WISH 3.
Laureen’s POV
Aba, himala at nag-text si Chloe sa ‘kin.
Meet me at the music room. Now.
Yan ang message niya. Since na-curious ako ay pumunta ako.
What I don’t is that, curiousity will kill the cat.
Nakita ko silang naghahalikan ni Jin.
Grabe, ang sakit pala.
Kaya ba niya ako pinapunta dito para ipamukha sa ‘kin na ang tanga ko para magkagusto sa isang taong may iba nang mahal? Para ipamukha sa ‘kin na wala na akong pag-asa?
Mahal ko si Jin eh, noon pa. Hindi nga lang niya alam. Hindi ko ipinagtapat dahil alam kong si Chloe ang gusto niya. Mahal ko silang parehas dahil mga bestfriend ko sila, kaya nagparaya ako.
Pero ang sakit talaga eh!
Kahit gustuhin ko mang umalis ay ayaw gumalaw ng mga paa ko. Natulala lang ako dun habang pinapanood sila na parang nasa telenovela.
“Siguro tinatanong mo kung bakit ko ginawa yon no?” Tanong ni Chloe pagkatapos ng “eksena” nila.
Tinignan lang siya ni Jin.
“Simple lang, para malaman kung magaling ka bang humalik o hindi.” Nagulat ako nang sabihin yan ni Chloe.
Bakit siya ganyan? Bakit sobrang sama ng ugali niya? Bakit niya binabasura ang taong pinakamamahal ko?
“Chloe anong sinasabi mo?” Tanong ni Jin sa kanya. Kitang-kita ko ung mukha ni Jin pero hindi ang kay Chloe. Nakatalikod siya sa akin.
“And I can say that you’re not, Jin.” Sabi ni Chloe na parang wala talagang pakialam.
Hindi ba niya minahal si Jin? Sinabi pa nga niya sa ‘kin noon, two years ago, na pagtuntong namin ng third year college ay sasagutin na niya si Jin. Ramdam ko din noon na mahal na mahal niya ito.
Pero anong nangyari ngayon?
Chloe, hindi kita maintindihan.
“Chloe…” Binanggit ni Jin ang pangalan niya. Nasasaktan ako para sa kanya. Para siyang nagmamakaawa sa tono niya.
“I have a wish, Jin. Palayain mo na ako dahil hindi kita minahal kahit kalian.” Sobrang cold ng pagkakasabi niya noon kaya naman napatakip ang kamay ko sa bibig ko.
Mas masakit ang makitang nasasaktan ang taong mahal mo.
Unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ko.
“Bakit, Chloe?” Gaya ni Jin, ganyan din ang tanong sa isip ko. Bakit mo pinaasa ang taong mahal ko?
“Here.” Nakita kong may iniabot siyang kung ano kay Jin. “I don’t need that anymore.”
“Sabi mo mahal mo ako” Tama na Jin. Please… Nandito naman ako eh…
Tahimik lang akong umiiyak doon para kay Jin.
Narinig ko muna ang tawa ni Chloe bago siya sumagot. “You’re so pathetic, Jin. I lied okay?”
Nakita kong napayuko nalang si Jin.
Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa kasi papalapit sa akin si Chloe.
“Ohh. Kanina ka pa diyan?” Tanong niyang nakangiti sa akin.
Noon, iyang ngiti na yan ang gustong-gusto ko makita araw-araw.
Ibinaba ko na sa magkabilang gilid ko ung kamay ko at tinignan ko lang siya.
“I have a wish, Laureen.” She said in the same tone she used earlier with Jin. “Will you please stop living in my shadow?”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano bang problema niya?
“Napapansin ko kasi na until now, you’re still tailing me.” She said as she smirked.
Bigla akong nainis. How dare this girl! How dare her insult me!
Oo, tama nga siya, simula noong mga bata pa kami at naging matalik na magkaibigan ay lagi ko siyang sinusundan. Sinusundan para protektahan.
Sa ‘ming dalawa kasi, ako ang mas malakas at matapang. Chloe was a very timid and delicate girl. Kaya naman noon, palagi akong nasa likod niya. Nang makilala namin si Jin nung highschool kami, ganun din ang ginawa niya.
Pero iba na ang lahat ngayon.
Hindi parin ako umiimik kaya nagsalita ulit siya. “It’s time to step on the spotlight, my dear.”
She said in a rather mocking tone. Gusto ko siyang sampalin sa galit ko pero hindi ko magawa. After all, minsan ko siyang pinrotektahan ng husto.
Yun na ang mga huli niyang salita bago siya tuluyang umalis.
Ito na ang huling beses na hahayaan ko siyang insultuhin ako. Hinahamon niya ako? Ibibigay ko ang hiling niya sa kanya.
Nilapitan ko na si Jin na nakayuko parin doon hanggang ngayon.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
Tumingin siya sa ‘kin at halos maiyak nanaman ako sa nakita ko. Umiiyak siya.
“Laureen.” Sabi tapos niyakap niya ako. Ramdam ko ung sakit na nararamdaman ni Jin. Sobra. Ilang taong ang sinayang niya sa pagmamahal sa walang kwentang babaeng yun?
Noon, nasabi kong konti nalang at kamumuhian ko na siya.
And now…
It’s official.
Halos kalahating oras kaming nanatili doon. Nakayakap lang sa ‘kin si Jin habang umiiyak. Hindi ito ang tamang oras para sa nararamdaman ko pero bago mag-graduation sisiguruhin kong makakapagtapat ako sa kanya. Ipapamukha ko kay Chloe na kaya ko.
“Tara na Jin. Iuuwi na kita.” Sabi ko ng medyo mahinahon na siya.
Tumango lang siya sa akin at lumabas na kami. Buti nalang at wala na kami masyadong gagawin ngayon. One day of absence wouldn’t hurt right?
“Laureen, are you two alright?” Nagulat ako ng biglang may nagtanong sa ‘kin.
Si Ms. Raine pala. Nanging prof din namin siya sa accounting. Four years palang siyang nagtuturo. CPA yan.
“Ah, yes Ms. Raine.” Tapos nginitian ko siya kahit mugto ung mata ko. Si Jin naman nakayuko lang. “Masama po kasi pakiramdam ni Jin, iuuwi ko po sana siya.”
Kumunot lang ung noo niya. “Osha sige, mag-iingat kayo ah.”
“Thanks po.” Then umalis na kami.

BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Cerita PendekMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...