang nakangiti.
Hanggang kelan ko makikita ang ngiti na yan?
Kinuha niya ung spare swiveling chair na nasa sulok ng opisina ko. Her favorite chair.
“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong ko sa kanya. Mas pumayat siya ngayon at pumutla lalo ang kulay niya.
“Syempre po maayos, doc.” She said with a bright smile that painfully clenched my heart.
Sana hindi mawala yang ngiti na yan.
“Hulaan ko, galing ka pa ng school ano?”
Tumawa naman siya. “Bakit po kayo nag doctor? Dapat po naging manghuhula kayo eh.”
I laughed at her sillyness.
“May masakit ba sayo lately?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at inikot ang inuupuan niya. “It hurts all over.”
Bakit siya pa? Napakabait niyang bata…
“Doc, until graduation.” She said with a smile that hides the deep pain she feels inside.
Alam ko ang ibig sabihin niya pero nagtanong parin ako. Baka mali lang ako ng akala.
“What do you mean?”
“Nararamdaman ko na po. Napakabuti Niya para hayaan pa akong maka-graduate.”
I closed my eyes as I heard those words coming from her.
Tulad ng Mommy niya, naging napakatapang niya. No, I think she’s braver than her mother.
She has the same disease as her mother who passed away two years ago.
Ilang linggo pagkamatay ng Mommy niya ay nagpa-check up siya sa ‘kin dahil dalawang beses siyang nahimatay sa loob ng isang araw. Symptoms of her mother’s disease. I assumed that it was passed to her by her mother’s genes.
I was also her mother’s doctor.
At first, I can’t really bring myself to believe on what I’ve found out on her diagnosis.
We also asked for second opinion. But the result’s the same.
Like her mother, I reluctantly told her that she may only have two years left.
I expected her to cry and all but she surprised me with her reaction.
She smiled and said: “I guess this is the story he wrote for me.”
Unlike any other patient, she tried to accept her fatal illness with a positive perspective.
Since the day that we found out her disease, I promised to myself to cure her with all the knowledge I have.
According to my researches wala pa sa sampung katao ang nagkakaroon ng ganitong sakit sa buong mundo at nasama sila sa sampung iyon. It is a newly discovered disease and wala pang gamot hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Short StoryMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...