Thomas' POV
Malapit na talaga akong masiraan ng bait dahil ni ara. Nagpunta na ako ng living room para tumawag sa landline.
Pag-ka order ko ng food ay bumalik ako sa kitchen para i-check si ara doon ,mahirap na baka may kalokohan na namang ginagawa dun yun.pagdating ko dun ay nakita ko naman siya na tinatapon na yung pagkain na nasunog kanina.pero tumugil ito sandali at tumalungko. Di ko alam kung anong ginagawa nya kaya naman sinilip ko. Nakita ko syang hinihipan nya yung kaliwang braso nya tapos ay winawagwag yung kanang kamay nya. Lumapit ako ng konti para makita kung ano nangyari sa braso't kamay nya. Paglapit ko dun ko lang napansin na ang laki pala ng paso ni ara sa braso kahit yung kanang kamay nya namumula at parang medyo nangitim ng konti.
Parang mangiyak-ngiyak na siya. Siguro dahil makirot yung mga sugat nya. Di na ko nagdalawang isip at kinuha ko kaagad yung first aid kit ko sa may medicine cabinet at lumapit na ako kay ara. Parang nagulat naman siya. Dahil nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata nya. Lumuhod ako para magkapantay kami.tsaka ko dahan-dahan na inabot ang left arm nya. "T-Thomas a-anong ginagawa mo?", clueless na tanong niya sa akin ."Gagamutin natin yung mga paso mo. Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na nasugatan ka pala kanina.tignan mo tuloy medyo nangingitim na", panenermon ko sa kanya. Pero nakatulala lang siya sa akin. Di ko nalang pinansin pa at pinagpatuloy ko nalang ang pag lilinis ng sugat nya.
"Aray!", daing nya ng dampian ko ng bulak na may alchol ang paso nya. "Sorry, tiisin mo lang ng konti mawawala rin yan", tumango naman sya sakin.after Kong malinis yung mga sugat at tsaka ko sya pinahiran ng ointment. "Ano masakit pa ba?", tanong ko habang binabalutan ng gaza yung sugat nya. "H-Hindi na masyado. Ginamot mo na eh", nakangiti niyang tugon kaya naman ginantihan ko din ito ng ngiti.pinag-masdan ko sandali ang itsura nya di ko maiwasan ang di matawa pano ba naman kasi hanggang ngayon puro uling pa din yung mukha nya.nakita ko naman na tinaasan nya ako ng kilay"Bakit ka tumatawa?may nakakatawa ba?", mataray na tanong nya.
"Oo meron yang itsura mo. Mukha ka pa rin taong grasa.", sabi ko sabay tawa ulit ng malakas .naramdaman ko naman ang mahina nyang pag hampas sa kaliwang braso ko."Tsss.. ", naka-pout pa sya. Napapailing nalang ako. Tumayo ako sandali para kumuha ng face towel tsaka ko ito binasa ng tubig sa gripo. Lumapit ulit ako sa kanya at naupo sa tapat nya. "A-Ano naman yan?", tanong nya ."Bimpo, pupunsan ko yang mga dungis mo sa mukha", sagot ko tapos at dinampi ko na ang bimpo sa mukha nya at sinimulan ng linisin .ano ba 'to daig ko pa ang may alagang bata.after ko malinis ang mukha nya ay tumayo na ako at tsaka ko sya inalalayang tumayo.
Marahan lang yung paghila ko sa kanya kasi baka masaktan na naman yung sugat nya. Nakatayo na kami pero biglang..... "Ayyyy!!", na-out of balance ako natapakan ko kasi yung bimpong pinamunas ko sa kanya.dahil hawak ko pa din ang mga kamay nya kaya pati sya ay nasamang natumba. Pareho lang kaming shocked ni Ara. Nakatulala lang ako sa kanya kahit sya ay diretso ding nakatingin sa mga Mata ko. Feeling ko tuloy para akong matutunaw sa mga titig nya.nakakahiya mang aminin pero parang bigla akong nakaramdam ng pagka-conscious sa sarili ko ugh! Di naman ako ganito dati ah pero bakit ako nagkakaganito ngayon ? Gusto kong mag-iwas ng tingin pero di ko magawa, napahawak ako bigla sa mga pisngi ko. Ano ba 'to, nag b-blush ba ako ? Di nga ? Ugh! " A-Ah t-thomas? B-baka pwede na tayong t-tumayo asddfffgghhhhjjkl", wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nya,tanging sa mga labi lang nya ako nakatitig. Bakit ba ganito? Bakit parang inaakit ako ng mga labi nya.
Para akong nat-tempt. Ugh! Thomas stop it! Napabalik nalang ako sa wisyo ng tapikin ako ng malakas ni Ara sa noo.sinamaan ko naman sya ng tingin."Bakit ka ba nang-hahampas?!", galit na tanong ko habang hinihimas yung noo ko na hinampas nya. "Mukha ka kasing sira thomas kanina pa kita pinatatayo, di mo naman ako pinapansin na ka-nguso ka lang dyan" , pinagtatawanan pa ko.nun ko lang na-realized naka-pout nga ako. Shit! Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
RomancePaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...