Ara'sPOV
Tatlong araw na ang lumipas magmula ng aminin ko kay thomas na ako ang Guardian Angel nya, pero hanggang ngayon ay parang di pa rin nya pinaniniwalaan ang mga sinabi ko sa kanya.
Gusto ko sanang subukan syang kausapin ulit tungkol sa bagay na 'yun, kaso simula ng araw na 'yun ay naging mailap na sya sa akin.
Kinaka-usap lang naman nya ako kapag may itatanong o iuutos sya sa akin. Nakakapanibago tuloy.
Haysst mukhang mahihirapan pa yata akong gawin ang misyon ko. Masyadong matigas si thomas. pero hindi pa rin ako susuko noh wala yata sa bokabolaryo ko ang salitang 'yan.
Napapitlag naman ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ni cienne sa kaliwang braso. "Okay ka lang ba ara?", may halong pag-aalala nyang tanong sa akin .
Tumango naman ako dito ." Oo naman, ayos lang ako cienne", nakangiting sagot ko sa kanya.
Ngumiti na lamang ito at bumalik na sa pagtingin sa malaking kwaderno kung saan naroon ang iba't ibang disenyo ng mga damit pang-kasal. Kasalukuyan kasi kaming naghahanap sa mga magazine daw, ng mga magagandang disenyo ng damit para sa nalalapit na kasal ni cienne at avo.
Eto nga at pati ako ay sinama pa sa mga aabay para sa kasal nya. Nakakahiya kasi unang pagkakataon ko palang na makakadalo sa isang kasal at bahagi pa ako sa isasagawang seremonya nga kasal. Nakakakaba tuloy.
Kahit wala 'man akong alam tungkol sa mga bagay na yan ay nakikitulong na 'rin ako sa pagpili ng magandang kulay at disenyo para naman sa damit na isusuot daw ng mga aabay sa kasal nila avo at cienne.
"Cienne look oh, maganda yung design ng isang 'to simple but very elegant sya. I think bagay 'to sayo", pinakita ni mika ang hawak nitong puting papel kay cienne.
"Patingin nga din ako.", ani carol tsaka lumapit kay mika at cienne.
"Hmm oo nga maganda sya. Pero ye napaka-common naman na nyang design na napili mo, ang dami ko na din nakitang bride na ganyan ang yari ng wedding gown. ", komento ni carol matapos makita ang disenyo.
Tumango naman si cienne na parang sumasang-ayon sya sa sinabi ni carol "Yeah carol's right, maganda nga pero pang-karaniwanan nalang. Hanap nalang ulit tayo ng iba ye, i'm sure mas marami pang magandang designs tayong makikita", ani cienne.
Napanguso naman si mika sa naging komento ng dalawa. "Ganun? Hmp. Sige na nga", ani nalang ni mika tsaka muling nag hanap ng magagandang desenyo ng wedding gown daw.
"Ikaw ara may napili ka na ba?", baling naman sa akin ni camille na abala rin sa pag-pili para naman sa tinatawag nilang flower girl.
Umiling naman ako, hanggang ngayon ay wala pa akong napipili ,dahil na rin siguro mas nauuna ko pa ang pag-iisip ng naging usapan namin ni thomas nung mga nakaraang araw kaysa dito.
"Wala pa rin camille eh.", sagot ko dito.
"Ah sige don't worry after ko ditong makapili ,tutulungan na lang kita dyan", nakangiti namang sabi ni camille.
Ngumiti at tumango lang ako dito at itinuloy ko na ang ginagawa ko.
"Teka saan nga pala si negers? Andito lang kanina yun ah.loko yun ah hindi tayo tinutulungan dito.", tanong ni carol ng mapuna nya na wala si kim dito sa sala ng bahay ni thomas.
"Hay naku cars wag mo nang asahan namatutulungan tayo ni kim dito, alam mo naman na pag-dating sa ganitong mga bagay ay out of coverage palagi ang drama ng lola negers mo. Kundi absent , ayun naka-tambay sa loob ng kitchen at lumalafang.", natatawang pahayag ni mika kay carol .
BINABASA MO ANG
100 Days with My Guardian Angel
Storie d'amorePaano kung maatasan ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging tao sa loob ng 100 days para tulungan ang alaga niya na makabalik sa dati nitong normal na pamumuhay. ano kaya ang mangyayari kung sa di inaasahang pagkakataon ay mainlove si guardian...