Chapter 1

1.6K 53 13
                                    

Chapter 1 

ARA'S POV

 Ako si ara ,isa akong angel at ako ang guardian angel ni thomas.pinagbubuntis palang si thomas ng mommy niya ako na ang itinakdang maging anghel dela guwardiya niya. pero hindi ko inaasahan na dahil lang sa isang misyon na iniaatas sa akin ay magbabago ang lahat. 

--------------------------------------------------------------------------------

"Be careful hon. malapit na tayo.", ani thomas sa asawa niyang si dianne habang marahan itong inaalalayan patungo sa lamesa na kung saan sila magsasalo para sa unang anibersaryo nila bilang mag-asawa.nakapwesto ang mesa sa gitna ng garden ng restaurant na iyon at napapalibutan ng mababago at nag-gagandahang mga bulaklak. o diba parang sa heaven lang kaso mas maganda lang yung nasa heaven :p. naisipan niyang ipagdiwang ang anibersaryo nila dito sa paborito nilang restaurant kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.kaya napaka-memorable at espesyal sa kanila ang lugar na ito.dito rin kasi siya sinagot ni dianne bilang kanyang nobyo at dito rin nag-propose si thomas.

Ang sweet sweet talaga nitong alaga ko manang mana sa guardian angel niya. 

"Ano ba kasing pakulo 'to hon. bakit kailangang naka-blind fold pa yung mata ko?", blangkong tanong ni dianne dito.

Hay naku kung ako sa'yo dianne tatahimik nalang ako at hahayaan si thomas sa ginagawa niya.

"Be patient hon. konti nalang nandun na tayo.", sagot ni thomas kay dainne. matapos ang ilang sandali ay ganap na silang nakalapit sa lamesang pinaayos ni thomas para sa kanilang dalawa ni dianne. "TADAH!!!!! HAPPY 1st WEDDING ANNIVERSARY!", malakas na sabi ni thomas kay dianne.bakas naman sa maganda at maamong mukha ni dianne ang pagkasupresa sa ginawa ni thomas.

'Kaswerte talaga nitong si dianne sa alaga kong si thomas.biruin mo  napaka-gwapo na nga saksakan pa ng sweet at bait. san ka pa?'

'Bakit ate ara swerte din naman yang si thomas kay dianne ah. ang bait bait at ang ganda ganda kaya niyang alaga ko' sabat naman nitong batang kerubin sa tabi ko. ito nga pala si gabriel siya ang guardian angel ni dianne.  

'Oo na pareho silang swerte sa isa't isa.', naka-irap ko namang komento sa batang ito.tapos ay pinanood kong muli ang dalawa. bagay na bagay talaga sila sa isa't isa.

"Thank you hon. nag-effort ka pa talagang mag-set ng dinner w/ candle lights dito sa favorite place natin", masayang masayang turan naman ni dianne sa alaga kong si thomas sabay halik sa labi nito. OMG! my Innocent eyes! anyway let's moving on chosss. o diba gulat kayo isang anghel umeenglesssshhh.. well ikaw ba naman araw-araw narito sa lupa at nagbabatay ng nilalang tignan natin kung di ka matututo ng iba't ibang lenguwahe.

"Anything for you hon.", hinalikan pa ni thomas ang ibabaw ng kamay ni dianne. "Ano nagustuhan mo ba yung suprise ko sa'yo?",dagdag na tanong ni thomas dito tapos ay hinatak ang upuan at inalalayang maupo si dianne doon.Ang gentleman diba. nang masiguradong maayos na ito sa kinauupuan ay naglakad na siya papunta sa katapat na upuan nito. 

"Of course hon nagustuhan ko talaga itong surprise mo sa akin.", naka-ngiting sagot ni dianne kay thomas nang makaupo na ito sa kanya upuan.  "But of course hindi naman pwedeng ikaw lang yung may surprise. may surprise din ako sa'yo hon and i'm pretty sure na magugustuhan mo talaga itong goodnews ko", bakas naman sa tono ng pananalita ni dianne ang kasabikan. hmmmm ano naman kayang surprise nitong si dianne kay thomas? hindi ko yata know yan. sabagay hindi naman ako ang nakatokang magbantay kay dianne. 

100 Days with My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon