Chapter Twenty

217 8 1
                                    













"Jose kain na, malelate kapa sa school."




"Okay lang po ako ti...tito vice.. hi..hindi ako nagugutom..." naiilang na sabi ni jose dahil nag bibihis 'to nang biglang pumasok si vice sa kwarto niya.




"Tito?? Diba dapat dad/papa na ang itawag mo saakin."




"Sorry po.."




"Sige na anak sunod ka nalang ha? Hinihintay ka ng mama mo"









Umalis naman na si vice at pumunta sa kusina para saluhan sa pagkain si karylle, napa buntong hininga naman si jose nang pagkaalis ni vice. Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari ang katotohanan. Mahirap kay jose ang sitwasyon niya dahil unang una hindi niya kasama ang taong nag palaki sakanya at mahal na mahal niya. Pangalawa naman ay malayo na siya kay samantha dahil nakatira na sila vice at karylle sa bago nilang bahay. Bago pa magkita sila vice at karylle ay may napundar na siya na bahay, nilaan niya ito kung sakali mang mabuo ang pamilya niya.





Nang naka bihis na si jose ay lumabas naman na siya ng kwarto niya at pumunta sa sala upang ibaba ang bag sa sofa.





"Ser kain napo" aya sakanya ng kasambahay nila ngumiti naman si jose, naiilang pa siya dahil hindi siya nasanay na may katulong sila sa bahay dahil si coleen lang lahat gumagawa ng mga gawain bahay.




Dumeretso na si jose sa kusina na nahihiya lumapit sa mga magulang.





"Upo na anak"







Bumeso naman si jose kila vice at karylle, at umupo na ito.




"Ano gusto mo anak? Hotdog? Bacon? Ham?" Sunod sunod na tanong ni karylle, hindi naman makasagot agad si jose.




"Yu..yung .. bacon nalang po.."




Binigay naman ni karylle ang pagkain ni jose at simula na silang kumain lahat.






"Anak malapit na birthday mo ah, gusto mo ba mag party? Anong gusto mo?" Tanong ni vice.




"Gusto ko pong makasama si mo...mommy co..coleen.." nagkatinginan naman ang mag-asawa sa sinagot ng anak at ngumiti nalang, wala naman silang magagawa dahil ayun yung gusto ng anak. Kaya pag bibigyan nalang nila 'to.







































































Samantha









Ang sakit lang isipin na hindi pala siya yung tunay kong ama. Simula pag ka bata ko siya na yung nag aalaga saakin. Naparamdam niya talaga saakin na para ko siyang tunay na ama. Hindi ko alam kung papasalamatan ko siya o kakamuhian ko siya, nasaktan niya si mommy. Hanggang ngayon hindi pa din kumakain si mommy. Hays, tapos utos niya pa saakin layuan ko si jose. Ang hirap naman ng ganito, simula pag ka bata si jose na yung kasa-kasama ko.





"Sam!" Napatayo naman ako nang tawagin ako ni mommy mula sa taas kaya naman umakyat na ako.




"Why mom?"




"Papasok kana ba?" Kala ko naman kung ano na nangyari eh haha.




"Yes mom, akala ko naman ano na nangyari sainyo hahaha"




Until We Meet Again (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon