Chapter 2

314 3 0
                                    

WISH 2.

Jin’s POV

Nasan na ba yun si Chloe? Hindi nanaman ba siya pumasok? Nag-aalala na ako sa kanya. Kahit pa ganun na ang ugali niya ngayon ay hindi parin nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.

Bakit ka ba kasi biglang nagbago, Chloe?

Hindi ka namin maintindihan ni Laureen. Diba bestfriends tayong tatlo? Bakit ang layo mo na sa ‘min ngayon?

*BRRRIIT*

*BRRRIIT*

Habang naglalakad at hinahanap si Chloe ay kinapa ko yung bulsa ko kasi naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko.

Si Chloe nag-text!

Meet me at the music room. Now.

Since break ko naman ngayon ay agad-agad akong nagpunta sa music room at nakita ko nga si Chloe.

“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, akala ko absent ka nanaman eh.” Nakangiti ako habang papalapit sa kanya. Nakatayo siya sa gitna nung room.

She flashed me a…cold smile.

“I’m glad you came.” She said as she met me halfway.

“Basta para sayo, Chloe.”

Maraming nagsasabi na baliw na talaga ako. Habol ng habol sa babaeng tulad ni Chloe.

Cold and insensitive.

Pero hindi naman siya ganyan noon eh. Kaya nga sobra ko siyang minahal dahil walang taong hindi mapapamahal sa isang taong gaya niya. Sobrang mabait, sweet at caring. She’s also selfless. That’s why I can’t understand kung bakit siya biglang nagbago ng ganyan.

Kahit lagi niya akong pinagtatabuyan, nilalait at nilalayuan, hindi ko parin siya susukuan.

Mahal na mahal ko siya.

Alam kong mahal niya rin ako dahil ipinakita niya yun sa ‘kin. Bago magbago ang lahat sa kanya.

“Stay there, okay?” Sabi niya sa ‘kin at naglakad siya papunta sa pintuan. Tumapat siya doon ng ilang minuto na para bang may hinihintay.

Then nakita ko siyang ngumiti.

Lumapit na ulit siya sa ‘kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Ito ang una’t huling beses na magagawa ko ito sayo.” She said tapos….

Hinalikan niya ako.

Sobrang natulala ako. Hindi ako makagalaw hanggang sa inilayo na niya ang mukha niya sa akin.

She smiled that same cold smile again at doon ko nakita na nasa pintuan pala si Laureen since ako ang nakaharap sa direksyon na iyon.

Anong ibig sabihin nito?

Kitang-kita ko sa mukha ni Laureen ang gulat at…. sakit?

Pero bakit?

“Siguro tinatanong mo kung bakit ko ginawa yon no?” She asked me in a light tone.

Napatingin ulit ako sa kanya with a questioning look.

“Simple lang,” She smirked at me. “Para malaman kung magaling ka bang humalik o hindi.”

Teka. Ano daw?

“Chloe anong sinasabi mo?” Tinanong ko siya.

“And I can say that you’re not, Jin.” Sabi niya na parang walang pakialam.

“Chloe…”

Di ko alam ang dapat kong maramdaman. Heto siya at iniinsulto ako, tulad ng lagi niyang ginagawa sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

I have a wish, Jin.” She said in a rather cheery tone. “Palayain mo na ako dahil hindi kita minahal kahit kalian.”

Sinabi niya yun habang nakatingin sa mga mata ko. Wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. I felt a shiver ran down my spine.

At ang sakit. Ang sakit-sakit.

“Bakit, Chloe?” Bakit mo ako pinaasa?

“Here.” Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ung kwintas na bigay ko sa kanya two years ago. Ung kwintas na yun ay galing pa sa Lola ko at dapat ko daw yun ibigay sa taong mamahalin ko habang buhay. “I don’t need that anymore.”

Tumalikod na siya sa ‘kin.

“Sabi mo mahal mo ako” Sabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa kwintas na iniabot niya sa ‘kin. Konti nalang at bibigay na ako.

Narinig ko siyang tumawa at saka siya humarap sa ‘kin.

“You’re so pathetic, Jin.” Tell me, dapat na ba akong magalit sa kanya? “I lied okay?”

Napayuko nalang ako, parang bigla akong nawalan ng pakiramdam sa paligid. Tama ang sabi nila, there’s only a thin line between love and hate.

And I think I’m learning to despise this girl whom I once loved more than my life.

Maya-maya lang, naramdaman kong may humawak sa pisngi ko.

“Laureen.”

Bigla nalang akong napayakap sa kanya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Her Wish (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon