Chapter Four

409 10 0
                                    


General




"Anak! Jusko saglit lang!" Sigaw ng isang babae habang hinahabol niya ang kanyang anak.



"Mommy! Mommy! I want this toy please?" Pa cute ng batang lalaki sakanyang ina habang hawak hawak niya ang paborito niyang laruan. Spiderman.



"Okay fine. But last na yan ha? Nagpabili kana sakin ng toys mo last week. Next month ulit tayo bibili ng toys, okay po ba yun?" Nakangiting sabi ng babae sa anak kaya namna niyakap siya nito.



"Thank you mommy!" Nakangiting sabi nang bata.



"Welcome anak." Binuhat ng babae ang kanyang anak at pumunta na sa Counter upang magbayad.


Nang matapos na nilang mag bayad lumabas na sila sa toy section at naghanap ng makakainan. Dahil nga makulit si Jose kumaripas nanaman ito ng takbo dahil may mascot siyang nakita.



"Anak! Wait for mommy!" Sigaw ni Coleen



Sa kakulitan nang anak may nakabangga ito na batang babae na kasing edad niya lang. Kapwa silang napaupong dalawa.



"Mommy so—sorry.." Maiyak-iyak na sabi ni jose habang nakatingin siya sakanyang mommy at nakaupo ito. Kasi kapag may nagagawang mali si jose pinapalo ito ni coleen. Kaya may takot si jose kay coleen lalo na kapag may nagawa itong kasalanan.



"Hay nako anak. Baby girl sorry.." Tinulungan ni coleen makatayo ang batangbabae at si jose.



Nakatingin lamang si baby girl kay coleen at kay jose.


"Nasaktan kaba baby girl? Sorry ha? Makulit kasi tong anak ko eh." Hinimas ni coleen ang likod ng anak para tumahan na nito.



"Samantha! Ano kaba naman anak! Nandito ka lang pala nag alala kami ng mommy mo" Nag aalalang sabi ng tatay ni sam.



"Okay lang po ako daddy bays." Sabi ni samantha at lumapit kay Vice.



"Okay ka jan kami hindi! Oh.. hi baby boy anong name mo?" Nakangiting tanong ni vice sa bata na umiiyak.



"Jo..jose po.." nauutal na sabi ng bata habang nirurub nya ang eyes niya.


Napaisip naman si vice. Naalala niya ang kanyang anak. Kaya nalungkot ito at tinitigan lamang si jose.


"Sorry ha? Nagkabangaan kasi yung dalawa. Makulit kasi tong anak ko." Nakangiting sabi ni coleen kay vice.



"Okay lang.. sige una na kami ha?" Bago umalis sila vice at kanyang anak tinitigan niya muna ang bata dahil familiar sakanya ito pero hindi niya nalang ito pinansin dahil baka nakita niya na ito dati.



"Mommy im sleepy.." nagpaparkaga si jose kay coleen at pungya na ang mata nito. Kinarga naman ito ni coleen.



"Okay we will go home. Sleep na anak." Naglakad na palabas si coleen palabas ng mall at pumunta ito sa parking lot.










Vice




Umuwi na kami nila Sam at Liz dahil napagod ang mag ina ko. Habang nag da-drive ako tulog naman sila. Familiar talaga sakin yung bata eh. Lalo na yung name niya. Hay. Namimiss kona anak ko. Nasaan na kaya sila ni karylle?

Until We Meet Again (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon