Chapter 11

538 38 13
                                    

Thomas'POV

Darn! She's so impossible! I can't believe na nagpatuloy ako ng isang tao na grabe yata ang sayad sa utak. Puro katangahan at kapalpakan nalang ang ginagawa, lagi nalang din pinapasakit ang ulo ko. Pero i don't know kung bakit di ko pa rin sya magawang paalisin dito sa bahay ko despite of her katangan and kapalpakan. Maybe because of awa kaya di ko sya mapaalis. But infairness di naman talaga totoong hindi masarap yung sinigang na baka nya. Actually sobrang sarap ng luto nya. Ayoko lang aminin kasi baka lumaki ulo nya kung pupurihin ko sya.

Bipolar na yata ako. Napapa-smile kasi ako pag naaalala ko yung reaction nya kanina nung kumakain ako. I admit she's really cute, especially pag naka-pout pa yung lips nya tho pouted naman na talaga yung mga yun.  Kakaiba talaga sya sa lahat ng taong nakilala ko even kay dianne may something sa kanya na wala sa mga taong kakilala ko o nakilala ko. I bet she is really one of a kind. But, she's still a krung-krung for me. 

Sa sobrang abala ng utak ko sa pag-iisip di ko na namalayan na unti-unti na palang pumipikit ang mga mata hanggang sa tuluyan nang bumigay ang mga ito..............

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ara's POV

"Hi ara!", bati sa akin ng bullies di na ako nagulat na pupunta sila dito ngayon .sinabi na kasi nila yun sa akin kahapon.

Pinapasok ko na sila agad sa loob . "Ah gusto nyo ng makakain? Pag hahanda ko kayo.", pag-aalok ko sa mga ito.

"Thanks,but no thanks nalang ars we're still full pa na man eh. Anyways magbihis ka na dahil sasama ka sa amin mag -grocery ngayon.", saad ni carol . di na ako kumibo pa sinunod ko nalang ang sinabi nito. Sabagay gusto ko ulit lumabas. Ang gaganda kasi ng mga pinuputahan namin tsaka unang beses ko palang kasi maranasan yun sa tala ng buhay ko noh. 

Nagtungo kami dito sa supermarket na tinatawag nila mika .sinama daw nila ako para matuto daw ako kung paano mamili ng mga gamit pang kusina. Para naman daw sa susunod na isama o utusan daw ako ni thomas na mag-grocery ba yun? Eh alam ko na daw kung paano ang gagawin.

"Ars ganito dapat bago mo ilagay sa basket itong delata ng cornbeef dapat basahin mo muna yung label nito. At i-check mo rin ang expiration date baka kasi mamaya expired na pala ito. Para mas safe", pagpapaliwanag ni mika sa akin. Napakamot naman ako sa batok ko.

Naalala ko kasi di nga pala ako gaanong marunong mag-basa ."Ah-eh mika... A-Ano kasi ..ahm di kasi ako masyadong marunong na mag-basa eh. Pasensya na." , napayuko naman ako nahihiya kasi akong makita kung anong reaksyon nito eh .

Naramdaman ko naman ang kamay nya sa balikat ko. Kaya napa-angat ang tingin ko dito. Naka-ngiti sya sa akin "Okay lang bayaan mo tuturuan ka namin ng mga bullies. Okay?", magiliw na turan nya habang matamis pa rin na nakangiti sa akin.

Napangiti na rin tuloy ako. Ang bait bait talaga nya . sana lahat ng tao ay kagaya nya malawak ang pang una sa iba. "Salamat mika", ani ko dito.

100 Days with My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon