Chapter 1

675 6 1
                                    

WISH 1.

Laureen’s POV

*KRIIIINGGG!!!!*

Phew! Sakto lang ung dating ko! Akala ko malele-late na ako sa first class ko. To think na two weeks nalang at graduation na namin. Ampangit naman kapag na-late pa ako.

Oh by the way. I’m Laureen Garcia. BS Accountancy, fourth year college and graduating na. I’m so excited!

Habang nag-aayos ako ng gamit ay napatingin naman ako sa tabi ko nang may umupo. Agad akong napasimangot.

May umupong magandang babae sa tabi ko. Maputi at maamo ang mukha. Matalino rin yan pero…. Two years ago, tinagurian siyang Ice Princess ng buong campus dahil siya cold, insensitive and impassive attitude niya sa lahat.

Actually, hindi siya ganyan two years ago. Alam ko yun dahil…. bestfriend ko siya or should I say, ex-bestfriend ko siya.

Nakatingin parin ako sa kanya kaya naman napatingin siya sa ‘kin at ngumiti siya. It’s neither sarcastic nor fake but rather, an empty smile.

Iniiwas na niya ang tingin niya sa ‘kin kaya naman umayos na din ako ng upo at nagbasa-basa ng text messages sa phone ko. Wala akong maintindihan sa mga binabasa ko kasi iniisip ko parin kung anong nangyari sa babae sa tabi ko.

Bakit siya nagkaganyan?

Siya si Chloe Gavino. Ang aking ex-bestfriend.

Diba sabi ko hindi siya ganyan two years ago? Totoo yun, dahil bago maganap ang insidente na yun sa buhay niya ay isa siyang napakabait na nilalang. Siya na ata ang pinaka-sweet at caring na taong nakilala ko. Sobrang close kami ni Chloe. Gusto rin siya ng maraming tao. Masiyahin siya at napaka-selfless.

Pero nang mamatay ang mommy niya ng matatapos na kami sa second year college ay nagbago ang lahat sa kanya.

Third year college na kami nun at pumasok siya na ibang-iba na ang ugali. Maski ako ay nagulat dahil parang di ko na talaga siya kilala. As in.

Oo, naiintindihan ko na masakit para sa kanya ang pagkawala ng mommy niya. But I don’t think it’s enough for a reason para magbago siya ng ganyan. I mean, pati sa pamilya niya ganyan siya makitungo, cold and impassive. Feeling ko lahat at itinutulak niya palayo sa kanya. Sa lahat, ang sama ng ugali niya. Ang maldita niya at sobrang layo na talaga niya sa aming mga dating kaibigan niya.

Hindi na rin kami masyadong nag-uusap ngayon dahil hindi ko na nga siya kilala. Two years ko nang sinusubukang kalimutan na may bestfriend akong Chloe ang pangalan.

Buong araw yan ang iniisip ko. Hindi na nga rin ako masyado nakapag-concentrate sa klase eh. Umaasa parin kasi ako na magbabago siya since two weeks nalang at graduation na namin.

Pero mukhang mas lumalala pa ung ugali niya. Konti nalang at kamumuhian ko na siya.

Natapos ang klase namin at uwian na. Wala na rin kami gaanong ginagawa dahil nga malapit na ang graduation.

“Ate. Umuwi ka daw muna. Gusto kang makausap ni Daddy.” Narinig kong sabi ng kapatid niyang si Chelsea. First year college.

Since palabas na ako nun ay napadaan ako sa kanila na nag-uusap sa tapat ng pintuan.

“Oh really? Himala at gusto niya akong makausap?” Mataray na sagot niya sa kapatid niya.

“Tungkol daw sa lagi mong pag-absent.” Seryosong sagot ni Chelsea.

Her Wish (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon