WISH 4.
Ms. Raine’s POV
Ano kayang nangyrai sa dalawang iyon? Hay. Gusto ko sana silang tulungan since dalawa sila sa mga malapit sa aking estudyante pero may sarili din akong problema ngayon.
Uuwi na muna ako para makapagisip ng mabuti.
Naalala ko pa ung sinabi ng head ko sa ‘kin.
“Sayang ang opportunity.”
Alam ko naman yun eh…Pero kasi…
Mahina ang loob ko.
Wala akong tiwala sa sarili ko at baka hindi ko lang kayanin ang trabaho.
Tinigan ko ung resume na ginawa ng head ko para sa ‘kin since ayaw ko daw gumawa.
Ipapasa ba kita?
Napailing ako. NO WAY.
Mabigat na gawain yun, baka pumalpak lang ako. May nag-aalok kasi sa akin na isang company para maging auditor nila or something. Balita ko nga malaki daw ang sweldo pero tinanggihan ko agad. Ang sabi naman nila, pag-isipan ko daw.
Hay. Iniisip ko pa lang hindi ko na kinakaya.
Umuwi na ako nun at nagpahinga. Baka bukas makapagdesisyon na ako.
Kinabukasan pumasok ako. Dala ko parin ung resume pero di ko siya ipapasa. Desidido na ako. Ayoko.
Since wala pa akong klase ay nag-coffee muna ako. Nasa may garden ako ngayon, nakaupo sa isa sa mga bench habang nagmumuni-muni. Katabi ko ung resume ko, ibabalik ko na kasi ‘to sa head ko.
“Can I sit here?” Napatingin ako sa nagtanong.
Si Chloe.
Ngayon na lang ulit ako kinausap ng batang ito. Bakit kaya?
Nakakalungkot isipin na ang laki-laki ng pinagbago niya simula nung mag third year college siya. Noong first year kasi sila hanggang second year, ako ang prof nila sa accounting. Since bago palang ako noon sa university ay silang tatlong magbe-bestfriend ang naging sobrang close ko. Five years lang naman ang tanda ko sa kanila eh.
Sa kanilang tatlo, pinaka-close ko si Chloe. Para ko na nga siyang kapatid eh. Mabait kasi siya at malambing. Matalino pa. Gustong-gusto ko talaga siya. Pero bigla siyang nagbago.
“Go ahead.” Sagot ko sa kanya at umupo na siya.
“You rejected the offer?” Tanong niyang mataray.
Napatingin ulit ako sa kanya pero siya nakatingin sa mga bulaklak.
“Paano mo nalaman?”
“I have my sources.” Then I saw her smirked.
Tumingin siya sa akin at sa folder sa gitna naming dalawa. She smiled a cold smile.
Kinuha niya ung folder at tinignan niya ung laman.
“Ayoko tanggapin.” Sabi ko sa kanya.
“Don’t worry. I’m not here to convince you.” Sabi niya habang nakatingin parin sa resume ko.
Eh? Akala ko…
“I’m here to see how pathetic you are.” She said in a mocking tone.
Nagalit ako sa sinabi niya. Sino bang hindi? Nanahimik ka tapos bigla kang kakausapin para insultuhin?
“Wala kang galang, Chloe.”
“Keh. Do you really expect me to respect you and your petty life?” She answered me, eyes still on my resume.
Walang galang na bata ito! Oo, alam ko lagi akong tumatanggi sa mga offer na ganyan pero hindi niya kelangan ipamukha sa ‘kin na wala akong kwenta!
Napatayo talaga ako noon. “CHLOE! How dare you!”
Tumingin siya sa ‘kin.
“I have a wish.” Huh? Napataas ung kilay ko nun. “Please stop being a coward.”
Teka. Ano daw? Ako duwag?
Gusto kong magalit at sampalin ang batang ito pero mas napapaisip ako ngayon.
Duwag ba talaga ako?
“Ms. Raine! Magsisimula na ang klase mo!” Nagulat ako ng may tumawag sa ‘kin. Ung head ko.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Oo nga, two minutes nalang.
Tumingin ako kay Chloe na nakatingin na sa mga bulaklak.
Napailing nalang ako.
Sino ang taong ito?
Then pumunta na ako sa klase ko.
Dalawang oras ang subject na ‘to. Pero ano pang use ng mga lesson na ‘to kung tapos na ang mga exams at two weeks nalang ay graduation na nila diba? Hay.
Halos matatapos na ang klase ng biglang tumayo ang isa sa mga estudyante ko.
“Aya, is there a problem?”
“Ms. Raine. I need to go out. Please, I really need to see someone.” She said with pleading eyes.
“O-okay, you can go.” Yan nalang ang nasabi ko.
Pakiramdam ko kasi kelangan ko talaga siyang palabasin eh.
BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Cerita PendekMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...