WISH 8.
Laureen’s POV
Spell masaya? A-K-O yun eh! Imagine?! Magnacumlaude ako ng course namin! Ang saya talaga.
Today is the last Monday of my college life. Eto na ang last week namin at sa Friday, GRADUATION NA!
“Uy, Jin.” Tinignan ko ung taong kasabay kong maglakad. “Anong gusto mong kainin?”
“Kaw. Kung ano nalang din sayo.”
“’Kay.”
Ilang araw narin ang nakalipas since makita namin siya. Actually, last kong kita sa kanya ay nung Wednesday pa, sa may hallway naglalakad. After nun, wala na. Kahit nung Thursday di ko siya nakita, the same with Friday. Oh well, as if I care. Mabuti na rin yun, at least medyo nakakausap na ng matino si Jin.
Basta sa graduation day, magtatapat na ako sa kanya. I’ll help him move on. I don’t care if I will be what they call, rebound. Mahal ko si Jin and i’ll do everything to make him happy.
Starting this day, hanggang sa Thursday, wala kaming ibang gagawin kundi tumulong sa pag-aayos para sa grad. Aayusin din namin ung main hall dahil magkakaroon din graduation ball. Magiging masaya siguro yun.
The days went by so fast.
Graduation day na. Nandito ako ngayon sa school kasama mga classmates ko. Wala pa si Jin.
There’s another weird thing.
Walang kahit sino ang nakakita kay you-know-who simula nung Monday. Ang weird lang. Never pa naman siyang umabsent ng one week straight eh. Not that I care, there’s a weird feeling lang talaga.
Aatend naman siguro siya ng graduation diba?
“Laureen!” Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
Jin.
“Hi! Ang gwapo natin ngayon ah!” Napangiti siya sa sinabi ko. Ang gwapo niya sa toga namin.
“You look beautiful.” Seryosong sabi niya. Grabe, parang huminto ung tibok ng puso ko dun ah.
Sabihin ko na ba?
“Jin…. May gusto sana akong sabihin sayo.”
Okay. Sasabihin ko na.
“Ano yun?” He asked me with a smile.
Hindi ko siya sinagot pero hinila ko siya papuntang gym. Walang tao sa gym ngayon, lahat nasa main hall hinihintay na mag-start ung ceremony.
“Laureen? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Jin.
“It’s now or never.” Bulong ko sa sarili ko.
“Jin. Hindi ako naghihintay ng kapalit or anything. Gusto ko lang talaga ‘tong sabihin sayo.” Huminga ako ng malalim. “Sana walang magbago, okay?”
“Ano ba yun?”
“Mangako ka.” Ayokong masira ung friendship namin ng dahil sa pagtatapat ko.
“Okay, promise.”
Huminga ulit ako ng malalim. This is it.
“Jin….. I---“
“You love me, right?” He said with a smile.
Nanlaki ung mata ko sa sinabi niya at bumilis ung tibok ng puso ko.
“Jin…”
“Matagal ko nang alam. Naramdaman ko.”

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Cerita PendekMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...