Chapter Two

450 14 0
                                    


Karylle


Pa ulit ulit pa din sa isip ko kung bakit nagawa saakin ni vice iyon, may nakapag sabi kasi sakin na ex niya yung malanding babae na yun. Ang sakit, sobrang sakit sana bumalik siya para sa anak namin sana..

"Ungaaa!! Ungaaa!!" Natigil ang pag eemote ko dahil kay Jose, Oo nanganak na ako 1 week ago. Sayang wala si vice nung nanganak ako..

Binuhat ko si jose at hinele.

"Shhh" pinadede ko si jose saakin at hinele ko habang naka tayo ako,nag biglang lumakas ang hangin at may dyaryo na pumunta sa mukha ko. Tinanggal ko yung dyaryo at tinignan ko iyon.

"Wanted labandera!?" Ay medjo namulat ng mata si baby napalakas ata yung pag sabi ko. Kinuha ko yung telepono ko at tinawagan agad yung nakalagay sa papel


Calling 09*********

*Answer*


"Hello po? Naghahanap po kayo ng labandera? Ako nalang po!"

"Ah pwede bang makuha yung basic information mo?" Ano yun? Nakakain ba yun?

"Ah ano po iyon?"

"Kung ano yung pangalan mo kung nasaan ka naka tira kung ilang taon kana, kung kailan ka pinanganak"

"Ah ganun po ba? Uhmm ako po si Ana Karylle Tatlonghari, 21 years old, sa bicol ako nakatira, pinanganak ako noong March 22 1996"

"Ang layo mo naman pala, sa manila eto eh"

Nanlaki yung mata ko dahil malayo nga.

"Po? Ganun ba? "

"Oo eh, pero kung gusto mo naman talagang mag trabaho tetext ko nalang yung address nung bahay "

"Sige po salamat" binaba ko na ang telepono, hay pang bili nga ng bigas wala ako pamasahe pa kaya? Mangutang kaya ako kay anne?

-----


General


Kinabukasan, Maagang gumising si karylle para puntahan ang kaibigan na si anne.

"Anak naman tinotopak ka nanaman" sambit ni karylle sa umiiyak na anak dahil ito ay nagugutom na. Napatigil ang paglalakad ni karylle para padedein ang bata. Nang tumigil eto sa pag iyak tumuloy na eto sa paglakad.


"Mars, wala pa akong pera ngayon dahil hindi pa sumesweldo si erwan eh." Bagsak balikat naman ang nagawa ni karylle nang marinig niya eto muka sa kaibigan.

"sorry talaga mars."

"Kailangan ko talaga gusto ko kasi makahanap ng trabaho para kay jose" naawa naman si anne kay karylle kaya nakaisip siya ng paraan.

"Edi gawin mo, mag hanap ka muna ng trabaho dito kahit panandalian lang para makaluwas ka ng maynila, mas malaki kasi ang sweldo sa maynila kaysa dito sa probinsiya" napaisip naman si karylle sa sinabi ng kaibigan

"Paano naman si jose?" Tanong ni karylle habang nakatingin siya sa anak na pinapadede.

"Kung gusto mo ako na mag aalaga kay jose" nakangiting sabi ni anne. Bigla namang napangiti si karylle sa narinig.

"Talaga? Pabor ba sayo?"

"Oo naman "

"Salamat mars ha?"

"Wala yun no, kailangan niyo ng pera eh"


--


Lumipas ang mga ilang araw tila swinerte si karylle dahil natanggap siya sa isang bakery shop. Tatlong linggo na siya sa trabaho niya na iyon, tila mahirap man sakanya na mawala'y siya sakanyang anak inisip niya nalang para din sa anak niya ang ginagawa niya.

Isang araw pinasyal ni anne si jose dahil ayun ang bilin ni karylle sakanya para naman makapunta sa parke si jose dahil nga unang sweldo ni karylle ay medjo malaki.

Nang nasa park na si anne at jose ay umupo eto sa bench dahil medjo napagod si anne sa paglalakad inilatag ni anne ang maliit na higaan ni jose sakanyang tabi at bigla etong umiyak kaya kinuha niya sa bag ang maliit ng bote at tinimplahan eto ng gatas.





























"Jose!!" Napasigaw si anne dahil wala na sa tabi niya ang bata, at nakita niya nalang na tinakbo eto ng isang babae, agad na sinundan eto ni anne.

"Ibalik mo saakin si jose!!" Sigaw ni anne habang hinahabol ang babae, iyak naman ng iyak si jose.

Dahil nga matao ay hindi na nakita ni anne si jose kaya naman umiiyak si anne at tila kinakabahan dahil naalala niya si karylle.

"Mars sorry" umiiyak na sabi ni anne habang eto'y napaupo.





Simula nung nangyari hindi na nagpakita pa si anne kay karylle, halos galit at inis ang nararamdamanni karylle nung araw na iyon wala siyang alam sa nangyari. Hinanap niya ang kanyang anak, hindi siya tumitigil sa paghahanap.

Until We Meet Again (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon