WISH 9.
Lola Elisa’s POV
Hinahaplos ko ang buhok ng apo ko habang hinihintay siyang magkamalay. Sobrang natakot talaga ako nung malaman kong wala siya sa kwarto niya kaninang umaga kaya naman nagpunta ako sa university, nagbabakasakaling nandoon siya. At hindi ako nagkamali.
Hanggang ngayon nga’y naka-toga parin siya at suot parin niya ang kanyang medal.
Pinagbawalan ko kasi siyang umattend ng graduation nila at baka may mangyaring masama sa kanya. Pero tumakas siya.
Pinagmamasdan ko ang mala-anghel niyang mukha. Napakaputla. Malalim din ang paligid ng kanyang mga mata.
Hindi ko maiwasan ang malungkot at masaktan.
Isang linggo na siyang labis na nanghihina dahil sa sakit niya. Hindi ko na rin siya pinayagan pang pumasok. Sinabi niya sa ‘kin na nararamdaman na daw niya.
Dalawang taon. Dalawang taon na rin simula ng mamatay ang kanyang ina at matuklasan ang tungkol sa sakit niya.
Isang gabi, pumunta siya sa ‘kin at niyakap niya ako. Nung gabi din yun, sinabi niya sa ‘kin ang tungkol sa sakit niya at kung ano ang nais niyang mangyari. Pumayag na lamang ako at inalagaan siya.
Araw-araw, humihiling ako para sa isang himala.
Araw-araw, unti-unti din siyang pinapahina at pinahihirapan ng sakit niya.
Tumulo nanaman ang mga luha ko. Hindi ko napigilan. Pakiramdam ko, ako ang umiiyak para sa batang ito. Kahit kelan kasi, hindi ko siya nakitang lumuha. Palaging ngiti ang ipinapakita niya. Marahil ay ayaw niyang makita kong nahihirapan na siya. Pero nararamdaman ko iyon.
Nakita kong iminulat niya ang kanyang mga mata.
“Lola….” Mahinang sabi niya.
“May masakit ba sayo? Kumusta ang pakiramdam mo?” Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.
Ngumiti lang siya sa ‘kin at umiling.
Sinabi ng doktor na unti-unting pinapahina ng sakit ang bawat parte ng katawan niya hanggang sa tuluyan itong huminto sa pag-gana. Tulad ng nangyari kay Caroline, ang ina niya.
“Please Lola, wag na po kayong umiyak.” Hinaplos niya ang pisngi ko.
Bakit siya pa? Bakit niya kelangan pang maghirap ng ganyan?
“Lola, pwede niyo po ba akong samahan?”
Palubog na noon ang araw ng makarating kami sa nais niyang puntahan.
Ang simbahan.
Dahan-dahan lang ang paglakad namin hanggang sa makaupo kami malapit sa may altar.
Hindi man niya sabihin, alam kong labis nanamang sumasakit ang mga binti niya at namamanhid. Kung may magagawa lang sana ako.
Ngumiti siya sa ‘kin bago lumuhod at nagsimulang magdasal. Tulad niya, lumuhod din ako at nagsimulang magdasal. Ito na lamang ang paraang alam ko.
Panginoon,
Pakiusap po… Huwag niyo muna pong kunin ang apo ko.
Nagmamakaawa po ako sa inyo. Baka hindi ko po kayanin.
Napakabuti niya pong bata. Hindi po dapat siya naghihirap ng ganito.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.
Hindi po ba, ang matatanda dapat ang nauuna?
Napakabata pa po niya. Marami pa siyang pangarap sa buhay.

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Short StoryMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...