Lumabas naman na ang lahat, umuwi na si coleen at sa bahay niya na papagalitan si jose kaya naman kinabahan ito samantalang si jack naman at andrea ay nauna nang umuwi, kasalukuyang mag isa nalang si samantha sa waiting shed dahil hinihintay niya si Liz na mag susundo sakanya.
" Tagal naman.." bulong ni sam sa sarili at tinitignan ang relo nito.
"Nandito na ako" nagulat naman si samantha sa narinig at napalingon sa likod nito nakita niya si jose kaya naman umalis si sam.
"Uy sammy!" Hinawakan ni jose ang balikat ni samantha upang pigilan ito umalis, naiyak naman si sam.
"Bitawan moko jose. " cold na sabi nito.
"Sorry na please ayusin natin to.." pagmamakaawa ni jose.
"Ayoko. Umalis kana!!!" Sigaw ni samantha at tinulak si jose.
"Samantha naman eh mahal kita!!"
"Hindi na kita mahal."
Tila nagulat naman si jose sa narinig nanghina siya at napa tahimik sa sinabi ni samantha kaya naman umalis nalang siya ng walang sinasabi.
Nakonsensya naman si samantha kaya hinabol niya si jose at niyakap mula sa likod.
"I'm so sorry... na—nag se..selos lang ako...." humihikbing sabi ni sam kay jose.
Ngunit hindi pa din nagsasalita si jose kay sam at hindi man lang ito humarap sakanya, salita ng salita si sam pero hindi siya pinapansin ni jose. Napapagod na din si samantha kaya naman bigla itong bumitaw sa yakap.
"Sorry.."
Bigla nalang niyakap ni jose si samantha ng walang sinasabi nagulat naman si sam at napangiti at niyakap nalang din.
//
Karylle
"Jack! Ano nanaman bang ginawa mo ha? Tinext ako ng principal pinapatawag ako sa school dahil sa ginawa mo!" Nandito kami ngayon sa sala ni jack pinapagalitan ko siya dahil sa ginawa niya, hindi ko siya tinotolerate sa mga ginagawa niyang makakasira ng image niya.
"Mom si jose kasi eh! Pinapaiyak si sam..." napakunot noo naman ako sa naging sagot niya.
"Bakit anong nangyari?" This time medjo huminahon ako at umupo ako sa tabi ni jack.
"Nag kwentuhan kami ni sam kanina then nag seselos siya kila jose and sa kasama niyang girl, mom sana ako nalang si jose eh. Sana ako nalang yung mahal ni sam.."
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again (ViceRylle)
RomanceMapapatawad mo pa kaya ang taong mahal mo na nangiwan sayo noon?