EPILOGUE.
Laureen’s POV
Eight years.
Eight years na rin ang nakalipas simula nung dumating sa buhay namin ang pinakamasakit na pangyayari.
Ang pagkawala niya.
Kahit walong taon na ang nakalipas wala parin kahit isa sa ‘min ang makalimot sa nangyari. Nalaman din namin kay Doc Erick ang dahilan ng pagkamatay niya. Mas nasaktan kami nung nalaman namin yun. Paano niya yun naitago sa ‘min?
Alam kong lahat ng ginawa niyang sakripisyo ay para sa amin. Lahat ng hiling niya, para din pala sa amin sa bandang huli.
“I guess, sa lahat ng hiling mo, ung pinakahuli ang hindi kahit kailan matutupad.” Mahina kong bulong.
We can’t move-on without you, Chloe.
Pero wag ka mag-alala, sinusubukan namin kahit sobrang hirap.
“Ang tagal na rin pala no?” Sabi ng lalaking nakaakbay sa ‘kin ngayon habang nasa harap kami ng puntod niya.
“Jin, wala naman yata kahit sino ang makakalimot sa kanya.”
Tama, si Jin nga. kasal na kami ngayon at may isang anghel.
“Wala talaga.”
Ilang sandali pa kaming nanatili doon.
“Tara na? Hinihintay na tayo ni Chelsea.” Sabi sa ‘kin ni Jin habang nakangiti at sabay hinalikan niya ako sa noo.
Binyag kasi ngayon ng first baby ni Chelsea, ung crush niya nung college ang nakatuluyan niya. Naisipan naming dumaan kay Chloe para sabihin ang magandang balita.
May company narin si Chelsea sa tulong ng Dad nila. As of now, tuwang-tuwa si Tito John kasi may apo na daw siya habang si Lola Elisa naman masaya rin dahil naabutan pa daw niya ang apo niya sa tuhod.
Ilang taon din naging miserable ang pamilya niya. Maging kami man. Pero mabuti naman at kahit paano, nagiging maayos na kaming lahat.
“Teka, natawagan mo na ba si Ate Raine?” Tanong ko kay Jin habang papunta kami sa sasakyan.
“Oo, on the way na rin daw sila.”
Ate Raine na ang tawag namin ngayon kay Ms. Raine dahil hindi na siya prof. Siya na ang may-ari ngayon ng kompanyang unang nag-alok sa kanya ng trabaho dati nung prof pa siya. Thanks to Chloe, nahanap ni Ate Raine ang career na para talaga sa kanya.
“By the way, nag e-mail sa ‘kin si Aya.” Sabi ni Jin.
Tinignan ko naman siya. “Ano daw balita?”
One year after mawala ni Chloe, nagdecide si Doc Erick na mag-abroad para daw mas mapaghusayan pa ang pagiging doctor niya at isinama niya si Aya.
“Babalik na daw sila this week.”
Napangiti naman ako. “Well, that’s a good news.”
Mas lumaki naman ang ngiti ko ng makarating kami sa sasakyan at makita ko ang cute na mukha ng five years old daughter ko.
“Mommy!” Sigaw niya habang nakadungaw sa bukas na bintana ng sasakyan. Iniwan namin siya sa sasakyan kasama ang yaya niya dahil masyadong malamig sa labas, December na rin kasi.
“Hi, baby ko~” Kinuha ko siya sa backseat at saka umupo sa passenger’s set sa harap.
Nagsimula na kaming umandar papunta sa simbahan.
“Mommy, kamusta na po si Tita Chloe?” Tanong sa ‘kin ng anak ko sa maliit na boses.
“Ayos naman daw siya. Palagi daw silang naglalaro ng mga angels.” Sabi kong nakangiti.
Lagi ko kasing kinukwento sa kanya si Chloe and she grew to love Chloe like everybody else.
“Mommy, pwede po bang patingin ulit ako ng mga pictures ni Tita? Mukha po kasi siyang angel eh.” Sabi niya habang nakangiti sa ‘kin.
“Sure, baby. Pag-uwi natin galing kila Tita Chelsea, okay?”
“Yay! Thank you Mommy.” Then she kissed me on the cheeks. “I love you!”
“Ako, wala bang kiss at I love you?” Biglang singit ng Daddy niya.
She reached for her Dad and kissed him on the cheeks. “I love you, Daddy Jin!”
As soon as she settled back on my lap, I kissed her forehead.
“I love you too, Chloe.”
Yes, my daughter’s name is Chloe, just like the sweet beautiful girl that captured the heart of every people that came to know her. Including mine.

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Cerita PendekMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...