Chapter 12

614 47 28
                                    

Ara's POV

Nakasakay na kami dito sa kotse ni thomas pero hindi pa rin nito pinapaandar iyon. Tahimik lang kami. Habang ako eto naiiyak,nakakahiya yung ginawa ko.puro's sakit nalang ng ulo ang ibinibigay ko kay thomas.

Hindi na ako naka-tiis ako na mismo ang bumasag sa katahimikan. "T-Thomas.... *sobs* p-pasensyakan-nasa ginagawa *sobs* ko. H-Hindi ko n-naman *sobs* kasi alam na b-bawal palang kagatan ang m-mansanas doon", nakaharap ako sa kanya habang sinasabi ko ito ng puno ng sinseridad.

Humarap din sya sa akin. Seryoso lang ang mukha nyang nakatingin sa akin.

Nakakatakot kahit na napaka-gwapo nya hindi ko pa rin maiwasan ang hindi makadama ng takot, natatakot ako na baka sa pagkakataong ito tuluyan na nya akong paalisin. Baka napuno na sya dahil sa mga katangahan na ginawa ko.

Na baka nasawa na sya na intindihin ako. At baka—- huhuhu di ko na kaya mas lalo lang ako naiiyak sa mga iniisip ko.

"Ang tanga-tanga ko talaga. Palagi ko nalang pina-pasakit ang ulo mo. Wala na ako nagawang tama, puro nalang kapal-pakan. nakakahiya na sayo thomas. ", muli kong sambit habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito. Akala ko'y magsasalita na sya ngunit mali pala ako ng iniisip. nabigla na lamang ako na madama ko ang malambot niyang kamay sa magka-bila kong mga pisngi. Marahan nyang pinalis ang mga luha kong patuloy na bumabasa sa mga ito.

Maang na napatunghay ako sa gwapo nyang mukha na kanina lang ay seryoso pero ngayon ay mababakasan mo na ng pag-aalala. "Shhhh.. Don't say that. Hind ka tanga okay. Kalimutan mo na lang yun.", maamong sambit nya sa akin. Hindi pa rin inaalis ni thomas ang mga kamay nya sa mga pisngi ko. Kaya damang dama ko ang init ng mga palad nya.

"Pero nang dahil sa akin kamuntikan ka ng mapa-sangkot sa away kanina. Tapos palagi pa kitang napapagalit at—-", nabigla ako ng iharang ni thomas ang hintuturo nya sa mga labi ko dahilan para mapatigil ako sa pag-lilitanya.

Inalis nya ang daliri nya tsaka muling nagsalita. "At pag di ka pa talaga tumigil sa paninisi sa sarili mo,magagalit na talaga ako sayo ng tuluyan", napatikom naman ako kaagad sa aking bibig. Baka kasi totohanin ni thomas ang sinabi nya eh.

Napangiti naman sya sa akin sabay gulo ng buhok ko. Nakakapagtaka, nakakapanibago lang dahil hindi sya nagalit sa akin ngayon. "Ang likot-likot mo ka si eh, ayan tuloy muntik ka ng mapahamak kanina mabuti nalang dumating ako kaagad, kundi baka kung ano na'ng ginawa sayo ng tukmol na yun", seryoso pero normal lang ang tono ng boses na sabi nito.

Napakamot naman ako sa batok ko. "Gusto lang naman kitang tulungan sa pamimili. At tsaka hindi ko naman inasahan na mang-yayari yun eh. Pero salamat pa rin at dumating ka kasi alam mo ba takot na takot na ako kanina. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin. Mabuti na lang dumating ka.", paliwanag ko sa kanya.

"Aray! Masakit yun eh bakit ka na-ngungurot?", reklamo ko. Kinurot kasi nya ang kanang pisngi ko eh. Nakakainis.

Natawa ulit sya sa akin ."Sorry i can't help it eh para ka kasing bata mag-kwento. Ang cute cute mo ☺", tinarayan ko na lamang sya, tapos ay umayos na ako ng upo.

"Uy napikon sya.", pang iinis pa nya. Di ko nga pinansin. Sa lahat pa naman kasi nung ayaw ko eh yung kinukurot yung pingi ko.

Pakiramdam ko kasi lalo lang lalaki. "Hmmp! Ewan ko sayo ", inis na sagot ko dito.

"Ay taray ni ate oh. Gusto mo lang yata mag-palambing eh. Pabebe lang ganun?", nakakaasar ,di ko matiis na hindi tumawa.

 "Ayie na patawa ko sya", panunukso pa nya habang sinusundot yung tagliran ko .

100 Days with My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon